Chapter 14

157 8 10
                                    

Start na po ulit ng update ng IRIATW. Salamat sa 700+ reads. Love you, guys! :* Sorry pala sa corny at lame na update na ‘to. For the sake of updating lang naman eh. Dejk. Enjoy~

Sana po pala suportahan niyo ako sa sinalihan kong contest. Just click the external link to see my entry. :3

--

Chapter 14

Ano kayang mangyayari mamayang uwian?

Syempre, susunduin ni Paul si Steph eh. Err. Sana wala ng topak ‘yung lalaking ‘yun. Ayoko ng gulo sa loob ng school. Baka mapatawag pa kami ng dean or ng chancellor eh. Mahirap na. First year pa lang kami, gulo na agad?

Riiiiing!

“Steph, tara na.” Sabay na kaming lumabas ng classroom. Nag-CR muna siya at, syempre, hinintay ko siya sa labas. Alangang pumasok ako dun, dba? O alangang iwanan ko siyang mag-isa, dba? No, no, no. Hindi gawain ‘yun ng isang Thom Yvan Cruz. *wink*

Maya-maya, lumabas na rin siya ng CR. Medyo mapula ‘yung mga mata. Tsk. Umiyak na naman siguro siya.

“S-Steph, bakit?” Tanong ko sa kaniya. Err. Alam niyo naman na ayokong nakikitang umiiyak siya, dba? Naiinis kasi ako eh. Wala kasi akong magawa kapag nakikita ko siyang umiiyak. Tsaka, ayokong nakikita siyang nasasaktan. Alam kong nasaktan ko na siya noon, kaya nga ayoko nang maulit pa ‘yun. Tapos sinaktan pa siya ‘physically’ ni Paul. Tangna. Lagi na lang siyang nasasaktan.

Lumapit siya sa akin at niyakap ako. Steph… Kung pwede ko lang higupin lahat ng kalungkutan na nararamdaman ko, gagawin ko. Kaso tao lang ako at ‘di ko kayang gawin ‘yun. Sorry, Steph.

“Ayoko nang bumalik sa kaniya.” Naluluhang sabi sa akin ni Steph. Err. Pwede ko bang iuwi muna si Steph? Mali! Ano bang pumasok sa isip mo, Thom? Tsk. Iuuwi ko na lang siya kanila Tita. Siguro naman safe siya dun, dba?

“Gusto mo bang iuwi na lang kita sa bahay niyo?” Bumitaw na siya sa pagkakayakap at pinunasan ‘yung luha niya. Siguro ‘Oo’ na ‘yung sagot sa tanong ko, tama ba?

“Ayoko, Thom.” A-Ano daw? A-Ayaw niyang umuwi sa kanila? Bakit naman?!

“B-Bakit?”

“Baka puntahan lang ako dun ni Paul. Alam niya kung saan ako nakatira eh.” Sabagay may point rin siya dun. ‘Di ba nga dun siya sinugod ni Paul? Oo nga pala! Naalala ko bigla ‘yung kwento niya sa akin. Tsk. ‘Di rin pala siya safe dun. Nako! Saan ko na siya dadalhin?

“Sasama na lang ako sa’yo, Thom.” So sa dor—Ano daw? Sasama na lang daw siya sa akin? Nako! Hindi pwede! Baka may mangyaring ma—As if naman na may gagawin ako sa kaniyang masama, ano. Pero pano ‘yung mga damit na susuotin niya, pano ‘yung underwear na susuotin niya pati ‘yung… Basta ‘yun na ‘yun. Pero, pano na nga?

“Puro lalaki kami dun, Steph. Baka… Baka may mangyari.” Err. Ang weird kapag sinasabi ko. Feeling ko binabastos ko siya. Ewan ko ba! Wala eh. Ganito talaga ako. Magalang sa harap ni Steph. Hahaha!

“Sige na, Thom. Please?” Sabay beautiful eyes. Sh*t! ‘Wag kang ganyan, Steph! Ang hirap mong tanggihan! *pouts*

“Pero…”

Huminga siya ng malalim at tumalikod. Hala naman, Steph! Tsk. Hindi ko kasi talaga maisip kung anong mangyayari. Alam kong wala akong gagawing masama sa kaniya kaso… pano na ‘yung mga susuotin niya? Err. Ano ba naman ‘to! *pouts*

I Remember It All Too WellWhere stories live. Discover now