Chapter 8

176 7 4
                                    

Chapter 8

At, tama nga ako! Naging masaya na ‘yung mga sumunod naming mga araw.

Nung Monday, ginanap na ‘yung Robotics Cup na sinalihan namin. Sampu kami sa team. Tapos, may tatlong parts ‘yung Cup. Una, ‘yung RoboFootball. May isang magbabato ng bola, tapos haharangan ‘yun ng robots ng ibang schools. Para manalo, kailangang maka-abot ‘yung bola niya sa goal.

‘Yung pangalawa naman, Tagisan ng Talino. Question and answer ‘yun. Pero, pipila ‘yung mga robots sa tamang letra para manalo. ‘Yung matitira, may prize kaagad na Php 5, 000.

‘Yung pangatlo naman, Amazing Race. Pabilisan lang ng takbo ‘yun. Pero may mga obstacles na nandun sa field. Kung sino ‘yung mauna, may advance prize siya na Php 7, 000.

Pataasan lang ng average ranks para malaman ‘yung Final 3. ‘Yung Final 3 ‘yung marerepresent sa region namin para sa Nationals.

Normal na lang naman sa akin ‘tong ganitong paligsahan. Pangatlong taon ko na siguro dito. Pero may kakaiba kasi sa araw na ‘to, sa taon na ‘to. Ano ‘yun? Nanunuod kasi ngayon si Steph. First time ‘yun ano! Kahit apat na taon na kaming magkaklase, ngayon lang siya nanuod sa contest ko. Hahaha! Gagalingan ko talaga dito. Para sa kaniya.

--

Natatawa ako kasi habang kino-control ko ‘yung robot namin eh napapangiti ako kasi naaalala ko na nadyan siya. Bading lang, ano? Hahaha! Tapos nung ako na ‘yung magbabato nung bola, sumigaw siya. “Go Thom! I love you!” Oo! Seryoso ‘yan! Hahaha! Nagulat nga rin ako eh. At dahil dun, ako ‘yung naka-score ng first goal namin. Tapos naka-goal pa uli ako ng tatlo pa. Wagi ako ngayon. Hahaha!

After ng RoboFootball, second na kami after nung isang private school. Actually, sila ‘yung palaging champion sa Cup na ‘to. But not this year. Hahaha! Inspired ako eh! Gusto ko manalo kami!

--

Muntik na kaming matalo kanina sa Tagisan ng Talino. Nagkamali kasi kami sa isang Easy question kaya nahirapan tuloy kaming bumawi. Buti na lang sa Hard questions eh nakabawi pa kami. Second pa rin kami after nung private school na ‘yun. Pft. Kaya naming manalo!

*Poooooooooot!*

Lunch break na. Pahinga muna kami. Pero kailangan pa naming ayusin muna ‘yung robot namin kasi muntik na ‘yung tumigil kanina sa Tagisan ng Talino.

“Thom!”

“Oh, Steph!” Natutuwa talaga ako kasi nandito ‘tong babaeng ‘to. Umabsent ‘yan para sa event na ‘to! First time ‘yun! GC kasi ‘yan eh kaya ‘di pala-absent. Kahit nga kapag may sakit ‘yan, ayaw umabsent. Baliw nga ‘yun eh. Pero ayos lang ‘yun. Inaalagaan ko naman siya eh. *wink*

“’Di ka pa ba kakain? Lunch break na ah.” Sweet naman niya. Kilig kilig din Thom. Hahaha!

“A-Ah…” Oh. Nautal tuloy ako. Kinilig eh! Hahaha! “Maya-maya pa eh. Aayusin muna namin ‘yung robot namin.”

“Aah. Okay. Anong gusto mong lunch? Bilhan na lang kita.” ‘Yun talaga ‘yun eh. Hahaha! Mukhang may sapi si Steph ngayon ah! Hahaha! Sana lagi na lang siyang may sapi. Ang sweet niya eh!

“Kung ano ‘yung sa’yo, ‘yun na rin ‘yung akin.”

“Suus.” Sabi niya, sabay tawa. “Sige na. Dadalhin na lang namin dito ah. Ingat ka… yo. Ingat kayo!” Tuloy niya, tapos takbo palabas ng Coliseum. Kasama niya nga pala sila Kathleen. Umabsent din ‘yung mga ‘yun eh. Hahaha! Pero nakakapagtaka talaga si Steph eh. Mukha talaga siyang may sapi. Pero magandang sapi naman eh. *bleh*

I Remember It All Too WellWhere stories live. Discover now