Chapter 24: Hindi Maaari!

45 0 0
                                    

CHAPTER 24: HINDI MAAARI!

AUTUMN'S POV

After ko magkasakit ay medyo umiwas na ako kay Jupiter. Hindi ko nga din alam sa sarili ko kung bakit eh. Feel ko lang talaga na lumayo muna sa kanya. Fortunately, wala pa namang nakakahalata sa pag-iwas ko sa kanya...

Sa university namin, every September ay may nagaganap na Battle for a Cause...Ginagawa namin yun para makatulong sa mga batang may cancer... well, ganito kasi yun... Para siyang Battle of the Bands... May mga bandang maglalaban laban at bawat banda, may certain foundation sila na paglalaanan ng pera kapag nanalo sila...

Actually nung first year high school ako, sumali ako diyan sa Battle for a Cause.. Unfortunately dahil nga bata bata palang kami ng banda ko, hindi kami nanalo... Kasama ko si Winter sa banda na yun tapos yung dalawang lalaki, lumipat na ng school.

Gusto ni Winter na sumali ulit kami.. Okay lang naman sakin yun eh kaya lang kulang kami ng dalawa...

"Balita ko sasali daw kayo sa Battle for a Cause?" tanong ni Mark saamin...

Homeroom namin ngayon at wala kaming ginagawa

"Sasali sana kaya lang kulang kami eh" sabi ko sakanya

"Anong posisyon ba kulang niyo?" tanong naman ni Ken

"Drummer tsaka isa pang guitarist" - Winter

"vocalist ka ulit Winter?" - Spring

"Yep yep... Sa guitar ulit si Autumn.. ayaw niya sa drums eh" - Summer

Natulala naman yung dalawang lalaki... Hala? Anong problema ng mga to? Nagkatinginan yung dalawang lalaki tapos ngumiti ng nakakaloko... Tapos hindi pa nakuntento at nag-apir pa sa harap namin..

"Oh anong meron dito? bakit ngiting aso tong dalawang to?" nakangiting tanong samin ni Jupiter

Nagkibitbalikat nalang kaming lahat kasi hindi talaga namin alam ang dahilan...

"Bro!! may balita kami sayo..." sabi ni Ken sabay akbay kay Jupiter

"OO nga pare... " sabi ni Mark at umakbay din siya kay Jupiter

"Parang hindi ko gusto yang mga ngiti niyo... Hoy kayong dalawa, kung anong iniisip niyo, wag niyo na ituloy..." sabi ni Jupiter

"Aaaaaw.. sayang naman... kasi itong naiisip namin ay maaaring makatulong kay Autumn eh" napataas naman yung kilay ko sa sinabi ni Mark... Ano nanamang kalokohan to?

"Bakit nasama pangalan ko diyan?" 

" Naisip kasi namin na maging drummer niyo si Jupiter eh"

5

4

3

2

1

"WHAT?!" ako at si Jupiter

" OO nga noh? si Jupiter nalang kaya yung drummer niyo?"- Summer

Halaaaa... iniiwasan ko nga siya tapos makakabanda ko naman siya

"Hindi kaya ako marunong mag drums" sabi ni Jupiter

Napatingin ako sakanya... 

"Kayo talagang dalawa.. hindi naman pala siya marunong eh" - Winter

"Marunong kaya yan diba Mark?" tumango naman si Mark bilang sagot niya kay Ken

"Jupiter.." 

"W-wag mo nga ako tignan ng ganyan Mark"

"Sigurado kang hindi ka marunong?"

"OO naman.." nag-iwas ng tingin si Jupiter saamin

"Talaga? Promise? Mamatay man si Andy?" nanlaki naman yung mata niya at biglang natigilan

"Ummm... ano... Syempre joke lang... Marunong kaya ako... Pinakamagaling kaya ako dito sa school" sabi niya sabay tawa ng pilit

Ouch!! Yun yun eh... Ganun niya kamahal si Andy... Pero UGH!!! ano bang nangyayari saakin? wala akong gusto sakanyaaaaa.... Bakit ba ako nasasaktan dahil lang dun? tssss...

"Ayoko siya maging kabanda" sabi ko

Napatingin sila saakin...

"Huh? Bakit naman? kumpleto na tayo oh... Si Mark na yung isang guitarist natin... pwede na tayo magparegister" sabi ni Winter

"Ayoko"

"Bakit naman?"-Spring

"Autumn?" - Jupiter

Ayoko tumingin sa kanya... Okay fine aamin na ako... May gusto ako sakanya!!! 

"May problema ba?" tanong ni Jupiter

"Wala naman" ngumiti lang ako tapos lumabas na ako

BASTA AYOKO!!! MAGHAHANAP AKO NG DRUMMER NAMIN... HINDI MAAARI TO!!

tumambay muna ako sa rooftop para kumalma... Nag-isip din ako kung papayag ba ako maging drummer si Jupiter

Maya maya, may tumabi saaking babae... Pagtingin ko kung sino, siya lang naman ang mahal ng taong gusto ko.. OO gusto ko pa lang si Jupiter.. Iba ang MAHAL

"Hello Autumn.. Kamusta na?" 

ngumiti lang ako sa kanya...

"May problema ba?"

"Wala naman..." tipid na sagot ko sakanya

"Ang bait talaga ni Jupiter noh? pinakilala niya ako sa mga magulang niya nung isang araw lang" sabi niya sakin pero ako nakatingin lang ng diretso sa harap

"Mabait talaga yun noh... Ahahah swerte mo nga eh" Maswerte ka talaga kasi girlfriend ka niya

"Yep... Sana nga pagpinakilala ko siya kay kuya hindi siya pahirapan eh.. Ahahaha" 

"ngek bakit naman?"

"Malalakas kasi topak ng kuya ko eh... Malakas trip nun sa buhay"

"aaah..." yan nalang ang nasabi ko... bakit ba eh wala na akong masabi sa kanya eh XD

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Dec 29, 2013 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

When the PAST interfereWhere stories live. Discover now