Chapter 21: He found his partner :)

100 1 0
                                    

A/N: nakakaloka.. nakalimutan ko maglagay ng Quote dun sa previous chapter kakamadali ko.. sarreh naman :) Jupiter on the side ---> 

CHAPTER 21 : HE FOUND HIS PARTNER

Autumn's POV

nag-ikot lang kami ng nag-ikot ni Jupiter sa rink.. sinasanay ko pa kasi siya na magbalance para matuto na siya..

"Chuckie chukie diba si Reen yun?" may tinuro si Jupiter na dalawang tao at isa na dun ay si Reen..

oo nga noh.. siya nga toh.. hindi manlang niya sinabi saakin na may date siya ngayon.. nakakatampo naman toh.. Don't get me wrong ha.. hindi po ako nagseselos..

napag-usapan na kasi naming dalawa yung tungkol samin and we agreed na BESTFRIENDS nalang kami...

nagiging sweet kami sa harap ng barkada at akala nga nila kami na pero lagi namin sinasabi na Bestfriends lang kami.. tanggap na namin yun..

"tara MOO lapitan natin.."

"nakita mo naman na nakikipagdate tapos lalapitan mo.. panira ka naman ng moment.. siguro nagseselos ka  noh? akala ko ba bestfriends nalang kayo?"

"hoy excuse me ha"

"sige makakadaan ka na"

pinalo ko siya sa balikat niya at tinanggal ko yung mga kamay niya na nakakapit saakin na parang takot mawala..

"joke lang naman eh.." kumapit ulit siya saakin ng mahigpit

"tama ka naman eh.. magbestfriends nalang kami ngayon.. nakakatampo lang kasi hindi niya sinabi na may date siya ngayon"

nagsad face ako sakanya..

"ano ka ba naman.. syempre hindi maiiwasan na hindi niya na yun masabi sayo.. malay mo awkward siya sayo.."

"hindi kaya.. napagkasunduan namin na walang awkwardness na mangyayari saamin"

"if you say so"

"tara nga alis na tayo dito.. nagugutom ulit ako.. kain tayo sa mcdo..libre mo"

derederetso lang ako papunta dun sa exit.. mahihila ko naman siya eh.. syempre hindi na siya aangal na libre niya, siya naman nagyaya sakin pumunta dito eh..

nagayos na kami ng sapatos at dumiretso sa Mcdo..

umupo na ako sa pwesto namin tapos hinintay ko na siya matapos mag order..

"ui Autumn nandito ka pala"

"hindi... wala kaya ako dito.. picture ko lang to" okay ang korny ko -____-

"eto naman.. siya nga pala, eto si Denisse.." tumango lang ako dun sa pinakilala niya

"um.. denisse order lang kayo ha.. mag usap muna kayo ni Autumn." iniwan niya yung denisse at umupo sa harap ko..

tahimik lang kami... nahihiya kasi ako sakanya.. hindi ko naman siya kaclose eh..

"h-hello p-po.."

napatingin ako sa kanya nung nagsalita siya.

"hello din" nginitian ko siya.. baka naman sabihin niya mataray ako eh..

"Denisse Gabrielle Reyes nga pala whole name ko"

"ahh.. ako naman si Autumn Marie Simbulan.." cute siya actually.. hindi ako magtataka kung bakit siya nagustuhan ni Reen.. simple lang din siya.. feeling ko magkakasundo kami nito..

When the PAST interfereWhere stories live. Discover now