Chapter 65: Growing up

Magsimula sa umpisa
                                    


My heart starts beating so fast. Ayaw niyang bumalik sa normal pace niya. My God, Hunter. Sabi ko hindi na ako aasa kaya lang sa ginagawa mo parang ang hirap gawin nu'n.


"Ayokong umasa sa - "

"Hindi kita pinapaasa. Piper... You're always on my mind. I want to be with you. Mababaliw na ako kakaisip sa 'yo. Mababaliw na ako sa tuwing naiisip ko na may kasama kang iba. Nagsinungaling ako noong sinabi ko na hindi kita hinayaang makaabot sa puso ko. Kasi magbuhat nang papasukin kita sa buhay ko, alam ko na... ramdam ko na na sobra ang magiging halaga mo."


He reached out for my hand. "I like you, Piper. I like you a lot."

Before I could even think about it, I blurted out my feelings, "I like you, too." Napatingin siya sa akin. He's shocked. Ako rin. But I'm not the type who hides what I feel.

When what I told him finally sinks in, he grinned. Humigpit ang hawak niya sa kamay ko at sumandal siya sa balikat ko. He's playing with my hands and he intertwined his fingers to mine.


"I'll court you. I'm courting you right now."

"This isn't courting."

"Then I'll court you later, but let's stay like this for a while."


Napangiti ako sa sinabi niya. Parehas kaming hindi pa handa sa isang relationship ngayon. We're too young for that. We'll take our time to get to know each other more. I'll wait until maging ayos na siya. I'll wait hanggang sa mawala na 'yung hinanakit niya. I'll also wait for the time na maging handa na ako. I'll wait for the day when I can finally tell myself na I'm mature enough to enter a relationship.

For now, we'll be together not as friends, not as lovers, but as an inspiration to each other.


***

Tamara's Point of View


Nagkatinginan kami ni Nate nang makita namin si Piper at Hunter sa may likod ng school building. Nakasandal si Hunter sa balikat ni Piper at nakasandal ang ulo ni Piper sa ulo ni Hunter. Holding hands pa sila at kahit mga nakapikit ay halatang masaya silang dalawa.

Tahimik kaming umatras ni Nate para hindi maistorbo ang dalawa.

Hinahanap namin sila para ayain kumain kaya lang mukhang masaya na sila sa kung nasaan man sila ngayon.


"Mukhang ayos na sila," sabi ko sa kaniya.

"Tayo na lang naman ang hindi pa."


Napatingin ako kay Nate dahil sa sinabi niya. Nginitian niya ako at nag-peace sign kaya sinamaan ko siya ng tingin. "Tigilan mo nga ako, Nathan."


"Highblood naman nito. Pero Tammy, hindi ka ba naiinggit sa kanila? Okay na sila o," sabi pa niya kaya nilagpasan ko na lang siya at sinubukang iwan. Kaya lang kahit naman iwan ko siya ang bilis niya masyadong maglakad. Makakahabol at makakahabol siya.


"Magtigil ka sabi sa mga ganyang biro mo."

"Hindi naman ako nagbibiro."

"Tigilan mo ko."


Napahinto ako sa paglalakad nang hawakan niya ako sa braso at ihinarap sa kaniya.

The Trouble with the RuleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon