Chapter 64: Worth it

Magsimula sa umpisa
                                    


"We're so happy for you!" Masayang sabi ni Piper at saka ginulo ang buhok ko.

"Nga pala, may naghahanap sa 'yo." Tinuro ni Hailey ang likuran niya. Sa may entrance, nandoon si Kuya Zane, nakasandal at nakatingin sa amin. Nang mapatingin ako sa kaniya ay nginitian niya ako at kinawayan. Tumango naman ako sa kaniya bilang pagbati. "Punta ka na doon, Warren."


Tulad ng sinabi ni Hailey ay nilapitan ko si kuya. Nginitian na naman niya ako nang makalapit ako sa kaniya. "Good job, Warren." Inaya ko siyang umupo sa bleachers at sumunod naman siya.


"Nang malaman ko kila Nate ang nangyari nagmadali agad akong pumunta dito. Ang galing niyo. Ang galing mo. Sobra akong proud sa 'yo."


Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko sa kaniya. Hindi ko alam ang tama at dapat sabihin.


"Alam mo, Warren, masaya ako para sa 'yo at sobrang saya ko dahil sa mga ginagawa mo. Sabi mo ako ang idol mo dati 'di ba? Masaya ako dahil hindi ka naging kagaya ko. Kasi gusto at proud ako sa Warren na nakikita ko ngayon. You've become a man. You've become the better version of you."

"Bakit hindi ka umuuwi noon?" diretsyahan kong tanong.

"Busy. Sobrang busy. Ang taas ng expectation sa akin ng mga tao. Sabi nila almost perfect na ako pero ang totoo sobrang nahihirapan ako ibalanse ang lahat ng bagay. Dahil sa ayokong madisappoint ang mga prof ko, ang mga kaklase ko pati na rin ang magulang natin, pinilit ko ang sarili kong gawin ang lahat ng bagay. Kahit sobrang hirap. Kaya nawalan ako ng oras para sa sarili ko kasi mas pinili kong pasayahin at isipin ang sinasabi sa akin ng ibang tao. Kaya lang sa ginawa kong 'yun, ikaw naman ang nadisappoint ko."

"Hindi naman nag-eexpect ng malaki sila Mama at Papa. Basta masaya tayo okay lang sa kanila."

"Alam ko. Sarili ko lang din naman ang kalaban ko."


Napatingin si kuya sa mga tao sa court. Sila Hailey, Piper at Tamara na nagtatawanan sa isang tabi at sila Hunter at Nate na nag-uusap naman. Ang mga teammates ko na nagtatakbuhan at kung minsan ay kinukulit sila Nate pati na rin si coach na nakaupo pero pinagtatawanan ang mga teammates ko.


"Sobrang bilib ako sa ginawa mo. Ako ang mas matanda pero gusto kong maging kagaya mo."

"Ha?"

"Gusto kong maging masaya dahil nagagawa ko ang gusto ko na hindi ko inaalala ang sasabihin ng ibang tao. Ipinaglaban mo ang mga kaibigan mo kahit nawala ka man sa team mo. Ipinaglaban mo ang nakakapagpasaya sa 'yo kasi wala kang pakialam sa sasabihin ng ibang tao. That's admirable, Warren. Someday I wanna be like you."


Sa pananalita niya mukhang may problema siya. Mukhang may hindi siya pinaglaban dahil inisip niya ang sasabihin ng iba. Lagi kong iniisip na iniwan niya ako noong kailangan ko siya, pero ito ako... hindi rin siya dinadamayan kahit may problema siya. Ni hindi ko nga agad napansin na may problema siya. Masyado kong inisip ang sarili ko, nakalimutan ko na kamustahin ang kalagayan niya.


"Thank you, kuya." Napatingin siya sa akin dahil sa sinabi ko. "Dahil sa 'yo kaya naging posible 'to. Dahil kinausap mo si coach pati na rin ang teammates ko. Dahil 'to sa tulong mo."


Tumawa siya at tinapik ako, "Mali ka, Warren. Dahil 'to sa 'yo. Dahil pinahalagaan mo sila kaya tinulungan ka nila." Tumayo na siya at kinuha ang bag niya, "Sige, mauna na ako. May iniwan pa akong gawain sa university. Ingat kayo dito at pagpatuloy mo lang ang ginagawa mo."

The Trouble with the RuleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon