Chapter 19: Lalong Nahuhulog

Začít od začátku
                                    

Naiwan silang mag-ama sa sala at ako naman ay pumasok sa kwarto niya.

Nilinisan ko na muna ang magulo niyang kwarto bago ako maligo. Mas malapit ito sa ospital kaya dito ako tumigil noong mga huling araw ni Toto. May mga damit na din ako dito na pinalagay ni Sir Eric sa closet niya, kasama ng mga gamit niya.

Parang hindi na nga normal na empleyado ako sa buhay niya. Hindi ko alam kung ikatutuwa ko ba iyon o ikababahala. Mas lalo lang kasi akong nahuhulog sa kanya. At alam ko naman ang lugar ko.

Oo, mabait siya sa akin. Palagi siyang nasa tabi ko. Pero alam ko na hanggang ganoon lamang siya sa buhay ko. Kaibigan na ang pinakamalalim na relasyon na maaari sa amin. Alam ko kung saan ko ilulugar ang sarili ko.

At isa pa, alam ko naman na may mahal na siyang iba. Si Miss Nicolette pa din. Matagal na siyang wala pero alam ko na siya pa din ang laman ng puso ni Eric.

Nang makaligo ako at makabihis ay binalikan ko ang mag-ama sa sala.

Napangiti nalang ako sa naabutan ko. Nakahiga na si Sir Eric sa sofa at nakadapa sa kanya si Avy.

Bumalik ako sa kwarto para kumuha ng puting bimpo at kinusot iyon. Naghanda na din ako ng maligamgam na tubig sa planggana bago ko binalikan ang mag-ama sa sala.

"Sir" mahinang tinapik ko pa ang pisngi niya.

Nagising naman siya at maingat na tumayo.

"Ihiga niyo na po si Avy sa kama para mapunasan ko na. Maligo na din po kayo" maingat na inalalayan ko pa siya sa pagatayo.

Nang maihiga na si Avy sa kama ay maingat ko nang hinubad ang damit niya. Hinaluan ko ng alcohol ang maligamgam na tubig at inilublob ko ang bimpo doon. Sinimulan ko nang punasan si Avy.

Mukhang pagod si Avy kaya hindi nagigising habang pinupunasan ko. Maingat na binihisan ko din siya.

Inintay ko na matapos si Sir Eric para maayos ko na sa banyo ang palanggana.

"Bakit hindi ka pa matulog sa tabi ni Avy?" tanong ni SIr Eric nang lumabas siya sa banyo at nakita ako na nakaupo sa dulo ng kama.

"Ililigpit ko lang 'tong planggana" sagot ko nalang at pumasok na sa banyo na nilabasan niya.

'Pag labas ko ng banyo ay nakahiga na siya sa kaliwang tabi ni Avy.

"Halika na dito, Tere" tawag niya sa akin nang mapansin na nakatunganga lang ako sa kanila.

Malaki naman ang king size na kama ni Sir Eric kaya okay lang na tabi kaming tatlo.

Hindi na ako nag-inarte pa at humiga na ako sa kabilang tabi ni Avy. Ipinikit ko ang mga mata ko at sinubukang matulog. Pero ang hirap.

Ramdam ko ang pagod ng katawan ko, pero mas ramdam ko ang sakit sa puso ko. Hindi ko alam kung paano mawawala ang sakit ng pagkawala ni Toto.

Nagulat ako nang may naramdaman akong yumakap sakin. Nang magmulat ako ng mga mata ay si Avy nalang ang nakita ko at ang unan sa tabi niya.

Pansamantalang napawi ang sakit sa puso ko dahil sa init na bumalot dito nang maramdaman ko ang lalaking minamahal ko na nakayakap sa akin mula sa likod ko.

"Please stop crying" maingat na bulong niya mula sa likod ko. "I know that it hurts. I've been there, and yeah, it f-ucking hurts a lot. But you have to see that life has something more to offer. And I am here. Avy is here. We're hurting every time we see you hurting. I can't bear to see you cry, Tere. So please stop" naramdaman ko ang pag higpit ng yakap niya sa akin

Mas lalo lang akong naiyak.

Pilit na pinaharap niya ako sa kanya.

He sighed. "Sige, ganito nalang. Iiyak mo nalang ngayon lahat 'yan. Ibuhos mo na lahat, tapos sa susunod 'wag ka nang iiyak" Masuyong sabi niya at pinahid ang mga luha ko na tuluy-tuloy naman sa pag-agos.

"W-Wala nang mangungulit sa bahay" mahinang bulong ko.

Tatlong taon ko palang nakakasama si Toto pero minahal ko ang bata na parang tunay kong kapatid. Sila nila May, Carie at Lola ang naging pamilya ko. Sila ang nagbigay buhay sa buhay ko.

Nawala na sakin si Carie. Pero masaya ako na natagpuan niya ang tunay niyang pamilya. At alam ko na mas mabibigyan siya ng magandang buhay ng mga magulang niya kaysa sa kaya kong ibigay sa kanya.

Pero si Toto, kahit kailan hindi ko na makikita. Iniisip ko nalang ngayon na kasama na siya ng Panginoon. Masaya na siya sa piling Niya at wala na siyang problema doon. Gusto ko nalang na iiyak lahat ng sakit ngayon at maging masaya nalang para kay Toto dahil payapa na siya sa piling ng Lumikha.

Hindi na nagsalita pa si Sir Eric. Mariing pumikit nalang ako at sinubukang pakawalan ang lahat ng sakit na nasa puso ko. At sa tingin ko, malaking tulong ang naramdaman ko na madiin na halik niya sa noo ko.

Ngayon naman ay naiiyak ako nararamdaman ko na init ng mga labi niya sa noo ko.

Naiiyak ako dahil mas lalo akong nahuhulog. Mas lalo akong naaakit sa apoy niya. At kapag ganito ng ganito, hindi magtatagal ay tuluyan na akong matutupok.

At ngayon palang, alam ko na na masasaktan ako. Masusunog ako. Pero hindi ko kayang lumayo.

Mas hinila niya ako palapit sa kanya hanggang sa nakasubsob na ang mukha ko sa dibdib niya. Doon ako umiyak. At natagpuan ko nalang ang sarili ko na iniyayakap din sa kanya ang mga braso ko.

Naramdaman ko ang pagkalma ng katawan ko nang haplusin niya ang buhok ko. Then he starts humming a song.

With A Smile.

Kakaibang kapayapaan ang nararamdaman ko ngayon. Pakiramdam ko, kahit na ano'ng dumating kakayanin ko, as long as at the end of the day, I'll be wrapped in his protective arms. I feel calm and serene being enveloped in his warmth. It promised a thousand 'Everything will be fine'

And I don't think it's a good thing. Kasi mahirap masanay sa ganito. Dahil alam ko naman na hindi siya pwedeng maging akin.

Sa ngayon nandito siya, pero paano kapag nagsawa na s'ya. Paano kapag hindi na pwede ang ganito. Saan pa ako tatakbo? Saan ako kukuha ng lakas?

Pero habang nandito pa, susulitin ko nalang.

Kasi itigil ko man 'to ngayon, o bukas, o sa ibang araw pa, masasaktan din naman ako. Mas pipiliin ko na masaktan nang makaranas ng ligaya kaysa masaktan na nasaktan lang. At ayoko na sa bandang huli, may pagsisihan ako.

Mas gusto ko na iparamdam sa sarili ko ang ganitong ligaya kaysa pagsisihan ko sa bandang huli na pinalampas ko ang pagkakataon.

Mahal ko si Eric. At gusto ko na maramdaman siya, ang pagmamahal niya, kahit pagmamahal para sa kaibigan lang. Ang importante mahal niya din ako.

At hindi ko ipipilit ang pagmamahal ko sa kanya, kasi ayoko na pagmamahal kaibigan na nga lang mawala pa.

I just want to feel the moment.

Saka ko na iisipin kung paano kapag wala na.


I feel asleep in my sanctuary, in his arms.



_________________________

November 2, 2015 (Monday) - 12:05

Impish HeartsKde žijí příběhy. Začni objevovat