CHAPTER 6 - I WILL BE YOUR HANKY

Comenzar desde el principio
                                    

                                                        

“Yeah. Akyat muna ako mom.” –Ako

“Kay.” –Mommy

Pahiya ako doon ah! Anyway, gising na gising na ako ehh. Hindi na ako makakatulog pa nito. Maliligo na lang ako at magbababad masyado para naman sulit oras. Ehehehe.

 

“Ayyy, yung cellphone ko pala!” Dali-dali akong umakyat sa room ko para kunin yung cellphone at alarm clock na tinapon ko sa basurahan.

Ayy naknang! Wasak wasak na ehh! Ihagis ko ba naman sa kapwa niya solid diba? Bibili na lang akong bago mamaya. =___=

*Ligo* *Ligo* *Ligo*

 

“Wake up, feel the air that I’m breathing! I can’t explain this feeling that I’m feeling. I won’t go another day without you, without you!” Okay. Pakanta-kanta pa ako sa CR haha. Wala lang, feel ko lang yung boses ko. *O*

5:30 na nang lumabas ako sa banyo. Matapos kong magbihis ehh kumain na ako tapos umalis na. Masyado pang maaga kaya naman I decided to just walk papuntang school tutal hindi naman kalayuan yung school ehh.

 

*Lakad* *Lakad* *Lak---*

Maglalakad pa sana ako nang may mapansin akong babae na nakaupo sa may bench malapit sa school. Hindi ko ba nasabi? Malapit na rin kasi ako sa school. So yun nga, nahagip siya ng paningin ko ehh. Nasa di-kalayuan lang siya and before I knew it, I was walking towards her. Nakataas yung paa niya sa may bench tapos naka-cross yung braso niya na nakapatong sa knee niya tapos yung ulo niya nakayuko sa may braso niya. Mukha talaga siyang umiiyak.

At nung mas palapit pa ako nang palapit sa kanya ehh doon ko na-confirm na umiiyak pala talaga siya. Ayokong nakakakita ng babaeng umiiyak kaya naman ehh naramdaman ko na lang sa sarili ko na gusto kong i-comfort ang babaeng kasalukuyan nang nasa harapan ko.

Maybe, hindi niya ako napapansin kasi nakayuko pa rin siya at patuloy na umiiyak. May something sa kanya na parang hinahatak ako na lumapit sa kanya at patahanin siya...

“Miss...”

Siguro nagulat siya sa boses ko kaya naman napatingin siya sa akin and what I saw was really shocking...

“R-Rae???”

Yeah right, si Rae ang babaeng umiiyak. Pero bakit siya umiiyak? Yan ang biggest question mark sa utak ko ngayon...Since fouth year pa lang kami, ilang beses ko na siyang nakikitang umiiyak pero hanggang ngayon ehh hindi ko pa rin alam ang dahilan. Ang totoo niyan ehh naging close kami nung highschool dahil nakita ko siya one time na umiiyak kaya naman ayun, ni-comfort ko siya kaya naging malapit kami sa isa’t-isa. Pero sa ilang beses na nakita ko siyang umiyak, ni isang dahilan wala akong nakuhang sagot sa kanya...

******

*Olive’s POV*

COLLEGE LOVE STORY (Completed)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora