Tuluyan na siyang lumapit sa gilid ng kama at umupo doon. Marahan niyang hinaplos ang buhok at pisngi nito. Then, she kissed his forehead and cheeks. Hindi man lang ito naalimpungatan sa ginawa niya.

Di sinasadyang mapadako ang kamay niya sa malalapad nitong dibdib. Nag-blush na naman siya nang maalala ang matapang niyang pinanood kahapon. Argh! Mabilis niyang inalis ang kamay doon at tumayo. Kinumutan niya si Reeve at saka binigyan ito ng halik sa mga labi nito. She's just thinking of a swift kiss but it lingered for seconds. She really missed him.

Bahagya na siyang lumayo dito ng maramdaman niyang hinawakan nito ang kanyang braso. Napasinghap siya dahil sa gulat. Unti-unti itong dumilat. Nakakunot ang noo nito habang tinititigan siya.

Ano bang sasabihin niya?

"S-Surprise!" out-of-nowhere ay nasabi niya.

"Agatha?" Binitawan nito ang kanyang braso at umupo. Kinusot-kusot pa nito ang mga mata.

"Hey, matulog ka pa. I know you're tired," aniya rito.

"What are you doing here? How did you get in here?" nagtatakang tanong nito. Parang di makapaniwala na nandoon siya.

"Well, I wanted to... to see you," she softly answered. "Umalis ka na hindi tayo nakakapag-usap... and you haven't called for four days. So... I decided to come here in Cebu since it's... it's our... our honeymoon pa naman." Napayuko siya. "Sana huwag kang magalit. I just m-miss you."

"Come closer," utos nito. Umusod naman siya palapit dito. "Look at me."

Umangat ang kanyang ulo at sinalubong ang mga tingin nito.

"Overnight with your bestfriend, ha?" he teased. Hindi ito nakangiti pero halata sa mga mata nito ang pagka-aliw.

Her cheeks flushed. "I'm sorry for lying. I just wanted to surprise you."

Tumango-tango ito. "I'm surprised indeed."

"Well, you better rest now."

"Wala naman akong naka-schedule na gagawin bukas."

"Really?" Ang ibig sabihin ay mas maraming oras niya ito makakasama bukas? "But still, you need to rest. I take that you've been so busy for the past days."

"I was. But it's already okay. I just have two meetings left the day after tomorrow."

"Sorry I woke you up."

Nagkibit balikat lang ito. Umusod ito. "Come on, I know you're tired from your flight. Matulog na tayo."

Hinubad niya ang sapatos at sumampa na ng kama. "Nasa Anderson Auberge pala yung mga gamit ko. Wala akong pantulog."

"Just remove your cardigan and pants so you'll be more comfortable.."

If she'll do that, naka-shirt at underwear na lang siya. Namula na naman siya. But, what's the matter, anyway? Mag-asawa naman sila and he had seen more than her... Napailing siya at mabilis na tinanggal ang suot na cardigan. Tumayo ulit siya. Tinupi niya iyon ng maayos at ipinatong sa sa isang couch doon. Huhubarin niya na ang kanyang pantalon nang maalalang sinusundan pala siya ng tingin ni Reeve.

"Ahm... Can I use your bathroom?"

"What for?"

"I'm gonna remove my... pants."

"What's the difference kung dito mo huhubarin yan o sa loob ng banyo?"

Less shame? Tumalikod na lang siya at maingat na hinubad ang suot na pantalon. Tinupi niya rin iyon at ipinatong sa may couch. Bumalik na siya sa ibabaw ng higaan at hihiga na sana nang hapitin siya ni Reeve at binigyan ng isang mainit na halik. Wala siyang nagawa kundi ng pumikit at mapakapit sa mga balikat nito.

Wifely Duties - Published by PHROnde histórias criam vida. Descubra agora