Hinintay ko munang kumonti ‘yung mga sasakyang dumadaan bago ako tumawid. Nung maluwag na ang daan… Kailan ba sumikip ‘yung daan? Kapag traffic malamang. Tsk. Binabara ko na ‘yung sarili ko. Wawa naman ako. Hahaha! Nung nasa may bandang gitna na ako ng kalye…

*beep beep*

“Naniniwala na ako ngayon Steph…”

Nasabi ko na lang ‘yan habang tinititigan ‘yung paparating na isang Grandia na van. ‘Di ko alam kung anong gagawin ko. Parang nakadikit na ‘yung paa ko dito sa may kalsada na gawa sa bato na kulay itim na may mga kulay dilaw na guhit na putol-putol sa gitna.

“Thom! Tumabi ka diyan!”

Steph… Kinuha niya si Steph…

‘Di ko na alam ang gagawin ko. Ano pa nga bang saysay ng buhay ko kung wala na ‘yung mahal ko? Alam kong sabi ko sa sarili ko noon na ipaglalaban ko na siya kaso… kaso wala akong magawa ngayon. Parang nakadikit ‘yung mga paa ko sa kinatatayuan ko. Wala akong magawa. ‘Di ako makagalaw. Siguro… ito na nga ang katapusan ko.

Ipinikit ko na lang ‘yung mga mata ko. Bahala na ang Diyos kung anong mangyaring susunod. Bahala na…

“Magpapakamatay ka ba?!”

Nagising na lang ako sa katotohanan nung may nanigaw sa akin. Kanina, halos wala akong marinig. Kanina, parang bingi na ako. Wala akong naririnig kanina. Pagkapikit ko nung mga mata ko, akala ko tuloy-tuloy na ‘yung pagpikit ko. Akala ko mamamatay na ako. Pero hindi. Hindi ko pa oras.

“T-Tian…” Buti na lang dumating ‘tong si Christian. Hinang-hina na ako. Hindi ko alam kung anong gagawin ko. Nahihirapan akong magsalita. Nahihirapan akong gumalaw. Nanghihina na talaga ako. Siguro dahil ‘yun sa pag-iyak ko. Kanina pa ako umiiyak. Kahit na ayoko na, tulo pa rin sila ng tulo. Ang hina ko ngayon. Ito ba? Ako ba? Ako ba ang knight in shining armor ni Steph? Ako na umiiyak ngayon? Ako na walang magawa kanina nung kinuha na siya? Ako ba? Pakiramdam ko hindi ako ‘yun… Pero hindi ako makakapayag na hindi ako ‘yun…

“Pasalamat ka. Tinext ako ni Steph. Kung hindi… wala ka na siguro ngayon. O baka naman nasa ospital ka lang.” Sabi sa akin ni Tian habang pinupunasan niya ‘yung luha ko na patuloy pa rin sa pag-agos. Buti na lang nandito ‘tong ugok na ‘to. Kung wala siya… wala na nga siguro ako ngayon.

“Grabe. Hindi ko alam ang gagawin ko kung mawawala ka!” Sabay hakap sa akin. Ano ba naman ‘to! Nabading! Okay na nga ‘yung kanina eh. Tinulak ko siya papalayo sa akin pero napabitaw lang naman siya sa akin.

“Ang bading mo Tian!” Ngayon ko lang naaninag kung nasaan kami. Nasa kabilang kalsada kami sa tapat ng bahay nila Steph. Nakaupo kami sa bangketa dun.

Haay. Nagaya nga ako kay Kris Aquino sa teleserye niya. Nagka-flashback din ako pero ‘di naman ako namatay. Pero sign na ‘yun eh. Muntik na ako mamatay. Ganun naman daw ‘yun. Muntik man o totoo, magkaka-flashback ka talaga ng mga masasayang araw mo. Ang daming nag-flashback sa akin pero ‘yung pag-uusap namin ni Steph na ‘yun ‘yung tumatak sa isip ko.

“Ano bang nangyari kay Steph? Nasan na ba siya?” Ulaga talaga ‘tong si Tian eh. Hindi niya ba alam na ‘yung muntik nang mambangga sa akin ay ‘yung sinasakyan ni Paul kasama si Steph? Kaya magpapabangga na lang sana ako kasi ‘di ko na talaga alam ‘yung gagawin eh.

“Kinuha na siya ni Paul…” Walang gana kong sagot.

“Ay, astig. Nakapag-text pa siya ah. Ninja moves.” Natawa naman ako sa sinabi niya. Oo nga ano? Si Steph pala ang nag-text kay Tian. So… may concern pa rin pala siya sa akin hanggang ngayon? Malamang! Sasagasaan na ako eh. Alangang pabayaan niya lang ako dba?

I Remember It All Too WellTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon