Chapter 26: Kim's Day (Part Two)

681 13 5
                                    

Eric's POV

Kanina pa akong nakatingin sa kanya. Alam niyo kung bakit? Siya kasi yung half sister ko, si Mika, pero walang naka alam kahit na sa mga kaibigan ko. Magkasama kami tuwing summer lang pero as her older brother, kahit na half pa, i will do my duty na bantayan siya.

Wala din akong idea kung bakit nandito siya sa birthday party ni Kim at may kasama pa siyang lalaki!

"Huy! Eric!" sabi ni Alexa.

"Hmm?"

"Wala.."

Ano kaya ang problema nito..

Bigla na lang hinalikan si Mika sa gag*ng lalaking yun! Kaya napatitig ako nang todo sa kanila pero dapat hindi ko ipapakita na nababadmood ako.

*pak*

"Ano ba?!" tapos sinamaan ko ng tingin si Alexa. Ano ba ang nangyayari nito?! Bigla bigla na lang nananampal?! Buti na lang wala masyadong tao ang nakapansin sa amin kasi malakas ang music at tigtig na titig sila sa kanilang Kim at Lance.

Pero..

"Be that way.." Nakita ko ang mga mata ni Alexa na may mga luha lumabas tsaka tumalikod. Iba yung dating sa pagkasabi niya sa words na yan, kahit na three words lang, pero parang nagpapadating na may ginagawa akong mali. Umalis naman siya kaagad.

Ewan ko sa babaeng dun! Psh!

Tiningnan ko si Drew, pero sinamaan lang ako ng tingin.

"Sundan mo ba siya o titigan mo lang yang babae mo?!"- Drew

L*che! Ayun pala?! Babae ko?! Haaayst! Ang gago gago ko! Tutal nagseselos yun si Alexa kasi hindi pa nila alam na half sister ko siya!

Agad agad naman akong tumayo at sinundan siya sa labas.

"Alexa!"

"Oyyy! Alexa!"

"Alexa! Nasaan ka?!"

Sigaw ako ng sigaw. Buti na lang at walang tao, nandun lahat sa loob.

- Alexa's POV -

Pagkahawak ni Drew sa akin, alam ko na na may mali ee. Tumingin ako kung saan nakatingin si Eric and ayun, babae ang nakita ko! =_=

Langya! Akala ko ako lang?! Sabi niya sa akin ako lang?!

Sinampal ko siya pero sinigawan niya ako at sinamaan ng tingin >__< Ano bang nangyayari sa kanya? Hindi naman ganito si Eric ee. Naiiyak na ako.

"Be that way.." tapos tumalikod na ako para hindi niya makita na may luhang tumutulo sa mga mata ko at umalis.

Takbo ako ng takbo sa labas, saan ba ako pupunta ngayon?! Tapos nakarinig ako ng footsteps.

"Alexa!"

Tumago ako dun sa isang bush at yumuko na lang ako at umiyak. Ayoko siyang kausapin. Ayokong kausapin si Eric.

"Oyyy! Alexa!"

Bahala ka nga diyan sa buhay mo!

"Alexa! Nasaan ka?!"

"Aray!" Anubeyeeen! May gagamba kumagat sa akin! L*che!

"Alexa? Ikaw ba yan?" Nahanap niya ako. Langyang gagamba na iyon!

Tatakbo na sana ako paalis pero nahawakan niya ang wrist ko.

"Alexa, sorry na, can we talk?" sabi ni Eric na parang hiningal hingal.

"Ano pa ba ang pag-uusapan natin?! Kitang-kita ko Eric!"

Nainlove Ako Sa Isang Snob (Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon