Chapter 10: Jane

1K 22 10
                                    

Ayoko pang pumunta sa school huhu masakit pa yung scalp ko tsssk

Pero naman! Meron kaming quiz ngayon huhu bahala na nga.

"Lyn, kumusta raw sabi ni Andy. Yii!" sabi ni Drew habang nadadrive tapos nagbungisngis. Lumingon ako ni Sherlyn at nakita kong namula siya.

Naman! Magkakalovelife na ang kapatid ko hahahaha

"Yii! Nagdadalaga na si Lyn Lyn!" sabi ko na pabiro.

"Shut up ate!" sigaw niya.

Ayy? PMS ata, ang aga-aga, nabadmood? Kinuha lang niya ang cellphone na at may itinext na kung sino.

Kinausap naman ako ni Andrew.

"Okay ka na?" tanong niya.

"Okay na lang" sagot ko na tumatawa.

"Ikaw talaga. By the way, nakita ko yung hate group mo nung Sat pero kagabi, chineck ko ulit pero nawala na." sabi niya.

"Dinga?" Nawala? Natakot yata masuspend.

"Oo. Nabasa mo ba yung post ni Renzo?"

"H-ha? Anong post ang sinasabi mo?"

"Sabi niya 'Try and there will be a consequence.'" Nagkibit balikat siya. "Parang yung mga haters mo ang tinatama niya sa kanyang status." dagdag niya.

Biglang uminit ang pisngi ko. Haaaaays! Sam, stahp! Assume ka na naman. Baka ayaw niya lang ng gulo sa paaralan nila kaya ganun tssssk

"Nandito na tayo" Nandito na pala kami. Kumabog yung puso ko huhu

Nagbabye na si Sherlyn sa amin at tsaka umalis na. Kami rin ni Drew, nahiwalay na kami pagkapasok sa room namin.

Pagpasok ko, nag-eexpect na akong may hihila ulit sa buhok ko pero wala.

Ang tahimik, walang tumitingin ng masama sakin.

Bigla namang kumabog ang dibdib ko kasi nakita ko si Renzo, dun parin siya sa kung saan makikita ko siya. Para siyang nakatingin sakin kanina asdfghjkl imagination mo Sam!

Nagstart na yung klase namin. Mag board work, tinawag naman ako tsssk naman!

Naglalakad na akong papunta sa board nang pinatid ako. Naknamputs!

Sakit nun ah! Kailan ba mahinto tung kakatumba ko asdfghjkl

Pag-angat ko sa aking ulo, nakakita ako ng isang pusit! Ang kapal ng lipstick. Hindi ko alam ang last name nito pero ang alam ko, Jane ang pangalan nito.

Tinawanan lang niya ako tapos sumunod na rin ang buong klase. Hindi rin pinagalitan si Jane ng teacher namin, ewan ko kung bakit. Favoritism? Tsssk!

Lumakad nalang ako papunta sa board at nag answer. Pagkatapos kong nag answer, pumunta na ako sa upuan ko kesyo may inasikaso pa sa labas ee ang guro namin.

Habang papunta ako sa upuan ko, may narinig akong mga tawa galing sa mga kaklase ko. Hindi masyado malakas. Pero pagkarating ko sa upuan ko, lumingon ako pero nakita ko na si Miss na nagcheck sa board work ko.

"Ms. Sung, mali ka. The genotypes of these are 3 AB heterozygous, 1 OO homozygous."

Ano?! Bakit naging 3 OO homozygous yan tsaka 1 AB heterozygous?! Tanda ko ang answers ko!

Biglang tumingin si Jane sa akin, binigyan ako ng malaking smile at kindat.

Da eff! Siya pala! Ano ba ang atraso ko sa Jane na yan! Urgh!

Natapos yung klase namin. Uwian na, wala na lasing susunod na klase kasi meeting ng mga teachers.

Bigla naman akong nilapitan ni Jane at naglahad ng kamay.

"Hi Samantha Sung, I'm Jane Fuerte. Nice to meet you."

Enerew? Nabingi ata ako? Fuerte siya? Kaya pala hindi siya sinuway ng guro namin!

"Bakit hindi mo tinatanggap ang kamay ko?" Nagbigay siya ng nasasaktan na ekspresyon at ibinaba ulit ang kamay niya. "Well then, okay lang. Enjoy your stay here in our school." Binigyan niya ako ng sweet smile at tsaka umalis na.

Ano bang ginawa kong kasalanan? Ba't ang sasama ng mga tao sakin? Kasali na rin ang kapatid ni Renzo tssssk

Alam ko't iisang anak lang si Renzo pero meron pala siyang kapatid.

Anong gagawin ko? Magtransfer nalang kaya ako?

Nainlove Ako Sa Isang Snob (Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon