Chapter 24: Incoming Birthday

712 18 4
                                    

A/N: Heya guuuys! Thankyou so much sa inyo, sa pagbigay ng time sa pagbabasa ng story ko. I really appreciate it so much (kung meron man diyan.) I hope magustuhan niyo ang story ko, okay lang din kung hindi kayo magvote at comment, all that matters to me is that you have enjoy reading my story so far even though malayo pa ito sa ending point. I love you po all ;*

-

Alexa's POV

Odba? Pumi-POV na ako sa story na ito? Haha. I'm sure kilala niyo na po ako, kaya hindi na po ako magpakilala x)

So ayun nga, haba ng hair ni Sam. Grabeh! Hindi mo akalain, first love pala ni Renzo si Sam? Ewan ko lang ni Sam kung si Renzo ba ang first love niya. Haha. Basta.. Yun na yun! XD

Andito kami ngayon, nagtatago sa isang bush, nanood ng live telenovela! Libre pa! Oha?

"Araaaay!" sigaw na pabulong ni Eric.

"Ayt! Sorry!" ^__^V

Ayun, sa kakilig ko nga, nakurot ko si Eric x)

"Ba't ka bang bigla-biglang nangungurot?! Ang sakit ah!"

"Ano kaba Eric! Wag mong sigawan yang si Alexa! Iyan ba ang tamang panliligaw?"-Kim

"Oo nga pre! Tahimik ka na lang din. Patay tayo ni Renzo kapag palpak ang plano niya!"-Lance

Plano pa naman ni Renzo na hindi kami magpakita kasi baka mailang si Sam. Ang original plan kasi is hindi kami dapat nandito pero nagpumilit kami, kaya andito kami x) Hindi naman makatanggi si Renzo kasi kami ang nagtulong sa kanya.

"Oo na, oo na.. Psh! Sorry babes.."

"Tss, kung maka babes wagas?" pero kinilig naman ako dun :">

"Ayaw mo dun? Edi baboy na lang ang itatawag ko sa iyo, tutal matakaw ka pa naman!"

"Langya'ng E--"

Lech*! Pinansakan ng cupcake ang bibig ko >,<

"Tumahimik ka na lang please? Hahalikan kita diyan eh!"

Uminit naman ang mukha ko dun. Wala akong ibang ginawa kundi tumingin na lang kung anong nangyayari sa kanilang Renzo at Sam at kinakain ang cupcake.

"Sam, i love you.. Pwede bang manligaw?"-Renzo

"Araaaay!"-Eric

Nakurot ko naman si Eric. Haha, automatic kaya ito kapag kinikilig ako x)

"Shhhhh!"- Lance && Kim.

Grabeeey! Sabay talaga? Seryoso ata sila sa kakapanood nila Sam nuh? Haha.

Tumahimik na lang si Eric pero badtrip yung mukha niya. Magsosorry na lang ako sa kanya.

"Oy.. Sorry na.." bulong ko.

"...." Ang addik nito! Nagsosorry na nga ang tao! =__= Bahala na nga siya. Back to the live telenovela.

Oyy, hindi pa sinasagot ni Sam ang tanong ni Renzo ah? Pero, wait lang.. Umiiyak ba siya? O.o

"S-sam? Umiiyak ka ba? S-sorry ah?! Nabigla ata kita! Never mind na lang yun! Tara, uwi na lang tayo? Pasensha na talaga."

Tamo tong bruhang to. May paiyak-iyak pang nalalaman. Sagutin na lang kaya niya ang pangliligaw ni Renzo?

Hinawakan ni Renzo ang kamay ni Sam para makatayo na sila pero biglang hinug ni Sam si Renzo. Si Renzo naman ay parang na shock.

Nainlove Ako Sa Isang Snob (Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon