Part 3

11.5K 116 4
                                    

T I A N A ' S

Buong araw kaming nag-inuman ni Mommy. Ganoon ang bonding namin. Pinatikim niya sa akin ang mga bagong gawa and experimental flavors na ni-ko-consider nila. Nasa outdoor swimming pool kami noon. Nakahiga kaming pareho ni mommy sa magkaibang floaters. Kanya-kanya kami ng wine glass. Hindi pa gaano katanda 'yong pinainom niya sa aking red wine pero katanggap-tanggap naman ang lasa at nakikinita ko na ang halimuyak at sarap nito sa susunod na mga dekada.

"Tiana!" tawag sa akin ni Mommy habang nakatihaya siya sa kanyang floater.

She was wearing a one-piece swimsuit na kulay kahel. Mababa ang neckline nito at konting silip lang doon ay kitang-kita na ang kanyang palikuran, bagay na bagay ito kay Mommy. She was not a former supermodel for nothing. Kaya alam na alam niya kung papaano imaintain ang kanyang katawan. That was why my body was almost as toned as hers. Almost. Almost pa nga lang dahil mas maganda pa rin ang hubog ng kanyang katawan.

"Tiana!"

Hindi ko napansin na nakatitig lang pala ako kay Mommy until noong hinila niya ang aking floater papalapit sa kanya. Nilagyan niya kasi ito ng pisi para daw pag gusto niya akong kausapin ay hihilahin niya lang ako.

Napahalakhak ako sa kanyang ginagawa. Kahit na pareho kaming naka-sunnies ay tumitingkad pa rin ang ekspresyon ng kanyang mukha.

This was why I know what true beauty really was. Kinalakihan ko kasi na ang mukha agad ni Mommy ang nasisilayan ko sa aking bawat pagdilat.

Noong magkadikit na ang aming mga floaters na ay tumuwid na sa upo si Momy. Ganoon din ang ginawa ko. Tinakpan ko lang ang aking mga dibdib gamit ang aking mga braso. I wasn't wearing anything but a pair of sunnies and a yellow bikini bottom. Bakit ba? Free the nipples!

"Tia, medyo lumaki na 'yong boobs mo!" Seryoso na sabi ni Mommy habang hinahawakan ;yong kanya. Napangiwi ako bago humagikhik sa kanyang ginagawa.

"Uy, totoo! Hindi ako nagjojoke!" She removed her sunnies at nilagay ito sa ulo niya. "Parang may humulma..."

And she started squeezing her own boobs.

"Mommy!" saway ko sa kanya habang humahagikhik pa rin. "Mommy, namimiss mo lang si Daddy, e!"

"Hindi 'no!" irit niya. "Bahala 'yong bwisit na ulupong na iyon! Wala siyang makukuhang i-miss-you chuva mula sa akin! Matigang sana siya!" irap niya sa kawalan na mas lalo lang na nagpatawa sa akin.

This was one of the many things I liked after I attended college... publicly. Nagiging mas open si Mommy sa lahat ng bagay na mapag-uusapan. Lalo na sa kanilang sex at love life ni Daddy kahit na dapat ay mandiri ako. I chose to make her humor me.

Mom feels more relaxed that way—kapag nakakausap niya ako na parang magkabarkada lang kami. Kaya mas naging sunny din ang kanyang disposisyon. Simula pa lang ay ayaw niya kaming ikulong ni Kuya sa confines ng aming bahay dahil gusto niya talagang ma-enjoy namin ang mundo, tulad ng mga normal na ginagawa ng mga bisyosong ka-edad namin.

At gusto niyang naaarawan kami, dahil nakakaganda raw ito ng kutis.

Si Daddy lang talaga 'yong overprotective, lalo na noong unti-unti nang nag-bo-boom ang business niya. Noong nagkamuwang na ako ay marangya na kami. Pero namulat daw kami sa simpleng pamumuhay.

Sikat na na modelo si Mommy noong nagkakilala sila ni Daddy. Parte na siya ng mga nasa tuktok na socialites sa industriya, but nothing too dangerous. Masaya si Mommy sa kanyang good life. Until nakilala niya si Daddy. She was happiest with him.

The Thirdwheel (COMPLETED)Where stories live. Discover now