Part 2

13.4K 132 3
                                    

T I A N A ' S

Nagising ako bandang alas-otso sa umaga. Nakapag-set na ako ng appointment last night doon sa partner ko, matapos akong ihatid pauwi nong nag-mamay-ari ng GMC. And that time, kasama na si Jack. Pinagbigyan nalang namin dahil nagdadabog na siya matapos nong kainan sa Grillery.

Nagbibihis ako noon nang biglang nag-ring ang aking phone. Nanlaki ang aking mga mata noong nakitang pangalan ni Camille ang nag-appear sa Caller ID. Agad ko itong sinagot matapos ko suotin ang aking bra.

"Hello, Cams? Musta? Having fun?"

Naririnig ko ang dalampasigan sa kabila ng linya. Last update niya sa kanyang Instagram ay nasa isang island siya somewhere in Seychelles. She captured the most beautiful sunset she ever captured sa lahat ng kanyang beach trips.

"Who's this guy you're sitting with last night?" Nahihimigan ko ang pagkunot ng kanyang noo habang tinatanong ako. "Ngayon-ngayon ko lang ito nakita. Sa timeline. But I can't clearly see his face, at walang tag."

"Just a friend. Si Tram..." I answered nonchalantly habang binubotones 'yong high-waist shorts ko.

"Tram?" Gulat niyang tanong. Na parang natataranta pa. "Si Tram Sylvan? P-Paanong... Paano kayo nagkakilala?"

Tram Sylvan?

"Yung classmate ko sa Theo? Bakit? Magkakilala kayo?"

Wow? Buti pa sila Camille magkakilala na, pero kaming dalawa ay mamaya pa. Kahit na magkaklase nga kami buong summer. Lol.

"How do you know him? Magkikita kami mamaya para sa aming case study for Theo..."

"Kayong dalawa lang?" Natigilan siya. "But that doesn't answer the question na sabay kayong nagdinner kagabi. Did Jack invite him over?"

"Huh? Andun siya? Sino dun?" Hindi ko masabayan ang flow ng conversation namin ngayon...

"My God, Tia!" She hissed. She was growing impatient. "Iisa lang ang Tram Sylvan sa University, okay? He's the same Tram Sylvan, whom you ate dinner with last night. He's the same Tram Sylvan na mamemeet mo mamaya for your Finals. Ganun ka ba ka walang pakealam at hindi tumutunog yung pangalan niya? Oh, right! Talagang wala!" she hissed.

Napatawa nalang ako doon.

"That makes it a lot easy for me, then. Akala ko pa naman kung sinong Pontio Pilato 'yong partner ko. I've met him. He's nice."

"He's nice?" She let out a sarcastic laugh. "Listen, Tia, that guy..."

Natahimik ako sa bigat ng kanyang boses.

"Is a fucking asshole!"

"Baliw! Akala ko pa naman kung ano na. Bakit ba ang bitter mo? May history kayo?" I laughed at the thought.

"If I say yes, will you stay away from him?"

What...

"Well, of course, never ako naging tanga."

I sighed in relief. Teka, relief? What was I relieved about?

"Basta, Tia, wag kang pauto sa manyak na 'yon ha? Tram Sylvan is a well-known fuckboy. Baka magka-HIV ka, konting dampi ng balat mo doon! Magpadisinfect ka agad!"

"Oh? Kaya pala ang ganda ng sasakyan niya..."

"You rode his truck?!"

"Oo! Big truck! GMC!"

The Thirdwheel (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon