The Wedding (BONUS)

653 17 4
                                    







Camille Irah's

Hindi ko talaga maintindihan ang dalawang 'to. Napapailing nalang ako habang tinatapakan iyong upos na sigarilyo. Tapos na yata silang mag-usap dahil hinahalikan na ni Tram ang noo ni Tiana at mukhang nag-aamba nang umalis.

Naisip din ata 'yon ni Jack dahil nandoon na siya sa tabi ng gazebo. Bigla lang na sumulpot, inaabangan ang paglapit ni Tram Sylvan. Noong nagsama na sila ay tinapik-tapik niya ang likod ni Tram 'saka ako sinulyapan.

The two men were already walking back to the wedding venue, while I walked towards Tiana who was back on sitting on one of the gazebo's benches. I caught her sighing and clearing her throat, before she raised her eyes to look at me. I immediately plastered a smile on my face.

"Sila Mommy?" Tia asked, looking at my back.

"They went ahead," sagot ko naman at inalalayan siya sa pagtayo. "You ready?"

"No," she sighed. "But..." she sighed again. "Oh, well."

Tumango nalang ako at hindi na nagtanong pa. I fixed her wedding train while she walked ahead of me. Tumitigil naman siya sa tuwing napapansing nahuhuli ako. Binigyan ko siya ulit ng tipid na ngiti nang inabot niya ang isang kamay ko habang naglalakad.

"Camille..." she whispered.

"Hmm?"

"Am I doing the right thing?" tanong niya ulit. Tinanong niya rin 'to kanina, pero ngayon ay mahinahon na kaya mas naging kampante na ako sa pagsagot.

Apart from that, I was also starting to become preoccupied by something else.

"Oo naman..." wala sa sarili kong sagot na siyang nagpakunot ng noo niya. Napansin niya yatang medyo lutang ako. I shook my head, trying to stay on my feet. "I mean... if you feel it's right, Tia, then I guess it should be, then."

"I hope so..."

"Besides," natawa ako ng kaunti. "You wouldn't be walking with me so calmly right now, if you still had your doubts, would you?"

She bit her lip and made a face. I tapped her hand nang marinig nang unti-unting tumutugtog ang isa sa mga napiling kanta para sa kasal. Agad kaming dinaluhan nina Mommy at Tita Solange. We were welcomed by the scent of roses, peonies and orchids. Kinuha ko ang mga bouquet mula kay Mommy at inabot na 'yong para kay Tiana.

Mukha pa siyang gulat, nalilito at namamangha sa lugar. Napangiti ako lalo. This was something we prepared super last minute. It wasn't as grand as the Taittinger–Sylvan Nuptials was supposed to be, pero para sa isang simpleng salu-salo tingin ko ay pasok naman na ito. The benches were arranged in a semi-circle that distantly surrounded the make-shift altar. Hindi gaanong malapit, para hindi gaanong maramdaman ni Tiana ang mga panauhin.

A row of petals were scattered on either side of the aisle, making a clear wedding carpet of the grass that surrounded my mother's grand garden. Lumayo ako para bigyang espasyo sina Tito at Tita sa magkabilang gilid ni Tia. Binaba na ang kanyang belo.

Medyo nagkagulo pa sa baba noong floral arch. Dahil mukhang ayaw na tumuloy ni Tito Theron, habang seryoso namang nakatayo si Tram at Jack sa kabilang dulo noong aisle. Tram still had his eyes closed, nakita kong tinatawanan na siya ni Jack. Habang nakatitig lang ako sa kanila.

Habang nakatitig lang ako sa altar.

Sumulyap lang ako ulit kina Tiana nang nagbago na ang kanta. Kahit na hindi naman gaanong engrande iyong kasal ay sumunod pa rin kami sa tradisyunal na programa. It was supposed to be a simple civil wedding, with Dad to officiate. Pero nang napadaan si Father Tabora sa bahay ay mabilis ang naging desiyon ng lahat.

The Thirdwheel (COMPLETED)Where stories live. Discover now