Chapter 13 : Truth

Magsimula sa umpisa
                                    



"I don't know. I never experienced one." I said.



Mabilis naman niyang binawi ang kamay niya kaya napadilat akong muli. Nakita ko naman siya na nakatingin na naman sa kalangitan. "Magkaiba pala tayo. Actually, I believe in miracles. Do you know why?" ipinahiling niya ng kakaunti ang ulo niya para makita ang eskpresyon ko.



Napataas naman ang isang kilay ko. Understandable naman sa mga babae na naniniwala sila sa mga miracles na 'yan pero ang isang babaeng tulad ni Kirsten? "Why?" tanong ko.




"Because Spade William Vantress, you are my miracle."







"Master." munting tawag sa akin ni Rennei mula sa likod. Sobrang lalim ng inaalala ko hindi ko na napansin na may nakapasok na palang ibang tao sa opisina ko. I am currently watching the view of the whole city from these glass walls in front of me.



"Why are you here?" munting kwestiyon ko habang nakatingin pa rin sa hindi mabilang na mga tao sa ibaba na tila ba mga langgam sa liit mula sa kinatatayuan ko.



"Spade, 'wag mong sabihin sa akin na naniniwala ka na si Alex nga ang nagligtas kay Valor mula sa mga lalaking kumuha sa kanya." napaharap naman ako sa kanya ng marahan. Ipinamulsa ko ang dalawa kong kamay sa magkabilang bulsa ng pantalon ko at saka bumuntong hininga.



I admit, talagang nagulat at nasurpresa rin ako nang ituro ni Valor ang litrato ni Alexandria mula sa tablet ni Rennei kanina nang itanong sa kanya kung sino ang nagligtas sa kanya. Kahit sandali, kahit papaano, nagkaroon ako ng kakaunting pag-asa sa kaloob-looban ko na baka nga buhay pa siya at siya iyon. Pero hindi ...



Imposibleng mabuhay pa ang isang patay. Nakita ng dalawang mata ko ang pagkamatay niya sa maputing kama at ang unti unting paglalagay ng labi niya sa mausoleum. Talagang patay na siya. Hindi kami pwedeng magkamali.



Hinila ko ng bahagya ang swivel chair ko at umupo roon. "Wala ka namang kailangan ipag-alala. How about the kids?" pag-iiba ko ng topic. Ayoko na munang isipin ang nangyari kanina. Masyado na akong na-drain kanina nang hindi namin mahagilap si Valor. Gusto ko munang pagpahingahin kahit sandali ang utak ko.



"They are doing fine. I saw them playing downstairs." mabilis na napunta sa may pintuan ang tingin ko nang hindi si Rennei ang narinig kong sumagot sa tanong ko.



Nang makilala ko kung sino ito ay napaseryoso agad ang ekspresyon ko. "Sean. What are you doing here?" Marami na ring nagbago sa relasyon naming magkapatid. Simula nang matuklasan namin na may kung anong nagpapahina sa katawan ni Alex ay nagkaganito na siya. Nagrebelde siya na siyang ikina-atake sa puso ng ama namin anim na taon na ang nakalilipas. Samantalang tatlong taon naman naratay sa kama ang asawa ko hanggang sa siya naman ang kinuha sa akin ng Panginoon.



Naaalala ko ang pagkakataon na iyon na hindi siya sumipot sa libing ni Dad. Bagkus, nahuli ko siyang pumuporma sa mga nurse sa isang hospital na pagmamay-ari ng ninong ni Alex. Nagtalo kami nuon hanggang sa siya na mismo ang umalis sa pamamahay namin. At ngayon, ngayon na lang siya ulit nagpakita matapos ang anim na taon.



"Oh please. Don't give me that face, brother. Anyway, I have my gifts for those kids. It's Valor's birthday tomorrow, isn't? Hindi ka ba maghahanda ng isang party?" at siya na mismo ang nagpaupo sa sarili niya sa isa sa mga couch dito sa silid. Nagkatinginan naman kami ni Rennei. Wala siyang nagawa kundi ang isarado ang pinto at lumapit sa may bandang gilid ko.



Ano ba ang dahilan at bumalik pa siya? Ni hindi pa nga siya humihingi ng tawad sa ginawa niya sa ama namin at bigla na lang siyang susulpot dito at aakto na parang isang dakilang tiyuhin sa mga anak ko.



"By the way, Rennei, nasabi mo na ba sa kanila?" mabilis na napakunot ang noo ko nang ibato niya ang tanong na ito sa adviser ko. My eyes travelled until I found her pressured. What's wrong?



I asked Rennei through my eyes about what is Sean talking about but she keeps her silence. "Kung ganoon, hindi pa alam ni kuya na hindi talaga namatay si Ate Alexandria sa kahinaan at katandaan kundi dahil sa isang disease?" hindi ko maiwasang mapamaang. Ano bang pinagsasasabi nitong kapatid ko? Anong disease? Anong iba ang ikinamatay ng asawa ko?



"Bakit, Rennei? Bakit ayaw mo pa rin sabihin sa kanila? Patay na siya di ba? Nagsisisi ka na ba na hindi mo ipinaalam sa amin ang nalalaman niyo nina Fiacre at Dereen noong nabubuhay pa si Ate Alex?!" bahadyang nasurpresa ako sa may tensyong pagtataas ng tinig ni Sean kay Rennei. Akala mo ba ay may mabigat siyang galit na dinadala para sa tatlo.



Nakikita ko namang pinagpapawisan si Rennei at halos hindi na siya makatingin sa aming dalawa ni Sean. Sa isang iglap lang ay tumayo na ang kapatid ko upang lubusan nang komprontahin ang babaeng malapit sa akin. Nilapitan niya ito at tiningnan mata sa mata. "Akala ko, napakatalino ko na nagagawa kong ma-predict ang mga katulad niyo. Humans are very interesting creatures, aren't they?" bigla na lang akong kinabahan nang makita kong may bumagsak na mga luha mula sa mga mata ni Rennei. May hindi ba siya sinasabi sa akin?!






"Brother, your wife, Alexandria didn't die from a natural cause but from a disease called Onyx Blood Disease. A disease modified by the most powerful group in the underground society, the Onyx Council." at mabilis na lang na nawala ang lakas mula sa mga tuhod ko.




Alexandria!





****

A/N: Hello! Dahil walang pasok, nag-update ako~ hihihihi. Salamat sa mga walang sawang nagbabasa ng istorya nina Spade! Sa mga nakakakilala sa ibang readers ng Mhorfell na takot pa ring basahin ang book two, pakikumbinsi naman sila na magbasa na dahil papalapit na ng papalapit 'yung chapter na magsosolve sa mga tanong niyo! Anyway, have a blessed Sunday, people!


Mhorfell Academy and The Onyx Blood Disease (Published under PSICOM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon