Chapter 27

49 2 0
                                    

Chapter 27 –

Yanhur Bronte;

Nakangiti akong pinagmamasdan ang anak naming ni Hera. Mukhang anghel na nakapikit, napakaganda niya, hindi lang ako sigurado kung sino ang kamukha. Ngumiti ako ng bigla itong gumalaw at ngumiti. Nakakagaan ng pakiramdam sa tuwing nakikita ko siya.

"Gusto mo ako naman? Baka nangangalay ka na." alok ni Vee sa akin, kasama kosilang nagbabantay sa natutulog na si Hera.

"Kaya ko pa, look, she's smiling, she's so cute right?" tumango naman si Vee.

Hinawakan ng bata ang kamay ko kaya mas lalo akong napangiti. Hinding hindi ko sasaktan ang batang ito. Hinding-hindi ko hahayaan na mangyari sa kanya ang ginawa ko sa kapatid niya. Naalala ko na naman ang anak namin ni Hera na namatay ng dahil sa akin.

Dalawang taon na dapat siya. Napatungo ako sa ideyang ako talaga ang may kasalanan.

"Naalala mo na naman, hindi mo kasalanan okay?" SI jm naman ang nagsalita.

"Hindi nga ba?" tanong ko sa kanya habang hindi umaalis ang tingin ko sa anak namin ni Hera.

"Off course, ikaw lang naman ang nagpupumilit na kasalanan mo lahat eh, may nambibintang ba sa'yo? We're not blaming you Yanhur." Sagot niya.

Nagpapasalamat ako na nagkaroon ako ng ganitong klaseng kaibigan. Mga kaibigan na alam kong nandito lang sa tabi ko at hinding hindi ako iiwanan.

"Thanks." Bulong ko, at tumingin sa kanila, nakatitig lang silang lahat sa akin "Pero ang tanong ko, paano kung totoo nga ang sumpa? I mean, paano ko haharapin ang lahat? We all know na ang sinabi ng manghuhulang iyon ay ang kamatayan ng anak namin, sa tingin niyo ba gagawin ko ulit ang katangahang nagawa ko dati?" tanong ko sa kanila.

Binalot naman kami ng katahimikan sa loob ng ilang sandal. Nagkatinginan sila bago nagsalita si Rinz.

"Off course not, atsaka hindi mo naman alam na buntis si Hera dati diba?" tanong niya.

"Ibig sabihin, por que hindi ko alam na buntis si Hera ay dapat na patayin ko na takaga siya kung sakaling totoo ang sumpa?" tanong ko naman.

"No, that's not my point, alam naman natin na biktima lang tayo ng kasinungalingan, Yanhur, naniniwala ako na mabuti kang tao at hinding hindi mo kayang saktan ang mga mahal mo sa buhay." Ngumiti ako sa sinabi ni Rinz.

"Oo nga naman, atsaka kaibigan ka namin, kahit na anong mangyari, nandito lang kami." ALjon.

"You know what guys? I'm so thankful na nakilala ko kayo at naging kaibigan, sana hindi kayo magsawa."

"Siyempre hindi, pero ang tanong nga, paano kung totoo ang sumpa?" tanong ni Vee.

"Kahit na mamatay na ako, hinding hindi ko uulitin ang nagawa ko dati. Atsaka kung sakaling may mangyari man sa amin ni Hera na masama, hindi niyo naman pababayaan ang anak ko diba?" taanong ko sa kanila.

"Huwag ka ngang magsalita ng ganyan, walang mangyayari okay?" si Jm.

"Hindi natin masasabi Jm, lalo na at dalawa na ang namatay, mahirap nang sabihin na nagkataon lang nangyari," wika ko. Tumahimik naman sila.

"P-Pero bakit pati mga walang alam nadadamay? Kung totoo ang sumpa, bakit pati mga walang kasalanan dinadamay niya?" Aljon.

"Yan ang hindi ko alam, teka nga, bakit ba natin pinaguusapan ito? Naniniwala ba kayo sa sumpa?" tanong ko sa kanila.

"Seriuosly speaking? Yes, naniniwala ako." Diretsahang sagot ni Vee kaya tumingin ako sa kanya.

"Ako din, gaya ng sinabi mo, mahirap sabihin na nagkataon lang ang mga pangyayari," si Jm.

"yung tugkol sa manghuhula, paano niya nalaman ang lahat ng nangyari sa atin noon? Kung nabasa niya ang tungkol sa libro, paano naman niya nakilalana tayo nga iyon? Tapos nang manganak si Hera, namatay si Don Gallego at Lola Alyana, sa tingin mo, sino ang susunod?" tanong ni Rinz.

"H-Hindi ko alam, pero paano rin kung nagkataon lang?" tanong ko.

"Pwede, pero paano kung may mamatay na naman? Hihintayin muna ba nating mangyari yun bago tayo kumilos?" tanong naman ni ni Rinz kaya napatingin ako sa kanya.

"Anong sinasabi mo? Na kailangang patayin ko na ang anak ko?" hindi makapaniwalang tanong ko, nanlaki naman ang mga nmata niya sa sinabi ko.

"No! that's not my point, I'm saying na bakit hindi natin i-try na humanap ng ibang paraan?" sagot naman niya kaya nakahinga ako ng maluwag.

"Kung sakaling totoo man ang sumpa, wala ng ibang paraan para maputol iyon, basta kung ano man ang mangyari sa amin ni Hera, mangako kayo na hinding hindi niyo pababayaana ang anak namin, at hinding hindi niyo hahayaan na may mangyaring masama sa kanya?" mabilis naman silang angsitanguan.

"Pero maniwala ka Yanhur, walang mangyayaring masama, maniwala ka." Ngumiti ako sa tugon ni Vee.

"Sana nga." Bulong ko sa kanya.

"Yanhur!" napatingin kami kay papa na hinihingal pang pumasok sa silid.

"M-May problema po ba pa?" tanong ko sa kanya.

"A-Ang tito Oscar mo, patay na."nanlaki ang mga mata naming sa narinig naming mula kay Papa.

"P-Pero paano nangyari yun?" tanong ko.

"Binangungot daw siya, sabi ng anak niya, mula daw sa pagtulog niya, sigaw siya ng sigaw sa pangalan ng Lola Rama mo, humihingi siya ng tawad, tapos ng nagtungo ang pinsan mo sa silid niya upang gisingin ang tito Oscar mo, wala na daw itong buhay."

"Y-Yan ang paliwanag ng lahat." Wika ni Jm.

"P-Pero anong koneksiyon ni tito Oscar sa mga nangyayari?" tanong naman ni Aljon.

"Hindi ko din alam, pero isa lang ang kasiguraduhan, may kasalanan din siya kay Lola Rama." Sagot ko.

Binalot na naman kami ng katahimikan. Sigurado ako na may kasalanan si tito Oscar kay Lola Rama, ngunit ano naman ang kasalanan niya? Atsaka akala ko ba si Don Gallego a Lola Rama ang biktima? Eh bakit si Don Gallego pinaghigantian niya?

Siguro naman, isa na sa mga ebidensiyang totoo nga ang sumpa ay ang pagkamatay ng marami? Ito na ang kinatatakutan ko. Ang kamatayan lang ng anak namin ang makakatigil ng lahat. Pero paano ko gagawin sa sarili kong anak yun?

Hindi siya dapat madamay sa bagay na wala naman siyang kinalaman, hinding hindi ko gagawin sa anak ko yun at hinding hindi ko hahahayaan na may manakit sa kanya. Po-protektahan ko siya. Hinding hindi ko hahayaan na ang isang walang kamuwang muwang na sanggol ang magdusa sa kasalanang hindi naman niya ginawa.

Ibig bang sabihin nito, nagsinungaling din si Don Gallego?


Midnightmare (Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon