Chapter 3

102 6 0
                                    

Chapter 3

Yanhur Bronte;

'Babalik ako! babalikan ko kayo. Gaganti ako, gaganti ako." Umiiyak na tugon ng isang babae before she ended her own life. Pain and agony are in her eyes.

-

'Don Gallego, nagpakamatay po si Senyora Rama." Balisang tugon ng isang lalaki

'Minahal ko siya, mahal ko siya...Hindi ko naman siya niloko diba Isco?"

-

'Huwag na huwag kang magdadalawang isip na gawin kung ano ang tama, huwag mong iisipin kung anong sasabihin ng iba, dahil sa totoo lang, sila ang pinaka-kaaway mo, sila ang magbibigay ng pinaka-masakit na bangungot sa'yo. Maniwala ka sa kung anong kaya mong gawin, maniwala ka sa sarili mo, maniwala ka sa kayang gawin ng mga taong malapit sa'yo, huwag mo sanang hayaan na sirain ng pagkakamali ng kahapon ang mga pinagsamahan niyo. Protektahan mo sila, alam ko kaya mo." Nakangiti si Al-j habang sinasabi sa akin ang mga iyan.

Tinitigan ko siya, pero unti-unti siyang nilalamon ng liwanag, sinubukan ko siyang habulin pero ngumiti lang siya.

"Hindi ako nawala, lagi lang akong nasa tabi mo, sa tabi niyong lahat." Matapos niyang bitawan ang mga salitang yan ay tuluyan na siyang nawala. Agad namang tumulo ang mga luha ko.

"Al-j!!" sigaw ko, dahilan kaya magising rin si Hera na mahimbing na natutulog sa tabi ko.

"Hey, okay ka lang ba?" may halong pag-aalala sa tinig niya, tumango naman ako kahit nakinakabahan ako, pawis na pawis ako at takot na takot. Huminga naman ako ng malalim upang iwaksi si isipan ko ang masamang panaginip.

Bakit parang totoo ang lahat? Ano ang gustong iparating ni Al-j sa mga sinabi niya sa panaginip? Naguguluhan na ako. Alas dos pa lang ng medaling araw matapos kong mapanaginipan iyan, pero pagkatapos nun ay hindi na ako makatulog, hindi na nawala sa isip ko ang isang panaginip na alam ko naman na hindi na dapat pang bigyang kahulugan.

Alam ko sa sarili ko na panaginip lang iyon, alam ko na hindi ko na dapat pang isipin iyon dahil wala din namang mangyayari, pero bakit ganito ang nararamdaman ko? Bakit parang totoo ang lahat?

Kinabukasan ay agad akong nagtungo sa police station upang ipaalam ang tungkol sa patay na daga na ipinadala sa amin ni Jaiden, alam ko na hindi dapat ako magtiwala sa kahit na sino dahil possible na isa sa mga police na naririto ay kasabwat niya sa sunog at pagtakas na nangyari.

Pero kahit na ganun ay nais ko parin na iparating sa kanila ang tungkol dito.

"Mga anong oras niyo natanggap yan?" tanong ni SPO2 Corpuz, siya yung police na nanghuli dati kay Jaiden kaya siya ulit ang nilapitan ko.

"7 pm siguro, please, do everything para mahanap niyo siya agad, natatakot na ang mga kaibigan ko, natatakot na ako sa mga bagay na pwede niyang gawin sa pamilya ko." Tumango naman si SPO2 Corpuz

"Maakaka-asa ka Mr. Bronte." Sagot niya sa akin, agad din naman akong umalis para balikan na si Hera, lalo na sa mga ganitong sitwasyon ay hindi ko siya dapat na iniiwan mag-isa, mahirap nab aka salisihin kami ni Jaiden.

Hindi ako sigurado kung ano-ano pa ang mga kaya niyang gawin, kung si Al-j napatay niya, hindi malayo na magawa rin niya iyon sa amin. Kaya mas mabuti na ang doble ingat.

-

"Ano nang balak natin ngayon?" tanong ni Jm sa akin, pinapunta ko sila ulit sa bahay naming ni Hera para sabihin sa kanila na umalis na mna kami dito para sa kasiguraduhan na walng masasaktan sa amin si Jaiden.

"Mag-out of town muna tayo habang hinahanap pa si Jaiden." Sagot ko naman sa kanila.

"Eh saan naman?" tanong naman ni Vee.

"Eh kung sa Palawan kaya?" suhestiyon ni Rinz.

"Sa Palawan? Madali tayong mahahanap ni Jaiden doon." Sagot no Angel

"Atsaka di niyo ba napapansin? Diba, wala talagang balak na sumama si Al-j sa Palawan dati? Pero pagkatapos niyang makaaway si Jaiden ay nagsimula na siyang makatanggap ng mga death threats, kaya napilitan din siya na sumama, parang mauulit lang yung nangyari sa kanya sa atin eh." Jm

"Actually tama ka, mas maabuti kung hindi tayo sa palawan pupunta." Sagot naman ni Hera.

"Eh kung sa Tarlac na lang kaya? May bahay yung lola ko duon na wala ng nakatira, pwede tayo duon for the mean time." Suhestiyon naman ni Vee.

"Pwede, pero kelan naman tayo aalis?" tanong ni Rinz sa amin.

"Mamayang gabi, ayusin niyo na muna ang mga dapat niyong ayusin, dito na lang ulit tayo magkita kita." Sagot ni Hera.

Sunod-sunod naman silang nagsi-tayuan at isa-isang nagpaaalam. Tinignan ko naman si Hera. Nag-aalala ako para sa kanya, lalo na ngayon na malapit na siyang manganak.

"Okay ka lang ba?" tanong niya sa akin.

"H-Hindi ko alam, nag-aalala ako para sa'yo." Ngumiti naman siya at niyakap ako.

"Magiging okay din naman ang kahat, stop worrying wabout me, okay?"

"Hindi mo naman mai-aalis sa kin yun eh, I'm your husband." Sagot ko sa kanya, binigyan naman niya ako ng halik at nagsimula na siyang ayusin ang mga gamit na dadalhin namin.

Agad ko namang tinawagan si papa at sinabi sa kanya ang sitwasyon, naintindihan naman niya, sinabi ko rin sa kanya na habang nasa tarlac kami ay uumpisahan ko ng gawin ang book 2 ng midnightmare, para kahit na hindi ako makapasok sa trabaho ay wala akong masayang na oras.

Hindi ako natatakot kay Jaiden, natatakot ako sa mga bagay na kaya niyang gawin, hindi sa akin, kng hindi kay Hera, minsan na siyang muntikang mapahamak ng dahil sa akin, at hinding-hindi ko hahayaang mangyari ulit iyon.

Nakaupo kami sa sala habang hinihintay ang pagdating ng mga kaibigan naming, nakasandal siya sa balikat ko habang yakap yakap ko siya.

"Ano kayang ipapangalan natin kay baby?" tanong niya sa akin, napangiti ako, alam ko na natatatkot na rin siya, alam ko rin na pinipilit lang niyang kalimutan ang tungkol doon, kapag naiisip ko na mgiging tatay na ako ay sumasaya ako, nawawala ang lahat ng takot at problemang dinadala ko.

"Ikaw ang bahala, basta mamahalin ko siya gaya ng pagmamahal ko sa'yo." Babae ang magiging anak naming ayon sa ultra sound na isinagawa sa kanya.

"Kahit na anong mangyari, mahal parin kita." Sabi niya sa akin, ngumiti na lang ako.

Midnightmare (Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon