Chapter 26

52 2 0
                                    

Chapter 26 –

Someone's Dream –

Time check; 11:59pm

Gabi na ngunit hindi parin ako makatulog, iniisip ko si Hera, kamusta na kaya siya? Kamusta kaya ang buhay na meron siya? Alam ko na nahihirapan siya ngayon ng dahil sa kagagawan namin. Mula sa pagkakahiga ay tumayo ako at nagtungong kusina.

Binuksan ko ang pridyider at upang kumuha ng maiinom. Laking gulat ko na Makita ang katawan ng isang babaeng may pamilyar na pigura ang nasa loob nun at nakatingin sa akin. Napasigaw at napa-atras ako.

Sinundan ako ng tingin ng babae at dahan-dahang lumabas ng pridyider ng nakatingin sa akin.

"h-Huwag!" sigaw ko sa kanya ngunit tila isa siyang bingi na walang naririnig.

Agad kong tinahak ang daan papuntang ikalawang palapag ng tahanan namin. Nadapa ako at muntikan pang mahulog ng makarating ako sa kalagitnaan ng hagdan. Tumingin ako sa ibaba at nakita kong dahan dahan na naglalakad at sinusunddan ako ng babae.

Agad akong nagtungo sa kwarto ng mga kasama ko sa bahay ngunit ang nakakapagtaka ay wala ni isa sa kanila ang kasama ko ngayon.

"R-Rama, maawa ka." Pagmamakaawa ko sa kanya, nang banggitin ko ang pangalan niya ay tumingin siya sa akin ng nakangisi.

"Kilala mo pa pala ako." Mahina niyang tugon.

Tumakbo ako patungo sa aking silid, agad kong kinandado ang pintuan at tatakbo sana patungong aking kama ngunit pagkaharap ko ay naroroon siya.

"Ano pa bang kailangan mo? Matagal ko ng pinagsisihan ang lahat. Matagal ko na kayong ibainaon sa limot. Iwan mo na ako, umalis ka na!" hindi niya ako pinakinggan, bagkos ay tumayo ito mula sa pagkakaupo sa aking kama.

Sinubukan kong buksan ang pinto ngunit bigo ako. Nakita ko siyang dahan dahan na naglalakad patungo sa kinaroroonan ko.

"Napakasarap pakinggan na nagmamakaawa ka sa akin." Mahina niyang tugon na nagbigay g kilabot sa buo kong katawan.

"Ano pang kailangan mo? Wala akong kasalanan sa pagkamatay mo. Matagal ko na ring pinagbayaran ang panlolokong ginawa namin sa'yo." Biglang bumuhos ang luha ko.

"Kayo ang nag-udyok sa akin na kitilin ang aking sariling buhay! Makasarili kayo." Huminto siya siya mula sa kanyang kinaroroonan at tumingin sa ibaba.

Pinagmasdan ko ang kanyang kabuuan. Walang pagbabago. Ini-angat niyang muli ang kanyang tingin at tumingin sa akin, tapos ay sa patalim na hawak niya.

"Hindi ba't isnumpa kong babalikan ko kayo at gagantihan? Marunong lang akong tumupad sa isang salita."

"H-Hindi, hindi! Panaginip lang ito, panaginip lang ito." Pinilit kong paniwalain ang sarili ko na isang panaginip lang ito kahit na alam ko naman ang tungkol sa sumpa. Isang nakakapangilabot na tawa ang pinakawalan niya.

Para na akong mababaliw sa tuwing naririnig ko siya, narinig ko pa ang mga yabag niya na papalapit sa akin. Patuloy lang ako sa apagtakip ng aking mga tainga. Laking gulat ko ng maramdaman ang isang matalim na bagay na tumusok sa aking tagiliran.

Nanlaki ang mga mata ko ng Makita siyang nakangisi sa harapan ko. Mas lalo pa niyang diniinan sa aking tagiliran ang hawak niyang patalim. Naramdaman ko ang pag-agos ng malapot na likido mula dito. Mayamaya pa ay hinugot niya ito at isinaksak ulit sa aking dibdib. Mas lalong lumawak ang kanyang pagkakangisi.

"Pinaramdam niyo sa akin na nag-iisa lang ako sa impyerno. Kaya isasama ko kayo. Hindi niyo alam kung gaano kahirap mag-isa, ayoko ng mag-isa pa."

"H-Huwag ang anak ni H-Hera, maawa ka..." bulong ko bago binalot ng kadiliman ang kapaligiran.

End of Dream –

Yanhur Bronte;

Pinagmasdan ko ang kabuuan ni Hera na hanggang ngayon ay hindi parin nagpapahinga, ang maiitim na gilid at malalim na mata, halata sa kanya ang hirap na dinaranas niya ngunit pinanindigan niya ang kanyang salita na hindi siya matutulog. Hindi ako natulog at binantayan ko lang siya.

Hindi ko alam kung hangang kailan matatapos ang lahat at kung kailan nila mauunawaan na hindi naman totoo ang sumpa. Ngunit ang tanong, hindi nga ba?

"Y-Yanhur, may tawag para kay Hera." Boses ni Rinz. Tumingin naman sa kanya si Hera at sinenyasan si Rinz na iabot sa kanya ang telepono niya.

"What!?" agad na sigaw ni Hera mula sa kabilang linya at nanlulumong binitawan ang hawak na telepono.

"H-Hindi na niya tayo titigilan pa..." mahinang tugon ni Hera na agad namang ikinanuot ng noo ko.

"A-ANo bang sinasabi mo?" tanong ko sa kanya, tinignan naman niya ako.

"P-Patay na si Lola Alyana, b-binangungot daw siya." Nanlaki ang mga mata ko sa aking narinig. Nung una ay si Don Gallego ang binangunot, ngayon naman ay si Lola Alyana. Sinong susunod, imposible naman ata na nagkataon lang ang nangyari?

"H-Hindi ko na alam ang gagawin ko!" sigaw ni Hera, sakto namang pumasok ang doctor at nagulat sa naging asal ni Hera.

"I'm sorry Mr. Bronte, pero kailangan na naming siyang bigayn ng tranquilizer." Wika ng doctor.

"P-Pero, bakit tranquilizer? H-hindi naman siya nagwawala ah!" reklamo ko.

"Madami na kaming naging pasyente na nagkakaroroon ng psychological disorder dahil sa panganganak, hindi malayo na maging isa si Hera sa kanila, isa sa mga patumnay niyon ay ang ayaw niyang magpahinga na hindi normal sa babaeng katatapos lang manganak, at ang inasal niya kanina, ang pagsigaw, pasensiya na." hindi na ako sumagot, hinawakan ng dalawang lalaking nurse ang magkabilang kamay ni Hera.

Kinuha ko naman ang anak naming, nagpumiglas si Hera.

"Yanhur ano ba! Wala ka bang gagawin diyan? Tangina! Bitawan niyo ko!" sigaw ni Hera, tinignan ko lang siya.

"Hera, depressed ka lang, kailangan mo lang magpahinga, huwag kang mag-alala dahil pagkagising mo, okay na ulit ang lahat." Bulong ng doctor bago siya tinusok sa may braso ng sinasabi ng doctor na tranquilizer.

Unti unti naman na tila nanghina si Hera, maya maya pa ay nawalan na ito ng malay. Pinagmasdan ko siya. Nakakaawa ang hitsura niya. Napaupo na lang ako, tinitigan ko ang anak namin na si Yara. Nangangako ako na kahit na mangyari ulit ang lahat ng nangyari sa nakaraan, hinding-hindi na ako magiging tanga.

Hinding hindi ko na hahayaan na may mangyaring masama pa sa pamilya ko. Ako na ang po-protekta sa kanila. Hindi ko na bibiguin pa si Hera. Ngayon ko ipaparamdam sa kanya ang pagmamahal na alam kong hindi ko pa napaparamdam sa kanya.


Midnightmare (Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon