Chapter 6

64 5 4
                                    

Chapter 6 -

Yanhur Bronte;

'Babalik ako! babalikan ko kayo. Gaganti ako, gaganti ako." Umiiyak na tugon ng isang babae before she ended her own life. Pain and agony are in her eyes.

-

'Don Gallego, nagpakamatay po si Senyora Rama." Balisang tugon ng isang lalaki

'Minahal ko siya, mahal ko siya...Hindi ko naman siya niloko diba Isco?"

-

Mula sa pagkakahimbng ay agad na akong tumayo. Umaga na, alam ko na late na akong nagising dahil late na rin akong nakatulog. Hindi ko na masyadong iniisip ang panaginip na tungkol kay Lola Rama at Don Gallego, sa tagal na panahong napapanaginipan ko ito ay nasanay na ako.

Naniniwalaako na hindi ito totoo, pero ang tanong na naglalaro sa isipan ko ay kung bakit napapanaginipan ko ang isang pangyayari ng nakaraan? Walang nag-kwento sa akin nun, paano ko nakikita sa panaginip ko na, nagpakamatay si Lola Rama?

Gaya ng sinabi ko, ayoko ng isipin ang bagay na iyon, ngunit sadyang hindi ko maiwasa. Babalik na naman ba ang kasinungalingang naglaro sa mga buhay namin sa nakaraan? Hindi ko na alam kung anong gagawin ko kung sakaling oo.

Tumayo na ako at iginala ang mata sa paligid, wala na si Hera sa kama, marahil ay nauna na siyang bumaba, may banyo na sa kwartong ginagamit naming kaya hindi na ako lumabas pa upang maghilamos, ito na lang ang ginamit ko.

Pagkatapos kong maghilamos ay agad akong bumaba upang tignan at saluhan ang mga kaibigan ko, naabutan ko naman sila sa kusina na nag-aalmusal na. Lumapit ako kay Hera at umupo sa tabi niya.

"Good Morning." Bati ko at binigyan siya ng isang matamis na ngiti. Ginantihan naman niya ako ng ngiti at inabot sa akin ang kanin. "Wala pa ba si Angel?" tanong ko sa kanila.

"Wala pa nga eh, nag-aalala na ako." Sagot ni Vee, hinawakan naman ni Aljon ang kamay niya.

"Darating din siya, magiging okay din ang lahat, tsaka na-check mo na ba yung address na binigay mo? Baka mali?" Aljon

"Tatlong beses ko pang si-nend, tama naman." Vee

"Huwag kayong mag-alala, magiging okay din naman ang lahat eh." Wika ko ngunit pagkatapos nun ay nag-hari ang katahimikan.

Pinagpatuloy na lang naming ang pag-kain, maya-maya pa ay biglang tumunog ang cell phone ni Vee, hudyat na may nag-iwan ng mensahe. Agad naman niyang kinuha ang cell phone niya mula sa kanyang bulsa at binasa.

"Oh God." Kumunot ang noo ko sa naging reaksiyon ni Vee.

"W-What is it?" tanong ni Rinz sa kanya na halata na rin sa mukha ang kaba. Inabot naman niya sa amin ang cell phone, agad kong kinuha at binasa.

"Sayang hindi na siya makakarating, pero ako, hindi niyo ba ako i-we-welcome?" number ni Angel ang pinag-text, agad ko namang nahulaan kung ano ang nais nitong iparating.

"D-Don't tell me, nandito siya?" Jm

"P-Paano niya malalaman?" Rinz

"Sinend ko kay Angel yung address diba? T-tsaka paano napunta sa kanya ang cell phone ni Angel? Don't tell me-?" agad na naputol ang sasabihin ni Vee at nanlaki ang maga mata.

"Oh God! Huwag naman sana." Jm

"B-Baka naman ginu-goodtime lang niya tayo, reply-an mo nga." Rinz, pero hindi siya pinakinggan ni Vee, halata sa mukha nito ang takot.

"Ano ba? Huwag na nga lang nating isipin to, wala lang yun okay?" wika ko sa kanila ngunit walang umimik.

Hindi ko sila masisisi kung ano man ang maramdaman nila ngayon, hindi ko sil masisisi kung makaramdam silaa ng takot ng dahil sa mga nangyayari, alam ko na may hangganan din ang lahat ng ito, ngunit, kailangan ban a maraming masaktan para lang matapos na ito?

Sabay-sabay kaming napalingon sa TV ng marinig ang binabalita ng news caster.

'Isang karumal-dumal na pagpatay sa St. Mary's Subdivision sa Metro Manila ang nangyari kagabi, ang biktima ay kinikilalang si Angel De Jesus, kasalukuyan pang humahanap ng ebidensiya ang alagad ng batas at kasalukuyan pa ring inaalam kung sino ang nasa likod ng nasabing krimen.'

"Oh my God." Bulong ni Hera, tinignan ko naman sila isa-isa, bakas sa mukha nila ang takot, si Vee at Jm naman ay naluluha na.

"M-Magiging okay pa ba ang lahat?" Rinz

"O-Oo naman, mahuhuli na rin naman siya niyan eh, diba?" Halata sa boses ni Jm na pinipilit niyang takpan ang takot na nararamdaman.

Tahimik naming ipinagpatuloy ang pagkain, maya-maya pa ay may kumatok. Nagkatinginan kaming lahat. Agad akong nakaramdam ng kaba, ngunit naglakas-loob akong tumayo at buksan ang pinto. Kumuha ako ng patalim at tinago sa likod ko, walang gumagalaw sa kanila, halata rin sa mga mukha nila ang takot.

Dahan-dahan kong binuksan ang pinto.

"Surprise!" muntikan na akong napatalon sa lakas ng boses ng sumigaw. Pero hindi ko sila kilala, bigla naman niyang tinakpan ang bibig niya at nanlaki ang mga mata. "S-sino ka?" tanong niya habang nakaturo pa sa akin.

"Ikaw sino ka?"

"Best!" sigaw naman ni Vee, tumabi naman ako sa daanan para makapasok siya.

"Best, kamusta?" bati nung babae kay Vee tapos ay niyakap.

"Okay kang, ah, sila nga pala ang mga kaibigan ko sina Yanhur, Hera, Jm, Rinz at ang boyfriend ko si Aljon." Pakilala niya sa amin tapos ay tinuturo kami.

"Hello, I'm Jonalyn Pascual, Jo for short." Tumango naman kami, siguro kung wala lang kaming malaking problemang kinakaharap ngayon ay mas magiging cheerful ang pag-welcome naming sa kanya. "Anong klaseng pagmumukha ba ang meron kayo? Pinaglihi ata kayo sa sama ng loob eh." Biro pa niya pero walang tumawa, tumingin lang kami sa kanya at ngumiti.

"Pasensiya na ha? May malaki talaga kasi kaming problema." Sagot naman ni Vee sa kanya.

"Ah so, kaya mo pala ako ti-next? Ganyan ka naman eh, nagte-text ka lang pag may kailangan ka, tapos hindi mo sinabi sa akin na gwapo pala ang boyfriend mo." Halata na nagbibiro lang siya, ngumiti naman si Vee. "Sige na nga, ano bang maitutulong ko?" tanong nito kapag-kuwan.

"Eh- k-kasi, kailangan naming lumipat, baka pwede sa apartment mo, may mga death threats kasi kaming nakukuha eh." Tumango-tango naman si Jo na halatang naiintindihan niya ang sitwasyon.

"Oo naman, dimo agad sinabi na seryoso pala talaga, nagdadaldal pa ako dito." Ngumiti ulit si Vee at niyakap niya si Jo.

"Salamat." Vee

"Kelan niyo ba balak lumipat?"

"Ngayon na rin sana." Tumango naman si Jo sa kanya,

"So ano pang hinihintay niyo? Kunin niyo na ang mga dapat niyong dalhin, para maka-alis na tayo."

"Jo, sorry kung pati ikaw madadamay ha?" di ko na napigilan na sabihin sa kanya.

"Naku, wala yun, atsaka hindi naman siguro niya malalaman kung saan ko kayo itatago diba? Barangay San Rafael lang ito at sa Luisita ako, sa Central." Jo.

Hindi ko lubos maisip kung ano ang dapat at hindi dapat gawin. Mabuti na lang ay may mga kaibigan pa akong totoo na handa akong samahan hanggang sa mga ganitong sitwasyon.

Midnightmare (Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon