Chapter 19

41 3 0
                                    

Chapter 19 –

Yanhur Bronte;

Nag-drive kami papunta sa bahay ni Aljon, ngunit sa ilang minutong pagdo-doorbell at pagtawag namin sa pangalan niya ay walang sumasagot. Marahil ay wala siya dito.

"Parang wala naman siya eh." May halo ng isitasyon sa boses ni Rinz.

"Eh saan naman siya pupunta?" tanong ko naman sa kanya.

Saan nga ba siya pupunta? Kelan lang namin siya nakilala, at hindi pa namin siya ganun na kakilala upang mamemorya at malaman na namin kung saan saan ba siya laging pumupunta.

"Hintayin na lang natin siya dito, malay natin kung may pinuntahan lang siya saglit." Wika ni Rinz at umupo sa compartment ng kotse ni Aljon.

"Baka naman hinahanap na niya tayo?" tanong ko sa kanya.

"Eh bakit hindi na lang siya tumawag? Atsaka nagpalitan naman kayo ng number diba? Ikaw na lang kaya ang tumawag?" tumango na lang ako at pagkatapos ay inilabas ang cell phone at sinubukang tawagan ang numerong binigay ni Aljon.

Ilang sandali pa bago umabot sa kanya ang tawag ko, ngunit hindi naman niya sinasagot.

"Ano na?" tanong ni Rinz.

"Hindi niya sinasagot, nagri-ring lang." sagot ko naman.

"Ba't naman hindi niya sasagutin?"

"Hindi ko din alam, hindi na maganda ang nararamdaman ko, paano kung may nangyari ng masama sa kanya?"

"Tawagan mo nga ulit." agad ko namang sinunod ang utos na binigay sa akin ni Rinz.

The number you have dialed is either unattended or out of coverage area, please try your call later.

"Out of coverage area, Rinz." Kinakabahang tugon ko.

"I-text mo na lang sa kanya na sumunod na siya sa tarlac, sabihin mo mauuna na tayo."

Napagkasunduan namin ni Rinz na sa police station malapit sa tinutuluyan namin sa Tarlac isuko ang USB na ito, marahil ay sila ang makakatulong sa amin na huliin agad si Jaiden at patalsikin sa pwesto at tanggalan ng trabaho si SPO2 Corpuz.

Agad akong sumakay sa kotse at binuhay ang makina, alam ko na malapit ng maatapos ang lahat, pero bakit parang nararamdaman ko na hindi naman? Nagtataka ako kung bakit noong inireklamo naming sa Corpuz na yan yung tungkol sa patay na daga ay wala namang nangyari.

Akala ko pa naman gumagawa na siya ng aksiyn laban sa Jaiden na yan, kaya pala walang nangyayari at nalulutas sa mga problemang nangyayari ay dahil wala naman siyang ginagawa. Kaya pala mas lalong nadadagdagan ang problema at kaya mas lalo kaming nalalagay sa pahamak ay dahil kasabwat siya.

Dinarasal ko na sana nga ay matapos na ang lahat, sana rin ay pagkatapos nito ay wala ng sunod na problemang mangyari. Ayoko na mamulat ang magiging anak naming ni Hera sa mga ganitong bagay, ayoko na lumaki siyang may takot at pangamba sa kanya.

Gusto kong mabuhay ng tahimik at simple kasama siya, si Hera at mga kaibigan namin. Ilang oras na ang nagiging biyahe namin, ngunit hindi pa kami nakakarating gumagabi na rin ngunit alam ko na malapit na kami. Ilang minute rin ang lumipas at nakarating na kami.

Nadatnan naman naming ang lahat na nakaupo sa sofa sa may salas. Kasama nila si Aljon.

"Woah, ang bilis mo ah." Rinz.

"Pasensiya na ha? Namiss ko si Vee eh." Sagot niya at tumingin kay Vee.

"It's okay." Sagot ko naman.

"So ano, nakuha niyo ba? Naligta niyo ba si Lazaro?" tanong sa amin ni Leii na ngayon ay katabi ni Hera sa upuan.

"Nakuha namin sa anak niya, pero si Lazaro patay na, mabuti na lang at hindi ito binigay ng anak niya kay SPO2 Corpuz nang hanapin niya ito sa kanya." sagot ni Rinz.

"Thank God. Ano ng balak niyo?" tanong naman ni Jm.

"Pupunta kami ni Rinz ngayon sa police station sa may bayan, diyan natin sila irereklamo." Tugon ko.

"So ano pang hinihintay niyo? Sige na, para matapos na ang lahat ng ito."

Agad naman kaming lumabas ni Rinz at mabilisang nagtungo sa police station, hindi naman sobrang layo kaya nakarating din kami agad, gabi na ngunit wala na kaming plano na ipagpa-bukas pa ang lahat dahil sa atat na kaming matapos ito.

Nakakasawa ang halos araw araw ay nag-iisip ka nab aka may mangyaring masama sa'yo at sa pamilya mo. Nakakasawa yung halos araw araw natatakot ka. At mas lalong nakakasawa yung wala ka namang kasalanan pero nagtatago ka.

"Sir, kailangan naming ng tulong." Bungad agad ni Rinz ng makalapit kami sa kanila.

"Anong problema?" tanong naman ng isa sa kanila.

"S-Si Jaiden Delos Santos, yung tumakas sa kulungan sa Quezon City, pinagbabantaan ang buhay namin, at yung sunog na nangyari, pinlano nila ni SPO2 Corpuz." Nagkatinginan naman silang lahat.

"Sa totoo lang ay alam namin ang tungkol sa balitang yan, pero nagtataka lang kami kung bakit dito pa kayo humingi ng tulong samantalang sa Tarlac ito at sa Quezon pa iyon. Atsaka isang magaling na pulis si SPO2 Corpuz, kung pagsasalitaan at sisiraan niyo siya sa amin ng wala kayong ebidensiya, baka kayo ang makasuhan ng libel niyan." Tugon naman nung isa pa kaya pinakita ko sa kanya ang USB.

"Nandito ang lahat, palagay ko siya din ang pumatay kay Lazaro, isang kilalang prosecutor sa Quezon, si Lazaro ang nakakuha ng mga iyan." Sagot ko sa kanya.

Agad naman niyang inabot ang laptop niya at isinaksak ang USB, nang mabuksan niya ito ay dalawa lang ang laman, at tama ang sinabi nang anak ni Lazaro, isang video at audio na ni-record. Agad naman nilang binuksan ang video, si Jaiden nga at si SPO2 Corpuz na nag-uusap.

'Bukas ng gabi, basta bilisan mo lang na tumakas heto ang spare key sa selda niyo, ako na ang bahala, basta siguraduhin mo lang na hindi ako madadawit Jaiden, ako talaga ng makakalaban mo.' Wika ni Corpuz na patingin tingin pa sa paligid at may inabit na bote ng mineral kay Jaiden at lighter.

'Hindi pwede na ganun lang, kailangan ay mabalisa ang lahat.'

'Ako ang bahalaa,susunugin ko rin ang kabilang kulungan, yung kulungan ng mga babae, para hindi lang dito matuon ang atensiyon, siguraduhin mong hindi ako dawit.'

'Makakaasa kayo ninong.' Nakangiting sagot naman ni Jaiden.

'Siguraduhin mo lang, pasalamat ka at malaki ang utang na loob ko sa tatay mo, kung hindi hahayaan na lang kita dito—teka, L-Lazar—'

Hanggang doon lang ang itinagal ng video at natapos na. agad namang kumunot ang noon g mga pulis.

"Kahit ito lang nag meron tayo, napakalaking ebidensiya na upang tanggalin sa pagiging pulis si Corpuz, gago yan, akala namin kung sinong mabait, mas hudas pa pala kay Hudas." Tugon ng isang pulis.

"Mas maganda kung magpahinga na muna kayo, huwag kayong mag-alala at hindi kami kasing hudas ni Corpuz para lokohin kayo, makaka-asa kayo na aaksiyonan naming agad ito." Tumango naman kami ni Rinz.

"Salamat po." Tugon ko at umalis na kami.

Midnightmare (Published)Where stories live. Discover now