Chapter 9

48 4 0
                                    

Chapter 9 –

Yahur Bronte;

"Leii?" sabay naming tanong ni Hera ng makita kung sino ang kasama ni Jonalyn na umuwi.

Biglang nawalang ng malay si Leii, nakaka-awa ang itsura niya ngayon, wala na akong naiintindihan sa mga nangyayari, ibig sabihin, tama kami na isa nga siya sa mga tumakas na preso.

Nilinisan nila Hera at Jonalyn ang mga sugat niya at pinalitan na rin ang damit nya, sa kwarto ng mga babae siya dinala, nagluto naman ng lugaw si Jonalyn para daw pag-kagising niya ay mainitan ang tiyan nito. Ilang minute rin naming siyang hinintay magising.

Nang dumating na ang mga barkada namin na galing sa paglilibot at sakto namang naging si Leii, hindi namin agad sinabi sa kanila na nandito siya, nasa sala kami ng bumaba ito ng nanghihina. Nanlaki naman ang  mga mata nila ng Makita nila ito.

"Anong ginagawa mo dito?" sigaw ni Jm sa kanya, napayuko naman siya at pilit na bumaba sa hagdan kahit na nahihirapan, tinignan lang naming siya.

"K-Kailangan n-niyong makinig." Mahina nitong tugon.

"Makinig? Pagkatapos ng lahat ng kasinungalingan ginawa mo? Sa tingin ko maniniwala pa kami sa'yo ngayon?" mahina ngunit mariin na tugon naman ni Vee.

Alam ko na nasasaktan parin sila sa nangyari, alam ko na malaki ang naging epekto nun sa kanila, kaya hindi ko sila masisisi kung bakit ganito ang nagiging pakikitungo nila kay Leii.

"Look, nandito si Jaiden." Wlalang umimik sa sinabi niya, sa totoo lang ay alam naman naming nandito siya sa tarlac

"Ipaliwanag mo ang lahat, ipaliwanag mo kung bakit ka nandito." Tumingin naman sila sa akin.

"S-si jaiden, pinlano nila ni SPO2 Corpuz ang sunog, narinig ko silang nag-uusap, magkatabi lang ang dalawang kulungan diba? Nang naglilinis kami, mula sa malaking pader na harang ay narinig ko sila, plano nilang lahat ito," tahimik lang kami na nakikinig sa kanya.

"S-si SPO2 Corpuz? Pa-paano, diba siya ang nanghuli kay Jaiden?" tanong ko sa kanya. Tumango naman si Leii.

"N-Ninong siya ni Jaiden, wala balak si SPO2 Corpuz na tulungan si Jaiden na patayin kayo, pero siya ang tumulong dito na tumakas, nandito siya."

"T-teka, oo nga nandun na tayo sa tinulungan siya ni SPO2 Corpuz, nandun na rin tayo sa nandito siya, pero ang tanong, paano ka nakarating dito? Paano mo nakilala si Jonalyn?" tanong naman ni Hera.

"Nang pumuta ako sa bahay niyo ni Yanhur, narinig ko na balak niyo ngang pumunta dito, hindi ko agad masabi sa inyo ang balak ni Jaiden dahil alam kong galitkayo sa akin, kaya nung gabing bago kayo umalis, umakyat ako sa pader at sumakay sa compartment ng sasakyan niyo," huminto siya dsaglit at tumingin sa amin.

"Kahapon, nasa matandang bahay pa kayo diba? Nandoon din ako, nasa likod lang ng bahay, nang lumabas ako para humanap ng kahit anong makakain, nung pabalik na ako, nakita ko si Jaiden na nanunuod sa inyo, lumapit ako sa kanya at sinaksak sa may tagiliran ng maliit na kutsilyo, nang tumingin siya sa akin, hinampas ko siya sa ul, tinago ko siya, naisip ko na patayin na siya pero hindi ko magawa, nang makawala siya mula sa pagkakatali ko sa kanya...

...Siya naman ang bumugbog sa akin, pero buti na lang nakawala ako, kaya ako nandito, nang Makita ko si Jonalyn, hindi na ako nagdalawang isip na lapitan siya, alam ko na hindi niyo na ako dapat pagkatiwalaan, pero maniwala naman kayo sa sinasabi ko."

"Paano kami maniniwala kung minsan ka nang nag-sinungaling?" Rinz.

"Nasa sa inyo na iyon, basta sinabi ko na ang dapat kong sabihin, habang may oras pa, umalis na rin kayo dito, p-pero Yanhur, Hera, kailangan ko kayong maka-usap mamaya, kayong dalawa lang." nagkatinginan naman kami ni Hera, tapos ay tumango siya kay Leii.

"Siguraduhin mo lang na hindi kasinungalingan ang sasabihin mo." Tumango naman si Leii.

"Alam mo Leii, ang mabuti pa, kumain ka na lang muna, masyado kang pagod, kailangan mong magpalakas." Jonalyn, tumango naman sa kanya si Leii.

"S-Salamat."

Sabay-sabay kaming kumain ng tanghalian, nang matapos kami ay pinag-pahinga muna naming si Leii at nagkwentuhan na lang kami sa may Terrace ng apartment ni Jonalyn.

"Sa tingin niyo totoo ang sinabi ni Leii?" Tanong sa amin ni Vee.

"Parang nagsasabi naman siya ng totoo eh." Jm

"Mahirap sabihin lalo na kung nagsinungaling na siya ng minsan, basta huwag na muna kayong magtiwala." Aljon

"Alam naman naming yun eh, lalo na hindi biro ang sitwasyon, alam naman naming na hindi dapat magtiwala kahit kanino." Rinz.

"Pero paano kung tama nga ang sinabi niya?" Hera.

"Malalaman din naman natin." Vee

"Eh anong  balak natin ngayon? Itawag na kaya natin sa mga pulis?" Jm

"Huwag na muna, alam ko naman na magagamit pa natin siya eh, alam ko na madami siyang alam." Tumango-tango si Jm sa sinabi ko.

"Sige, doon na muna ako sa kwarto at itutuloy ko yung  manuscript na ginagawa ko, kesa naman wala akong gawin dito diba?" wika ko.

"Bilib talaga ako sa'yo, ganito na nga ang sitwasyon, nakukuha mo paring mag-trabaho." Vee.

"Mas bumilib ka kay Al-j, natapos nga niya yung sa kanya ng ilang araw ng diba?" bigla namang tumahimik si Vee sa sinagot ni Jm "I-I mean, Joke." Tumawa naman ng pilit si Jm sa sariling biro.

Iniwan ko na silang nag-kwe-kwentuhan, tumuloy muna ako sa kusina at kumuha ng tubig, nang maka-akyat na ako sa hagdan ay nadaanan ko ang kwarto ng mga babae, sinilip ko muna si Leii, mahimbing siyang natutulog.

Wala naman sigurong masama kung bibigyan ko siya ng isa pang chance, basta alam ko na ang gagawin ko, hindi na ako tatanggap ng kahit na anong bagay na galing sa kanya. Pagkatapos ko siyang tignan ay tumuloy na ako sa kwarto naming.

Dinala ko ang isang baso ng tubig sa may lamisita at binuksan ang laptop ko. Gaya ng sinabi ko, ipinagpatuloy ko na ang ginagawa ko. Bilib ako kay Al-j dahil nagawa niyang bigyan ng kwento ang buhay naming na mangyayari pa lang, siguro naman kaya ko rin iyon basta ba pag-iisipan ko ng mabuti ang bawat detalye ng kwentong gagawin ko.

Midnightmare (Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon