-Twenty Eight-

8.1K 118 9
                                        

-Twenty Eight-

I Miss You Too?

Nam's POV

"Whoooah! Sa wakas dismissal na rin."- sabi ko sa sarili ko. Tumayo na ako at inayos ang gamit ko.

Sa wakas makakapag-pahinga na rin ako. Kapagod talaga yung PE namin kanina. Pinatakbo ba naman kami ng 3 beses sa quadrangle. Ang init pa nun, para tuloy kaming binilad. Pinapahirapan talaga kami nung teacher na yun >___<. Ano yun favoritism? Hmmp! Maka-uwi na nga lang.

Inamoy ko pa ang sarili ko. "Buti naman medyo mabango pa ako."

Mahirap na, baka mamaya may maka-amoy sakin or aamoy sakin.

Kahiya-hiya kung amoy pawis ako.

"Nam! Gusto mo sumabay samin ni Kevin? Uuwi na rin naman ako."- biglang tanong sakin ni Nem habang lumalapit. Napatingin naman ako sa kasama nya. "Hindi na Nem, may kailangan pa naman akong daanan. Next time nalang, sige alis na ako."

Bago pa man sila magsalita, umalis na ako. Iiwas nalang muna siguro ako kay Nem lalo na kay Kevin. Gusto ko na rin makalimot. Pero parang this past few days, medyo nababawasan na rin ang sakit.

Nagsimula na akong maglakad palabas ng Woon High. Kung napapansin nyo kung bakit hindi ko kasama si Hanna, kasama nya yung Ian. Hahaha! Lagi kasi si Hanna-ng kinukulit. Siguro talagang tinamaan na yun sa bestfriend ko. Maganda naman si Hanna, mabait, masayang kasama at higit sa lahat sobrang lakas ng boses. Hindi na ako magtataka kung mabingi nalang bigla si Ian :P.

Mas pinili kong maglakad nalang. Baka kasi kapag nagpasundo pa ako kay manong, baka magtaka si Nem kung bakit ang bilis ko namang maka-uwi.

*Lakad*

*Lakad*

Parang feeling ko may sumusunod sakin. Waaaaaaahh~ ang creepy naman T____T. Binilisan ko pang maglakad. Baka mamaya kung anong gawin ng stalker ko na ito sa'kin, mahirap na! Pinigilan ko ang sarili ko na tumingin sa likod ko.

*Lakad*

Waaaaaahh~ parang mas lalong sumusunod sakin. Baka mamaya rapist 'to!

Naku >___<

*Lakad*

*Lak--*

Sandali akong tumigil. Waaaaaah~ T___T. Sino ba kasi 'tong sumusunod sa akin? Huminga ako ng malalim.

*inhale*

*exhale*

Kaya mo yan Nam!

Hinanda ko ang sarili ko. Oo, kailangan kong malaman kung sino ba tong stalker ko.

*1*

*2*

T____T

*3*

Agad akong humarap at nagulat nalang ako sa nakita ko.

"JI??!!!"

Naguguluhan ako sa kanya. Tss, tumago pa sya -___- eh halata na namang nakita ko na sya. Napa-iling nalang ako.

Lumapit ako sa kanya. Halata naman sa kanya, na parang nahihiya sya.

Jusko! Si Ji lang pala yung sumusunod sakin akala ko talaga rapist or ano pa man.

"Hehehe..."

"Hoy! Bakit mo ako sinusundan? May kailangan ka Ji?"- tanong ko sa kanya.

My Prince Is A Gangster?! [COMPLETED]Where stories live. Discover now