Chapter Thirty - Jedena

Start from the beginning
                                    

"Kasi ako okay ako sa dalawa, lalo na yung pangalawa."

"Gago kasi!" Irita kong sigaw sakanya habang tumatayo. E syempre maliligo nalang ako kesa siya pa magpaligo sakin no! Sino ba namang tanga hahayaang mangyari yun lalo pa't certified manyakis to. Naalala ko nanaman yung time na hinalikan niya ako sa balikat--

"Aray!" Reklamo niya pagkatapos ko siyang paluin gamit ang twalya. "Para san yon?!"

"Manyakis ka, manyak!" Tumatawa kong sigaw sakanya tapos ay agad akong tumakbo papuntang CR at ini-lock ang pinto nang makita ko siyang tumayo at akmang hahabulin ako. Tumatawa ako napasandal sa pinto at pinakinggan ang mga sinasabi ni Jed.

"Manyak na kasi, ayos lang ikaw rin naman minamanyak ko."

G*go to the trillionth power.

-

"Ang cliche mo!" Yan ang mga salitang agad na lumabas mula sa bibig ko pagkababa na pagkababa ko ng sasakyan niya. Seriously? "Mall talaga? Mall? Wala na bang bago?"

"Arte mo, ulul." Sabi niya sabay hatak sa kamay ko papasok. Tipong dumaan ako sa male lane sa may entrance. Tama yan, aso kasi ako. -____- Hila lang sige, bili tayong dog tag mamaya para mas easy. Tch.

Talagang nakakalimutan nitong Jed na to na babae ako e no? Sus.

"Ano ba kasing gagawin natin dito? Magsh-shopping ka ganon? Grocery?" I imaptiently asked. Pero hindi siya sumagot, dumire-diretso lang kami sa mga bags section ng department store, pumunta dun sa maraming maleta, "Para saan yan?"

"Sa kabaliwan mamaya." Napangiti siya ng sabihin niya yun. Kinuha niya yung metallic luggage, yung parang lalagyan ng crayons ng mga bata, basta hindi yung tela tapos trolley siya. Pumunta sa cashier at binayaran ito.


"Nagsasayang ka ng pera!" Madrama kong sigaw na agad niyang natunugan na nagbibiro lang ako.

"Sira." Tuatawang sambit niya.

-

"Ano nga kasing gagawin natin sa mga to?" Patukoy ko sa maleta niya at maleta ko na pinaparada namin ngayon sa mall. Ang lalaki ng ga hakbang niya, kaya napapatakbo na ko para mapantayan siya.

Patuloy lang kaming naglakad hanggang sa mapadpad kami sa foodcourt, marami-rami nga yung mga tao e. "Bakit ba tayo nandito?"

"Sumakay ka nalang ah?" Nakangiti niyang sabi.

Athena: The Goddess of ViolenceWhere stories live. Discover now