Chapter 12 : No Way In Hell

Magsimula sa umpisa
                                    



Napabuntong hininga na lang ako at napahawak sa sentido ko. Napapikit na lang din ako nang dahil sa mga nangyayari na ito. Valor, please be safe. Hindi ko alam kung paano ako hihingi ng tawad sa nanay mo kapag nagkaroon ka ni isang galos!  




"Auntie? Tita Rennei!" mabilis akong napadilat nang marinig ko ang boses na iyon. Napaayos ako ng tayo at hindi na ininda ang matataas na heels na suot ko para lang makalabas ng kwarto ni Spade. 



Pagkalabas ko ay napatingin ako sa may kanan ko kung saan nagmumula ang ilang yabag ng mga paa ng isang tao. Ninenerbyos kong inabangan kung kanino talaga nanggagaling ang pamilyar na boses na iyon. 



At laking gulat at tuwa ko nang makita ko ang maaliwalas niyang mukha habang tumatakbo papalapit sa akin. Tila ba nawala lahat ng pag-aalala ko nang masilayan ko ang nakasisilaw niyang ngiti at mga makikinang na mga mata. Mga matang katulad na katulad ng sa kanyang ina. Mga matang may sulyap ng pag-asa. 



"Valor!" nasabi ko na lang nang mayakap ko na siya ng mahigpit. Nawala na ang lahat ng pangangamba ko na maaari siyang mapahamak dahil ngayon ay damang dama ko ang presensya niya. Thank you, God for saving him! 



Hinaplos haplos ko pa nga ang likod at ang buhok niya dahil hindi pa ako masyadong nakakarecover sa matinding pag-aalala sa pagkawala niya. "Auntie, hindi po ako m-makahinga." dali dali ko naman siyang pinakawalan at saka ko lang rin naalala na check-upin kung may mga sugat ba siya kung may masakit ba sa kanya. 



"Saan ka ba nagpunta ha? May dumukot ba sa'yo? Anong itsura nila? Nasaktan ka ba? May sugat ka ba? Sinaktan ka ba nila? Anong ginawa nila sa'yo? Paano ka nakauwi?" walang tigil kong pagbato ng tanong sa kanya. 



"Wait, auntie. Easy ka lang po. Okay naman po ako." paninigurado niya sa akin at kinurot kurot pa niya ang pisngi ko at inayos pa niya ang nakakunot kong noo. Aww, can't you stop being cute? Argh. 



Sunod ko namang narinig na ang mga nag-uunahang mga paa sa likuran ko. 



"Valor! You're here! Thank God!" 

"Young master! What happened?" 

"Master Valor! Saan po ba kayo nagpunta!?"



Mga wika nila. Muli kong tiningnan ang batang nasa harapan ko at nakita ko siyang napatahimik bigla. Napayuko siya at unti unting sumiksik papaakap sa akin. Mabilis namang dumako ang mga mata ko sa taong nasa tabi ko. It's his father. 



"Valor, come here." saad ni Spade sa bata ngunit pilit na tinatago ng paslit ang kanyang mukha sa leeg ko. You can't blame the child for it. Lumaki siya na wala ang pag-aaruga ng isang ama at ina. 

Mhorfell Academy and The Onyx Blood Disease (Published under PSICOM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon