"Explain? Kitang-kita ng dalawa kong mga mata na hinalikan mo ang lalaking 'yun! You're gay! You're a Fucking faggot!" May galit sa boses ng babae.

Aalis na sana ako dahil hindi ko naman ugaling makinig sa usapan ng iba nang biglang magsalita si Heaven.

"Hindi ako yung bakla. Yung lalaking yun ang bakla. Please baby.. Ayusin natin 'to. Alam kong mahal mo pa rin ako." May pakikiusap sa boses ni Heaven.

Yung lalaking yun ang bakla.

Hindi ako bakla! Hindi ako bakla!

Pero bakit ganito ang nararamdaman ko? Hindi ako nasasaktan sa mga salitang yun. Nasasaktan ako kasi mula kay Heaven ang mga salitang yun.

Siya ang unang humalik sa akin. Siya ang unang nagsabi na boyfriend niya ako. At muntik pang may nangyari sa amin.

Ngayon sino sa aming dalawa ang bakla?!

"No.. Hindi na kita mahal King. Hindi na kita mahal." Sabi ni Neixy.

Hindi ko alam kung anong sumunod na nangyari. Ang alam ko lang ay biglang bumukas ang pinto. Napahinto pa ang babae sa harapan ko.

"Oh! Here you are." Nakangising sabi niya. Tiningnan niya pa ako mula ulo hanggang paa. "Sinusundo ka na ng sweetheart mo King." Baling niya kay Heaven.

Lumabas naman si Heaven. Magkadikit ang mga kilay niya na nakatingin sa akin. Hindi ko alam, pero nakaramdam ako ng kaba lalo na nang magsalita siya.

"Anong ginagawa mo dito?" Tanong niya. Hindi ko alam kung galit siya o ano.

"Aalis na ako."

Napatingin na lang ako kay Neixy. Nakita ko sa mga mata niya ang lungkot. Sinundan ko pa siya nang tingin hanggang sa makalabas siya ng lumang building.

"Anong ginagawa mo dito?" Tanong na naman ni Heaven. Hinawakan pa niya ako sa braso.

"Bitiwan mo nga ako! Kung inaakala mo sinusundan kita pwes nagkakamali ka! Nandito ako dahil sa pusa! Kaya pwedi ba bitiwan mo ako." Galit na sabi ko sa kanya. Pilit ko naman tinatanggal ang kamay niyang nakahawak sa braso ko.

Mas lalo niya pang hinigpitan ang pagkakahawak kaya napingiwi ako dahil sa sakit. Hinila niya pa ako kaya nagkadikit ang mga katawan namin. Napaangat ako ng ulo dahil mas matangkad siya sa akin ng konti. Naaamoy ko ang mabango niyang hininga.

"At sa tingin mo maniniwala ako?!"

"Hindi ko sinabing maniwala ka! Bitiwan mo nga ako nasasaktan ako." Bulyaw ko sa kanya. Pero mas lalo pa niyang hinigpitan ang pagkakahawak.

"It's all your fault!" May diin sa boses niya.

Oh! here we are again! Bakit ba lagi ako ang sinisisi niya?

Magsasalita na sana ako ng may biglang magsalita.

"Anong nangyayari dito?" Sabay pa kami ni Heaven na napatingin sa lalaking naglalakad palapit sa amin.

Akala ko bibitiwan na ako ni Heaven pero hindi pala. Kaya tumingin ako sa gwapong lalaking nasa harapan ko na may 'humihingi nang tulong' sa mga mata.

Hinawakan ako sa kamay ni Lucas at hinila palapit sa kanya kaya nabitawan ako ni Heaven. Magpapasalamat na sana ako kay Lucas nang bigla na namang hawakan ni Heaven ang isa kong kamay.

"Ano bang problema mo?" Inis kong tanong sa kanya. Tinaasan niya lang ako ng kilay. Ang mga mata naman niya ay parang nananakot kaya tumahimik na lang ako.

"Bitiwan mo siya." Seryosong sabi nito kay Lucas. Tinitigan lang ito ni Lucas, ngumiti pa nga ito sa kanya.

"Bitiwan mo rin siya." Ang kaninang nakangiting si Lucas ay naging seryoso. Hindi ko alam kung sino sa kanila ang titingnan ko. Pareho na kasi silang nakakatakot tingnan.

God! Ano bang nangyayari?!

Hinawakan ni Heaven ang kamay ni Lucas nang nakangisi at dahan-dahan niya itong tinatanggal sa pagkakahawak sa akin.

"Bakit ko naman bibitiwan ang boyfriend ko?" May diin pa ang pagkasabi niya sa salitang 'boyfriend'

Magsasalita na sana ako nang bigla na lamang akong kargahin ni Heaven. Bridal Style.

Nakita ko ang pagkunot ng noo ni Lucas. Nakita ko rin ang galit sa kanyang mga mata habang nakatingin kay Heaven.

"Don't you ever touched him...again..! Dahil sinisiguro ko sa 'yo na puputulin ko ang mga daliri sa kamay mo at ipapakain sa alaga kong mga piranha." Nanlilisik ang mga mata ni Heaven sa kanya.

Bigla tuloy nagsitayuan ang mga balahibo sa katawan ko. Naiisip ko pa lang na gagawin yun ni Heaven nasusuka na ako. Pa'no nalang kaya kung nakita ko?

Kaya nga ba talagang gawin yun ni Heaven?

Bigla akong napalunok ng laway nang mapansin kong nakatingin siya sa akin.

Natatakot na ako sa lalaking 'to!

"You! Kapag nagpahawak ka pa sa kahit na sino sisiguraduhin kong magsisisi ka." Seryosong sabi niya at may diin sa bawat pagbigkas niya ng mga salita. Sa pangalawang pagkakataon napalunok na naman ako.

God! Paano ko ba nakilala ang lalaking 'to?

Naglakad na siya na karga pa rin ako. Napatingin ako kay Lucas. Nakita ko sa mukha nito ang galit at lungkot. Hindi ko alam, pero parang may mali rin sa mga ikinikilos at pinapakita nito sa akin.

Napatingin naman ako kay Heaven. Napakaseryoso ng mukha niya habang naglalakad. Ang gwapo niyang tingnan pero nakakatakot naman siya.

"I-iba---ba m-mo a---ako." Nauutal kong sabi. Sobra kasing lakas nang kaba ko. Natatakot akong magsalita dahil baka kainin niya ako ng buhay.

Parang hindi man lang niya ako narinig dahil nagpatuloy pa rin siya sa paglakad. Magsasalita na sana ako ng bigla namang nagsalita si Lucas.

----

Pinahirapan ako ng chapter na'to!

Twisted RevengeWhere stories live. Discover now