Bumalik ang aking mga mata kay Kyo. Si Kyo na ngayon ay hindi pa rin kumakalas ang mga mata sa akin. Na dahilan kung bakit nahihirapan na naman akong huminga nang maayos. Damn! I hate him when he's staring at me. Walang emosyon ang kanyang mukha pero ginugulo ng bughaw nyang mga mata ang aking sistema!

I should think wisely. If I say 'no' ay hindi ko sya makakasama. Hindi ko sya masasaktan at mahihirapan akong makaganti sa kanya. So, I closed my eyes as I caught my breath.

It took me a while before my lips moved to speak. "I-if he's in to you..."

I bit my lip.

"And so to me..."

...


"So, he's in." Wika ni Rom matapos umupo sa harapan ng mesang salamin. Si Kyo Montenegro ang tinutukoy nya.

Tumango ako habang nakatanaw sa glass wall. May hawak akong kopita, at nakasandal katabi ang kurtina. Narito kami sa condo na binili lang namin kanina. Malapit ito kaysa sa mansion ni Rom dito sa Manila. Naisipan lang namin na bilhin ito upang mas mapalapit ako sa Black Box Building kung saan naroon ang studio ng BOS.

"But we have a bigger fish to fry." Pagpapatuloy ni Rom.

Si Ybarra tiyak ang tinutukoy niya. Ang sabi niya kasi sa akin ay wala nang kapangyarihan si Kyo na tulad ng isang Montenegro. Sigurado akong ang gusto niyang pagtuunan namin ng pansin ay ang lord ng mafia na umampon sa kanila— iyon nga, si Don Ybarra Montenegro.


Wawasakin ko ang matandang iyon. Sisiguraduhin ko na gagapang siya sa bubog na may barbed wire, matutulis na bato at thumbtacks.


Lumapit sya sa akin at mula sa likuran ay niyakap nya ako. "Take some rest, Erika. You cannot fight without strength."

Napalunok ako. Bakit ba parang naiilang ako sa tuwing yayakapin nya ako? Kunwari ay bigla akong nagutom. Sinapo ko ang aking tiyan at pasimpleng lumayo sa kanya.

Tinungo ko ang refrigerator. "'Kagutom... wala bang stocks dito?"

"I can cook, if you want?"

Shit! Wrong move! As in very wrong!

Todo iling ako. "Hindi na, kakahiya naman. Kakain na lang ako sa labas."

Lumapit muli sya sa akin at humawak sa aking mga kamay. "I insist."

"I wish you didn't exist."

"Ha?"

Nabatukan ko ang aking sarili. "I mean... I'm lucky you exist."

"Really?"

No, not really.

Pinaliit ko ang aking boses. "Sa kusina ka na, dali!"

Napahalakhak naman sya bago tinungo ang kusina. Habang nagluluto sya ay marahan akong lumabas. Dali akong sumakay ng elevator hanggang sa makababa sa parking lot. Plano kong maghanap ng restaurant na pinakamalapit. Kailangan ko lang kasing mag-unwind pansamantala bago ko harapin ang lulutuing putahe ni Rom.

Akma ko pa lang bubuksan ang aking kotse nang mapaatras ako. Para kasing may tao sa loob.

"S-sino yan?" tanong ko at pilit inaaninag mula sa medyo tinted nitong salamin kung sino ang nasa loob. Paano nito nabuksan ang lock na hindi tumutunog ang alarm?!

Bumukas ang pinto ng kotse at ganoon na lang ang aking pagkatigagal sa lalaking umibis mula rito. Naamoy ko agad ang mabango nyang amoy na pamilyar sa akin. Lalo ko syang nakilala nang magtama ang kapwa asul naming mga mata.

Love Me HarderTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon