"You're so sweet..." kandangiwing sabi ko. Pagkuwan ay kinagat ko iyon at nginuya nang mabilis.Shit! Ang pait!

Sinilip niya ako sa mukha nang may ngiti sa mga labi. "You like it?"

Sinuntok ko siya sa braso. "You. Are. So... incredible!"

He bowed his head and he looked so proud. "Thank you."

Tsk. Kung alam mo lang! Gusto ko nang ipalunok sa 'yo tong buong bandehado!

"Oh, by the way I have a surprise for you."

Sa ilalim ng tray ay may hinugot siyang maliit na envelope mula sa kanyang likod. Iniabot niya iyon sa akin.

"It's time..." makahulugan niyang bigkas.

Nanginginig ang kamay na tinanggap ko ang inaabot niya. "A-ano ito?"

"That's your first mission, Erika."

"Ha?"

Binaha ng sangkatutak na kaba ang dibdib ko. Nakakagulat although namention na niya sa akin na darating ang araw na ito kung saan kakailanganin ko nang lumabas dito sa laboratory upang gampanan ang misyon na maging si Erika Montenegro.

At para gawin na rin ang aking papel sa "plano" naming dalawa.

"You're going for an audition tomorrow."

"Audition?" Nang tingnan ko ang black card na nasa loob ng maliit envelope ay napanganga ako.

"Terrence Montemayor-Saavedra pulled himself out of the band. The Black Omega Society Band is now looking for his replacement." Lumapit siya sa akin at kinuha niya ang aking kamay.

Marahan niya akong hinila sanhi para mapatayo ako. Idinikit niya ang kanyang katawan sa akin para isayaw ako.

"And I want you to be their new one. I want you to be the new lead vocalist of the band."

...

KANINA pa ako nangangawit kakatitig dito sa poster ng Black Omega Society Band. Wala naman kasi akong ibang pagkalibangan kundi ito. Mantakin ba namang kanina pa ako nakapila rito for an audition.

Yes, ito ang "Search for the Black Omega Society Band New Vocalist" na sinasabi ni Rom. Ito ang aking first mission as Erika Montenegro. Ito rin ang first step para sa matagal naming plinanong paghihiganti. Paghihiganti sa mga taong dahilan kung bakit kami miserable. 

Isa itong natatanging pagkakataon na hinding-hindi ko sasayangin. Kaya nga ito, mag-a-audition na ako.

First time kong makalabas sa laboratory building after kong magising from coma. Okay na ang mga results ko at natapos ko na ang physical therapies. Maging ang self improvement and elite etiquette studies ay natapos ko na rin. 

I am now ready to be Erika Montenegro. Ito na ang time para simulan ang mga pano namin ni Rom.

...

Narito ako ngayon sa ground floor ng Black Box building, ang building ng Black Omega Society. Isang high-tech na gusali na gawa yata sa pilak sa sobrang kintab.

Naisip ko lang, bakit hindi na lang Silver Box kaysa Black Box ang itawag dito? Minsan ang we-weird talaga mag-isip ng mga tao!

At hindi ko rin akalain na ganito karami ang gustong maging bagong member ng grupo.Ang haba ng pila. Imagine kanina pa ako ritong four am pero nandito pa rin ako sa ground floor hanggang ngayong five am! Gosh, nakakangawit ng singit! Kung hindi nga lang malakas ang AC dito ay baka basa na ngayon ang kilikili ko!

Love Me HarderTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon