All this time iniinda parin pala niya yung pagkamatay ng parents niya. All this time akala ko peaceful na siya at kalmado. All this time akala ko masaya na siya.
Hindi pa pala.
Pero bakit si Jed yung sinabihan niya? Bakit siya yung mas pinagkatiwalaan?
"Cynthia.."
Tumingin ako sakanya. Bakas sa mukha ni Jiro ang gulat, pagtataka, lahat na. Kinakabahan ako sa itatanong niya. Anong isasagot ko? E halos wala akong alam, anong irereact ko? Parehas lang naman kaming in schock.
"Ikaw ba si Soft Kill?" Tanong niya na sobrang ikinagulat ko.
Sh*t, nakalimutan ko.
Nagpakilala na si Athena bilang si Vio, natural na paghinalaan din ako. Sa buong pagsasama namin ni Jiro, iniinda ko to. Natatakot akong dumating yung panahon na maglalaban kami sa arena, tapos hindi niya alam na ako yung kinakalaban niya. Pero hindi na ata mangyayari yun. Matutuwa ba ako? Ano ba dapat kong maramdaman ngayong bistado narin ako?
"Gangster ka? Deliquent ka din? So ikaw nga yun? Yung nasa bar noon? Ikaw ba yon? Hindi, alam ko na ngayong ikaw yun. Alam ko yung mga labi mo, pero yung 'inakala' kong personalidad mo yung naghahadlang sakin para makasigurado, pero ngayon tama na pala hinala ko." Sabi niya. Bakit hindi ko siya mabasa? Galit ba siya?
Hindi ako nagsalita.
Nagbuntonghininga siya tapos naglakad papunta kay Kurt, "Kurt, pare, ayos ka lang?"
Matagal bago magsalita si Kurt. "Pre, bakit? Hindi ko alam yung mararamdaman ko. Para ngang wala na kong pakiramdam e."
![](https://img.wattpad.com/cover/1825516-288-k573058.jpg)
BINABASA MO ANG
Athena: The Goddess of Violence
Action**COMPLETED*** /// WROTE THIS DURING MY THIRD YEAR IN HIGH SCHOOL SO PLEASE DO NOT JUDGE /// She was said to be cold and violent. Athena Crissanta Ertude is a troubled girl. Her parents were killed right in front of her when she was just nine years...
Chapter Twenty Nine - Bitter Sweet Goodbyes
Magsimula sa umpisa