Siguro ito nga talaga ang sadya ni Kyo rito, ang kausapin ang kapatid niya. Isinama lang niya ako.

Gustuhin ko mang lingunin ang dalawa ngunit hindi ko na nagawa. The guy Lander creeped me out. Para syang katawan ng isang bata na sinaniban ni Ybarra.

Dumiretso ako sa tahimik na hallway. Parang palasyo talaga ang datingan ng mansiyon na ito kaya na-enjoy ko ang trip to the kitchen. In fairness, hindi ako nabore.

Natanaw ko agad ang isang batang babae na nakaupo sa mesa pagpasok ko sa isang malaki at marangyang kusina sa dulo ng hallway. Nakatalikod ito sa akin kaya hindi ko makita ang mukha. Naka-dress ito na kulay itim.

Maiksi ang buhok nito at itim na itim na tulad ng sa akin. May hawak itong manika. Hindi ko mawari kung bakit nalilibang akong pagmasdan ang batang ito habang payapang naglalaro.

Noong una ay malambing ito sa laruan ngunit kalaunan ay pinilipit nito ang leeg ng manika.

Naramdamam yata nito ang aking presensya kaya nilingon ako. Sa tancha ko ay kasing-edad nya si baby Quiro. At tulad ng inaasahan ko, taglay rin nito ang mga matang tinataglay ng isang Montenegro. Ewan pero tila ba may humaplos sa puso ko nang magtama ang mga mata namin.

Her face... sobrang pamilyar nito sa akin.

"Who are you?" tanong nyang nakataas ang isang kilay.

Ano bang meron sa mga batang Montenegro at ganito magsalita?

Tumikhim ako. "I-ikaw ba si Kia?"

"Yeah, and the hell you care?"

Grrrrrr! Bata pa lang maldita na!

Teka nga at malapitan.

"Ang cute mo naman." Pasimple ko sana siyang kukutusan.

Subalit hindi pa man lumalapat ang aking kamao sa kanyang ulo ay nasalo nya ang pulso ko.

"Touch me and I'll kill you."

OMG! What happened to the Montenegro World?!

Umupo ako sa mesa kaharap nya. Ayaw ko na sana syang kausapin ngunit nalilibang akong titigan ang maganda nyang mukha.

Ang kinis-kinis niya. Ang cute-cute!

"Kapatid ka ba ni Kyo?" though alam ko naman na ampon lang din sya ni Ybarra, kataka-taka lang na hawig ito kay Kyo. "Ako nga pala si—"

"I don't talk to my brother's bitches."

Isa pa. Kaunti na lang at masasabunutan ko na sya!

"Let's go." Boses ni Kyo sa aking likuran.

Lumingon ako.

Tapos na yata sila mag-usap ni Lander. Ang bilis naman!

Tumayo ako at pinagmasdan pa muna ulit si Kia. Bakit ba parang gusto kong yakapin sya bago man lang sana kami umalis.

Ngayon ko lang sya nakilala pero bakit parang mis na mis ko sya?

Siguro ay nangungulila lang ako sa namatay kong anak. Kung buhay pa sana ito ay baka kasing edad niya.

Sa huli ay tumalima na ako kay Kyo. Subalit hindi ko pa rin maiwasang lingunin ang batang babae. Nginitian ko si Kia ngunit inirapan nya lang ako.


...

"M-Montenegro rin ba si Kia? A-ampon din ba siya ni Ybarra?" nag-aalangan kong tanong kay Kyo.


Kanina ko pa iyon gustong itanong sa kanya pero sa sobrang tahimik niya ay hindi ako makakuha ng tyempo. Plus pa na nakakagulat dahil dito niya ako dinala sa tapat ng laboratory building ni Rom. Alam ko ang lugar na ito dahil dito ako ilang beses na pumunta para humingi ng tulong kay Rom. Nakatulog at nakitira na rin ako rito noong mga panahong nangangailangan ako ng lugar na matutuluyan.

Love Me HarderWhere stories live. Discover now