Baka may kalaban sa negosyo. Ganoon naman kasi usual na dahilan ng alitan ng mga mayayaman.

At dahil malapit si Kyo kay Terrence Montemayor-Saavedra na kamag-anak ng batang nawawala ay natural lang na mag-alala rin siya.

Sa klase ng usapan ni Kyo at ng kanyang ama ay pinagbibintangan niya itong si Lander. So, na-picture ko rin sa isip ko na malaking tao ito, may asul ding mga mata at mas mapanganib kaysa kay Ybarra. Sino ba naman kasing magtatangkang kalabanin ang mga Montemayor 'di ba? They are the richest clan na nabubuhay rito sa bansa.

Nagpasya na akong tanungin si Kyo. "S-sino si Lander?" naglakas loob na ako kahit matindi ang tensyon.

Nakatitig lang sya sa kung saan.

Nang sundan kung saan patungo ang mga ito ay natagpuan ko ang isang napakaguwapong batang lalaki na sa tancha ko ay labingtatlo hanggang labinglimang gulang. Nakatayo ito ilang hakbang ang layo sa amin.

"How are you brother?" anito. Taglay nito ang malamig na mga mata tulad nito.

Kyo whispered and gritted his teeth. "Lander."

Napatanga ako. Totoo?! As in ang napakaguwapong binatilyong ito ay si Lander Montenegro? E mukhang ni pumatay ng ipis e hindi nito kayang gawin dahil sa sobrang amo ng mukha nito e. Mangidnap pa kaya? Paano sumagi sa isip ni Kyo na ang nakababatang kapatid niyang ito ang dahilan ng pagkawala ng batang Montemayor?!

Like seriously di talaga ako sure na keribells nitong Lander na ito ang mangidnap. Ang totoy pa nito e. Anong alam ng isang bata sa pangingidnap? 

Napatingin sa akin si Lander. "Hindi sya ang kasamang babae mo noong nakaraang buwan."

May ibang babaeng dinala dito si Kyo noong nakaraang buwan? Ouch, ah!

"The girl had green eyes... and this one has black." Pumaling ang ulo ng binatilyo. "You're being a womanizer, huh?"

Berde ang mga mata? Isa lang ang sumagi sa isip ko. Si ate Rosenda!

Pero syempre e imposible na dalhin ni Kyo si Ate Rosenda rito. Saka hello? Hindi naman close sina Kyo at Ate Rosenda. So baka ibang girl iyong tinutukoy ni Lander. Anyway, kung sino man iyon, sana matapilok siya kung sino man siya.

"Let's talk." Kyo said. "I am here to talk to you."

Napabuga ng hangin si Lander. "What's her name?"

Napakurap ako nang parang may makita akong kakaibang kislap sa asul na mga mata ni Lander. Bakit ganoon? Bakit bigla akong kinilabutan? Parang sa isang iglap, hindi na siya teen-ager kung tumingin? Ang creepy ng pakiramdam!

"Does it matter to you?" Kyo asked.

"Does she to you?"

Is he really a kid? Para syang matured kung magsalita.

Lander grinned. "Kia is in the kitchen."

Sino naman ngayon iyong Kia?

Nag-panicked ako nang matuklasang nakatingin siya sa akin.

"You, Woman," aniya na sa akin nakatutok ang mga mata na mas malamig pa sa yelo. "Leave us for a while."

Kung utusan niya ako ay parang mas matanda siya sa akin.

"Come on. Give us some space," dugtong niya. "Look for Kia."

Kia? Sino ba kasi iyon?!

Kusa namang bumitiw sa akin si Kyo. "The kitchen is in the right corner. Don't talk too much to that brat."

Okay. Gets ko na. Gusto muna nilang puntahan ko iyong Kia sa kitchen para makapag-usap silang magkapatid. Ang hindi ko lang gets ay sino ba iyong Kia? Bakit kailangang bantayan ko iyon? Pero para matapos na, sumunod na lang rin ako sa gusto nila. Pumunta na ako sa kusina.

Love Me HarderWhere stories live. Discover now