Chapter Twenty Eight: Athena is Vio

33.6K 726 74
                                    

"Siraulo ka talagang linuwal e no!! Kaasar ka." Inis kong sabi sakanya.

Tinawanan niya ako, tapos hindi na siya nagsalita ulit. Ang awkward nga e, parang nung isang gabi lang nung nag-away kami, tapos siya naman tong tinakbuhan ko sa pagkakataong ganito. Patawa talaga flow ng pag-iisip ko e no.

"Sorry." Sabay naming sabi.

Pareho din kaming ngumiti. Yun lang. Yun lang ang kailangan para magbati kami.

"Hindi ka na ba talaga papasok sa school?" Tanong ko.

Nagbuntong-hininga siya, "Thene, alam mo namang tuwing exams lang at activities lang kami pumapasok ni Krypt di ba? Hindi na bago sa iba na madalang kaming makita don."

"Pero pwede bang pumasok ka muna? Samahan mo muna ko, please?"

Mukha naman siyang nagulat sa tanong ko. Pero alam ko, na alam niya kung anong nararamdaman ko. "Sige na nga. Hay, busy pa man din ako."

"Speaking of, ano bang pinagkakaabalahan mo?"

He flinched but managed to smile, "Wala. Wala naman."

***

Dumating na rin ang oras nang pagpasok ko ulit. Matapos ang napakaraming texts at missed calls nina Kurt at Cynthia, eto na yung panahon na haharapin ko sila. Nakakainis kasi e, ayaw pa kong sunduin ni Jed, ayan tuloy sa school pa kami magkikita.

Pagbaba ko nang sasakyan, agad kong nakita si Kurt sa entrance. Mukhang naghihintay, pero di ko alam kung sino hinihintay niya.

"Mukhang hinihintay ka ni Carter ah?" Biglang sabi ng kasusulpot na si Jed sa tabi ko.

"Tss. Ewan."

Nagsimula na kaming maglakad, medyo malayo pa sa entrance kaya di pa tanaw ni Kurt.

"Anong balak mo sa tatay niya?" Tanong niya, since naman na nasabi ko na sakanya ang lahat ng nalaman ko mula kay Kurt, alam narin ni Jed ang tungkol sa ama ni Kurt, na siya ngang supremo ng mga Ravens.

"Honestly wala pa. Iisipin ko muna."

"Himala, natutong kang mag-isip bago ka kumilos ah." Bulong niya.

Sinapok ko, "Bumulong ka pa!"

Tinawanan lang niya ako.

"Hinihintay ka nga niya." Sabi ni Jed sa tabi ko.

Pero hindi ko pinansin ang sinabi niya, pinilit kong ifocus yung tingin ko sa daan diretso lang at hindi kay Kurt. Nang malapit na kami sakanya, nakita ko siyang akmang pupunta sakin at magsasalita pero naunahan ko na siya, "Jed, akala ko ba hindi ka pumapasok pag hindi periodicals?"

Athena: The Goddess of ViolenceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon