Chapter 8 : Afraid

Magsimula sa umpisa
                                    



Pag-ibig. Five years ago, this is an impossible word for us. A word which is existing but seems to be nothing inside the four of us. Hindi ko lubos maisip na ngayon ay mababanggit ko ang salitang iyan. Ni hindi rin pumasok sa isip ko na magkakagusto pa ako sa iba. Attraction? Spark? Wala naman talaga 'yan para sa akin noon. It has always been a corny and weird. But when Dash came to my world? Heh, that reaper who brings the mystery and darkness behind him caught my attention. That guy who deserves a loyalty award for his great loyalty and respect to his master to the point that he is willing to sacrifice his life just for her happiness. With that, I was touched. 



Somehow, nagtuloy tuloy na kapag mag-uumpisa siya ng conversation ay tinutugunan ko ito at sa hindi ko malamang dahilan ay may kung anu-anong mga bagong topic ang lumalabas sa bibig ko. Kaya nga ngayon, text buddies kami. We can't talk a lot in front of others dahil umiiwas kami sa mga issue na pwede nilang gawin. I don't know if he feels the same way for me. And I'm not expecting much. Actually, I am hoping that he's not feeling the same way. Why? 



I remember one thing from Fiacre's speech that night. He said that Skyzzer Yuan Sanchez is so precious, she doesn't want to hurt him from the secrets were keeping. Siyempre nasabi niya ito nang lumabas si Alex para umihi dahil hanggang ngayon, kailangan pa rin naming itago ang nalalaman namin. Even me, I'm scared that I might hurt him when he finds out. I'm afraid that he'll blame me for not telling him. I'm afraid that he'll feel betrayed.



"Aww, bakit ka nagdadrama diyan?" napairap na lang ako nang ma-identify ko kung sino ang taong parang hangin kung makaentrang moment. 



"Kanina ka pa ba diyan?" I asked. Itinapon ko na lang ang wine glass ko sa may damuhang nasa ibaba at saka ko siya dinaluhan ng tingin. 



I found him trying to do the same pose that I'm in on the other side of this balcony. I can't help but to smirk. Parehang pareha talaga sila ng ugali ni Alex. 



"May thirty minutes lang ako rito ngayon kaya mamaya paki-sabi na lang kay Fiacre na congratulations at may matino na siyang boyfriend. So, ikaw. Ano ang drama mo ngayon? Ang Onyx Council ba?" he questioned. 



Umalis ako sa pagkakapwesto ko sa may mga railings at tumayo na lang ako habang nakapasandal sa may katabing pader. Hindi ko maiwasan na mapabuntong hininga muli. Isa pa 'yang problema na 'yan. "Well, isa 'yan sa mga iniintindi ko ngayon. I am thinking if we can confront the Onyx Council. You told me that they are powerful and influential. How can I not be bothered?" I replied. Pinag-ekis ko ang dalawang braso ko at tinitigan siya habang prenteng nakatingin lamang siya sa kalangitan. 



"Dereen, ilang buwan na lang, magkakaroon na ako ng pamangkin. Mas natatakot ako sa kinabukasang meron siya. Araw-araw, wala akong pakialam kahit magkanda kuba kuba ako basta makakuha lang ako ng impormasyon tungkol sa council. Ilang beses na ako muntik na maatake ng kung sinu-sino pero ayos lang. Kahit sa ganitong kaliit na paraan, mafulfill ko ang responsibility ko bilang isang Cromello at Dela Vega. Ayokong isipin na balang araw ay lumaki ang batang iyon ng walang ina. Hindi ko gustong maranasan niya ang mawalan ng magulang, ang hindi makilala ang sariling ina. At mas lalong natatakot ako na balang araw ay hindi rin siya makilala ng sarili niyang ina." 



Napayuko ako nang makita kong may lumabas na luha sa mata niya. Ayaw niyang maranasan ng magiging pamangkin niya ang naranasan niya. Naiintindihan ko naman siya. Masakit ang hindi makilala ng sarili mong ina na siyang taong nagluwal sa iyo sa magulong mundong ito. Bakit kasi kung kailan ayos na ang lahat ay may laging darating na problema para guluhin ang mga nakaayos na. 



"I want to tell you something." Muli akong nag-angat ng tingin sa kanya. Sa mga oras na ito ay nakatitig na siya sa akin kahit na ba luhaan pa rin ang mga mata niya. 



"Nitong nakaraan, napag-alaman ko na ..." 



"Na ano?" 









"Na buhay pa si Herman Morleen. He is a part of the Onyx Council."





****

A/N: Waaaaah another revelation! Bakit ko po medyo minamadali ang time? Well, kapag dumating na tayo sa mga bandang Chapter 10 or 11 ay babalik na tayo sa settings na 17 years later. Medyo nag-iingat ako sa pagnanarrate ng ibang dapat niyong malaman dahil nga may ten chapters lang ako tapos kailangan ko pa i-explain sa inyo 'yung dapat na i-eexplain ko sa special chapters sana. Ang mas nagpahirap pa is 'yung dapat ko haluan ng issues na mangyayari at madidiscuss 17 years later so please understand kung bakit natagalan ako ng kaunti dito :) Bawat detalye nilalagay ko para hindi niyo mafeel na kulang kayo sa information. At least ngayon, alam niyo na 'yung kung paano nangyari 'yung kay Rennei, Dereen, at Fiacre. Balak kong ibigay kay Fiacre ang next chapter para i-sum up na lahat ng love stories nila at para na rin sa birth ni baby Alexei! Kaya abangan ang next update! Sali na rin kayo sa facebook group! Parami na kami ng parami kaya 'wag ng magpahuli sa mga updates! Thank you for all the votes, comments, and posts, my reapers! Lahat kayo, awesome! God bless guys!


Mhorfell Academy and The Onyx Blood Disease (Published under PSICOM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon