SL7

3.7K 63 0
                                        

Pinagpatuloy ko ang pakikipagkita ng patago kay Kage kahit na pinagbantaan na ako ng kanyang kapatid. For me, I'm not doing anything wrong. It was an accident that was made into a big deal. Biktima lang din ako ng sitwasyon. Now what's more important for me is to pass this subject. Hindi ko isasantabi ang project na ito para lamang paunlakan ang kapatid ni Kage na layuan ko ang Kuya niya. I won't sacrifice my own success for them.

"You sleepy?" Tanong ni Kage nang mahuli akong humihikab na naman. Tumango ako habang kinukusot ang mata sa mga luhang namuo.

"Apat na oras lang ata tulog ko." Kwento ko sa kanya. Doble ang pagod ko ngayon dahil kakatapos lamang ng midterm exams. Bukod sa pag-aaral para sa sarili kong exams ay busy din sa trabaho dahil sa marami ang nagcecelebrate na mga estudyante. Ngayon ko pinagsisisihan kung bakit ito pa ang nakuha kong trabaho. Noong una ay magaan pa ngunit habang tumatagal ay doon ko nakikitang hindi ito nakakabuti.

"Why?" Nasa tono nito ang kuryosidad. Sasagot na sana ako nang matigilan sa narinig na mga boses. Nanlalaki ang mata ko habang natataranta sa pagdampot ng mga gamit. Kailangan naming umalis ngayon na para hindi makita ng mga taong parating.

Tumayo na ako at tumakbo paalis doon gamit ang kabilang daan na medyo masikip.

"Dalian mo!" Pasigaw na bulong ko dito nang makitang para lamang itong namamasyal kung maglakad. Ang sarap niyang hilahin! Ang labas pala noong sinuotan naming daan ay malapit na sa gate 6 ng eskwelahan. Naisip kong lumabas nalang ng school para ay mas safe.

"Why did we run?" Pumikit ako sa naging tanong niya. Oo nga pala. Hindi niya alam na nagtatago kami para hindi makita ng mga tao.

"Uhm...nagpapaalis lang ako ng antok. Exercise, ganon." Tumawa ako ng pilit. Ayan na naman ang tingin niya sa aking seryoso at parang naweweirduhan. Umiwas ako ng tingin habang nag-iinit ang mukha.

"So, where are we going?" Nagpapalinga-linga siya sa kalsadang dinadaanan namin. Nauuna ako ng kaunti sa paglalakad dahil maging ako ay naghahanap ng mapupuntahan.

Huminga ako ng malalim. "Hindi ko din alam." Pag-amin ko nang wala akong makita kundi hanay ng mga karinderya o kaya ay bahay na may kung anu-anong paninda. Ito ang parte na puro kabahayan at wala na masyadong gusali.

He snorted kaya naman ay nilingon ko siya. "You dragged me here yet you don't know where to go next? You are unbelievable, woman!" Reklamo niya. Pinanlakihan ko siya ng mata.

"Huwag ka ngang panay English dyan baka mamaya maholdap pa tayo dito!" Sita ko sa kanya sa takot na mangyari nga iyon sa amin. Mabuti na rin ang nag-iingat. Kalat na kalat ang ganoong sistema sa lugar na ito dahil nga mayayaman ang mga nag-aaral sa university. Ngunit kahit saan naman ata dito sa Manila ay wala nang ligtas na lugar dahil wala nang pinipili ang mga holdaper at snatcher, kung saan abutin na kantong may makukuha ay hablot agad.

"What? This place is dangerous too? Then why did you bring me here?" Naramdaman ko ang pagtigil niya sa paglalakad. Hinarap ko siya.

"Sinabi nang huwag ka papahalatang mayaman eh!" Mariing bulong ko sa kanya saka nilapitan at hinila sa kamay. "Tara na! Bilisan na natin, ayun, malapit na ang mga building, doon ka na magreklamo kahit sa Spanish pa iyan."

"Spanish? I can't, I mean, hindi ako marunong nun!" Umirap ako ng nangingiti. Mapagpatol din pala itong si Kage. Sinulyapan ko siya at nakakunot pa din ang noo niya. He looks adorable with a confused face.

Nang lumiko kami sa may gilid ng university ay agad akong nagpara ng taxi. Naisip ko kasing lumayo nalang sa campus dahil alam kong nagkalat ang mga estudyante sa mga kainan at tambayan kahit anong oras pa.

"Saan mo na naman ako dadalhin?" Tanong niya.

"Sumakay ka nalang. Dami mong reklamo, talo mo pa babae." Tinapunan niya ako ng masamang tingin ngunit umiwas lang ako upang magmukhang balewala lang sa akin iyon ngunit ang totoo ay naapektuhan ako doon. Sumunod din naman siya sa gusto ko at sumakay na sa taxi.

"Saan po tayo, Ma'm?" Tanong din ng driver nang makapasok na kami pareho.

"Uh, Kuya sa ano..." Tumingin ako kay Kage habang nag-iisip. It was an impulsive move actually. I have no plan at all. Where to go? "Sa national library po." Agarang kong sagot. Again, something I think of on impulse.

"What are we going to do there?" Nagtatakang tanong na naman ni Kage. Bumuntong hininga ako habang pinupunasan ang pawis sa may leeg.

"Research? Ano pa ba? Gusto mo magtagu-taguan din tayo," sagot ko. Umismid siya sa sagot ko. Tumawa ako sa ginawa niya. Ang arte talaga ng lalakeng ito!

"Oo nga, Sir. Ang laki ng national library, pwede nga kayong magtaguan dun." Natatawang komento ng driver sa sinabi ko. At nagsimula na kaming magkwentuhan na dalawa. Nakakatuwa naman ito. Ang daldal, kahit ata umabot kami ng Tagaytay hindi ako makakatulog sa dami niyang kwento. Masayang sakyan ito lalo na kapag traffic, hindi boring dahil madami kayong kwento.

"Oh, ayan na. Galingan mo sa pagtago, huwag ka nga lang sanang sipunin sa alikabok." Natatawang pahayag ng driver nang makarating kami doon. Tumawa rin ako sa sinabi niya at bumaling kay Kage.

"Ikaw ba may allergy sa alikabok o kaya ay may asthma? Baka mamaya bigla ka nalang atakehin sa loob ha?!" Paninigurado kong tanong.

"What are you talking about? You think I am some sort of a weakling?" Mukhang inis niyang wika. What? Anong weakling? Wala naman akong binanggit na ganon, naninigurado lang naman ako dahil ayokong magpanic nalang ako bigla kapag inatake siya ng asthma.

"Ayusin ang utak please? May sinabi ba akong anything about weakling? Nakakaloka! Iniisip ko lang naman na baka bigla ka nalang magcollapse sa loob mamaya dahil iexpect mo na ang kapal ng alikabok lalo na sa parteng sobrang dated na ng books. Siya, tara na sa loob!" Hinila ko ulit siya sa kamay at pumila kami para doon sa ID pass at bayad sa entrance.

Inabot kami ng mga apat na oras doon, alas singko na nang mapagpasyahan naming umuwi. Medyo madami rin naman kaming nakuha.

"Balik ka pang campus?" Tanong ko sa kanya.

"Yeah, I left my car there and my girlfriend is waiting for me." Sagot niya. Tumango ako.

"Sige, tara na. Baka matraffic ka pa, mamuti na girlfriend mo kakahintay." Biro ko sa kanya.

Pumara kami ng taxi. Sumakay siya ngunit hindi na ako sumama. Mas gusto kong magjeep nalang para diretso apartment na ako.

"Kuya sa Prescott po siya." Ako na ang nagsabi dahil baka naman pati pagsakay ng taxi ay hindi pa siya marunong. Mayaman eh.

"Are you not coming with me?" Nagtatakang tanong nito sa akin.

"Hindi, jeep nalang ako. Marami naman dyan." Sagot ko. Kinunutan niya ako ng noo na para bang hindi siya sang-ayon.

"Wait. Sumabay ka na." Pigil niya nang akmang isasara ko na ang pinto.

"Hindi na, malapit nalang naman pag jeep tsaka para diretso na sa dorm." Pagtanggi ko. Sinamaan niya ako ng tingin.

"Then we'll drop you off your dormitory." Pagpupumilit niya. Napabuntong hininga ako at sumakay na din, nakita ko kasing mukhang naiinip na ang taxi driver sa pagpipilitan namin baka bigla nalang pababain si Kage.

Nang tumapat kami sa dorm ay agad akong bumaba. "Salamat! Text nalang kita kung kailan natin gagawin yung final paper." Pahabol kong wika bago makababa. Umusod siya sa inupuan ko at tumango.

Kumaway ulit ako sa pangalawang beses. Napapangiti ako sa mga nangyari ngayong araw. He's clearly not that bad. I learned to know him a little when we talked while working. He's quite serious actually but tends to be fun too. Marunong siya bumalanse ng mga bagay-bagay. At lalong hindi naman siya iyong mayaman na mapangmata o spoiled. Hindi din maarte dahil nung kumain ako ng kwek kwek sa daanan ay sinubukan din niya.

Sa gitna ng pagngiti ay bigla kong naalala na hindi dapat ako matuwa ng ganito sa kanya. I know this feeling can lead to something else and that can't happen. Sa dami ng nagpapaalala na hindi pwede, paano iyon magiging tama at paano ko iyon mababalewala?

Stealing LoveWhere stories live. Discover now