Ano Ba Ito?

4.5K 37 6
                                    


Ano nga ba ang Feature Writing o Pagsulat ng Lathalain? Ang sabi ng aking tagapayo noong kami ay Elementarya pa lamang, ang Feature Writing ay all about human interest. Dito, malaya kang makapagsusulat, makakapaglagay ka nang mga mabubulaklak na salita at pwedeng-pwede mo pa s'yang mas palawakin. Lahat ay pwede mong bigyan ng paksa. Mapa-planetang Mars man 'yan o ang pinakamaliit na organismo sa lupa ay pwede mong sulatan ng isang lathalain.

Dahil na rin sa Feature Writing, una kong natutunang sumulat. Nagsimula ako sa simpleng title na "Ang Guro" na may tatlong paragraphs hanggang sa matutunan kong gumawa hanggang lima patungong sampu hanggang sa matuto akong gumawa ng mga nobela. Dito ay mas lumawak ang aking kaalaman sa mga bagay-bagay dahil natutunan kong mag-research upang mas maging makabuluhan ang mga isusulat ko sa aking lathalain.

Hanggang ngayon ay patuloy pa rin akong nagsasaliksik at heto na nga at aking ibabahagi sa inyo ang aking kaunting kaalaman ukol dito kaya sana ay inyong magustuhan ang bawat artikulong aking malilikha. Syempre, dahil gusto kong mas yumabong pa ang aking kaalaman, pwedeng-pwede n'yong i-criticize ang aking mga akda. #NoHardFeelings. Promise 'yan.

Ayon. Mukhang pinahaba ko lang. Bukas ko sisimulan para kyot. 


Feature ArticlesWhere stories live. Discover now