Patakbo akong lumabas ng pinto. Nakasalubong ko pa sa sala ang bunso kong kapatid na si Dangdang na kararating lang pero hindi ko siya pinansin. Dire-diretso ako palabas hanggang sa kalsada. Kailangan kong umalis. Kailangan kong lumayo para sa kaligtasan ng aking pamilya.

Kahit magulo ang isip ay alam ko namang hindi ako pwede kina Chie-chie. Mahal ko ang Pabebest ko at hindi ko siya kayang idawit sa kagagahan kong ito.

Pero meron akong isang tao na naiisip puntahan...


Nilisan ko ang lugar at natagalan ako bago nakahanap nang masasakyan. Nainip ako kaya kinuha ko na ang aking cellphone. Wala akong pantawag kaya text lang ang magagawa ko. Alam kong hindi siya magre-reply pero susubukan ko. Magbabakasakali ako dahil siya na lang talaga ang malalapitan ko.

Siya na lang.

Lumipas ang kalahating oras, wala pa ring dumarating. Wala rin akong makitang masasakyan kaya no choice ako kundi ang hintayin siya.

Ang kalahating oras na paghihintay ay sumapit sa isang oras. Hanggang sa nagdalawa subalit wala pa ring sasakyan na dumarating. Aalis na sana ako sa ikatlo ngunit ilang sandali pa ay may ilaw ng sasakyan ang tumama sa aking mga mata. Natanaw ko agad ang asul na mga mata niya sa loob ng SUV.

He smiled at me even he looked tired. "Sorry."

Napangiti na rin ako sa kanya. "Hello, Rom."

"Hop in." Itinulak niya ang pinto ng kotse kaya nagbukas iyon.

Nagbago ang kanyang mukha nang makita niya na may dala akong bag.

"You're in trouble?"

Hindi ko siya kinibo. Niyapos ko ang bag na aking dala at saka pumasok sa passenger seat katabi siya. Napansin kong nakasuot siya ng white suit na tulad ng isang doktor.

"Naka-duty ka?"

Napangisi siya. "Yes. That's why I'm late."

Saglit siyang dumukwang sa akin at saka hinawi ang ilang hibla ng buhok na tumatabing sa aking pisngi.

"Pasensiya ka na kung pinaghintay kita."

"A-ayos lang." Pasimple akong umiwas sa kanya.



Namayani ang katahimikan sa amin habang nagmamaneho siya. Wala pang labing-limang minuto nang makarating kami sa isang malaking gusali na kung titingnan mula sa labas ay para bang gawa sa salamin. Kulay puti ang paligid nito at may ilan lamang na palapag.



Sinalubong kami ng mga lalaking naka-mask. Kamuntik ko na ngang mapagkamalang nasa hospital kami.

Pagpasok namin sa loob ay naroon ang malawak na reception na yari sa marmol ang sahig. Umakyat kami gamit ang elevator sa second floor ngunit wala pa ring imik si Rom.

Naisipan kong basagin ang katahimikan. "Sa 'yo ba ang condo na ito?"

Natawa siya nang pagak. Dito ko lang nakikita ang kagwapuhan niya kapag nakalitaw ang kanyang dimples. "This is not a condo."

"Ha?"

"This is my laboratory."

"Laboratory?"

Bumukas ang elevator at inalalayan kami ng mga lalaking nakaputi rin tulad niya.

Bumaling siya sa akin matapos sa mga tauhan.

"Don't worry dahil dito ako madalas tumuloy. I have my presedential suite after this floor." Tumingala siya. Iyong sa itaas ang tinutukoy niya.

Kusa naman akong napalingap sa paligid at hindi maiwasang mapahanga. Kung hindi ko siya kilala ay aakalain kong isa siyang scientist.

Huminto siya sa paglalakad pagkuwan. Mayroon siyang tiningala na malaking larawan bago kami sumapit sa isang pintuan. Nanlaki ang mga mata ko nang makita kung sino ang nasa picture na iyon.

Si Erika!


Matagal niya iyong pinakatitigan, tumingin siya sa akin pagkatapos.

"How much, Ruby?"

"A-ang ano?"

He blew his breath. "How much do you need for you to stop doing such a thing?"

Ang tinutukoy niya marahil ay ang tungkol sa pagbebenta ko ng droga. He's not that naïve para hindi niya malamn kung ano ang laman ng bag kong dala.

Napayuko ako sa tanong niya.

"H-hindi ko kailangan ng pera. Ang kailangan ko ay pansamantalang matutuluyan."

Ibinalik niya ang kanyang mga mata sa larawang nasa pader. "I built this lab for her."

Napatingin na rin sa larawan ni Erika.

"Bubuhayin ko siya." Tumingin muli siya sa akin. "Bubuhyain ko si Erika."

Bumagsak ang panga ko sa sinabi niya. Nababaliw na ba siya o talagang weirdo lang? Oo ramdam ko na noon na may something siya, pero hindi ko alam na ganito kalala.

Segundo lang at napahalakhak siya. Kinuha niya ang kabila kong kamay at wala akong nagawa nang hawakan niya iyon... nang mariin.

"How about..." dumako ang kanyang paningin sa bag na nasa kabila kong kamay. "You can stay here whenever you want and I will buy those packs in your bag?"

"S-sigurado ka?" bahagya niyang pinisil ang aking palad, naramdaman ko. "P-paano kung tumanggi ako?"

"Then tell me how much?" Seryosong tanong niya. "How much, baby?"

Napailing ako kasabay ng aking mahinang pagtawa. "Seryoso ka ba na bubuhyain mo siya?"

"Who?"

"Si Erika."

Napahalakhak na rin siya sabay lingon niya sa larawang nasa harapan lang namin. "I will... someday." Bumaling muli siya sa akin. "Do you belive me, baby?"

Tumango ako habang nangingiti. Lalong humigpit ang pagkakahawak niya sa kamay ko.

"I'll take that as a yes."

"Ha?"

Bumitiw siya sa akin at kinuha niya ang aking bag. "I'll buy all these packs and you can stay here as long as you want."

Hindi na ako nagsalita pa. Pero sa mga mata ni Rom ay parang may nakita akong kakaibang kislap na tila ay gusto kong biglang katakutan.

...

Love Me HarderWhere stories live. Discover now