Chapter 6. Before the break-up...isang masakit na pangako

Magsimula sa umpisa
                                    

"Okay, kung ayaw na ng pasiyente ang magpagamot ay hindi ko na siya pipilitin pa. Kinalulungkot kong sabihin Sonia, may pitong buwan na lang si Jay para mabuhay," sabi ng Doctor na nailing nalang sa mga kanyang sinabi.

Lahat kaming nasa kwarto ay naguguluhan sa nangyayari. Matapos lumabas ng Doctor ay saka nagpaliwanag sa amin si Tita Sonia.

"Jay is suffering from Leukemia. Late na nang madiskubre namin. Nang magpacheck-up kami last two months nang matumba siya sa loob ng Gym. Na-detect na kaunti na lang ang red blood cells at mas lamang na ang white blood cells sa katawan niya. Nag-try kaming maghanap ng bone marrow donor pero wala kaming mahanap. Dumudugo lagi ang ilong niya. Habang lumilipas ang araw lalo siyang nanghihina. Napapadalas na rin ang mawalan siya ng malay," natigil siya sa pagpapaliwanag ng hindi na niya napigilan ang mapahagulgol sa kanyang mga sinasabi.

"Sabi ng Doctor heredity ang maaring cause ng kanyang leukemia," dagdag pa ni tita.

"My mom also died with Leukemia," sabi ni Dad.

Nanghina ang tuhod ko sa mga narinig ko. Kung kailan nakita na namin siya ay ito naman ang sumalubong na balita sa amin. Ang saklap naman, sa haba nang panahon na hindi namin siya nakasama, siyang bilis naman niyang mawawala sa amin. Ang lupit naman ng tadhana sa pamilya namin.

"At no'ng araw din na iyon ay pinursige ako ni Jay na hanapin ang tunay niyang pamilya. I hired the Top private investigator here and they found out about your family. Jay was so happy when he knew that he belongs in your family. Lalo na nang malaman niyang ikaw, Ken, ang kuya niya. Kitang-kita ko sa mata ni Jay ang kasiyahan," sabi pa ni tita at bumakas sa pisngi niya ang isang ngiti. Nakikita kong masaya siya dahil natagpuan na kami ni Jay.

"Mom," tawag ni Jay. Nagising na siya at pilit na pinapaupo ang mahinang katawan niya sa kama. Lumapit ako kaagad para alalayan siya. Narinig ko ang bahagya niyang pag-ngisi.

"Mom, nagugutom na ako. Can you buy me a bowl of Lomi? Please?" pakiusap ni Jay. Nagmadaling umalis si Tita Sonia kasama si Mom at Dad. Dalawa na lang kami ang naiwan dito sa silid at hindi ko natiis pang hindi magsalita at tanungin siya .

"Why didn't you tell me? Sana ako nalang ang donor mo para makasama pa kita ng mas matagal. Ang daya mo Bro, e. You just came and yet you're leaving me, us so soon." Sobrang masakit para sa akin ang kaisipan na iiwan nanaman niya kaming muli at sa pagkakataong ito, wala nang pagkakataon pa para bumalik siya… kasi buhay na niya ang pinaguusapan dito.

"Dude, maaring hindi mag-match ang bone mo sa bone ko. Kahit kapatid kita ay maaring mangyari iyon. Ayokong kaawaan mo ako lalo na kapag nalaman mo ang sakit ko. Ayoko namang maawa ka sa kagwapuhan ko. Ayaw mo no'n mababawasan ang gwapong karibal mo? Hindi ka na mahihirapan," mabagal niyang paliwanag. Alam ko sinusubukan niyang pagaanin ang pakiramdam ko, pero hindi naman kasi ganoon kadali iyon.

"What the hell are you talking about? Karibal? Kailan kita naging karibal? Ang pagkaka-alam ko mag-best friend tayo 'di ba?" takang tanong ko sa kanya. Nagulat naman ako nang bigla siyang magsalita.

"Dude, alam mo naman na pareho nating gusto si Ella. Ikaw ang nakaagaw ng atensyon niya. Sa 'yo siya nagkagusto at hindi sa 'kin. Nagparaya ako dahil alam kong doon sasaya si Ella. Pero Dude, I can't stop myself. I can't stop loving and admiring Ella. She's so perfect, she's the girl I've ever dream of. For three years… three years kong tinago ang pagmamahal ko para sa kanya. Ayaw ko kasing makagulo sa inyo. Kitang-kita ko na mahal na mahal mo siya. At alam kong hindi mo siya kayang saktan. But now, I'm begging you. Can you please give me a chance to be with her? Kahit sa maikling panahon lang. Para bago ko man lisanin ang mundong ito ay matupad ang kahilingan ko. Alam kong napakalaking kagaguhan ang hinihiling ko pero gusto ko lang naman kasing maramdaman kung paano mahalin ng isang Ella Lhaine Guevarra..." Kitang-kita ko sa mga mata niya ang kagustuhan na makasama at mapasa kanya si Ella kahit sa sandaling buhay niya. Ganoon niya kamahal ang babaeng mahal ko. Hindi ko rin siya masisisi dahil hindi naman mahirap mahalin si Ella.

Hindi ko alam ang isasagot ko. Hindi ko alam ang iisipin kong dapat na isagot sa kapatid ko. Matagal bago ako nakasagot kay Jay. He's begging for my girl. The woman I can't live without. That demand is too much. I can't imagine my life without Ella. How can I fulfill his wish? My love, my life, my brother is at stake. Ipagdadamot ko ba ang kahilingan niya? Ayokong ipamigay ang kung anong akin. Pero minsan lang naman hihiling ang kapatid ko lalo pa’t ilang buwan nalang ang natitira sa kanya para mabuhay. Ayoko naman na mawala siya na may galit sa akin. Hindi ko kakayanin, baka hindi ko mapatawad ang sarili ko kapag nagkataon.

"Okay, sige. Kailangan nating planuhin ang lahat kahit na masakit para sa'kin ang gagawin ko, para sa 'yo, gagawin ko. Basta't ipangako mo lang na mamahalin mo si Ella at huwag na huwag mong ipaparamdam sa kanya na nag-iisa siya. Hahayaan kong magalit siya sa akin. Kung iyon ang ikasasaya mo." Niyakap niya ako nang mahigpit at nagpasalamat sa pasya ko. Kahit na sobrang labag sa kalooban ko, wala na akong magagawa kundi ang tuparin ang kahilingan niya kahit pa ikamatay ko ang sakit.

"Salamat, Kuya." Masarap sa pakiramdam ang tawagin niya akong Kuya dahil ilang taon akong nangulila sa kanya.

Patawarin mo ako Ella. I am not that strong enough to fight for you. I am not worthy of your love. Alam ko maiintindihan mo rin ako. I just hope that you do.

Magmula nang araw na iyon ay naging masigla na ang kapatid ko. Alam niya rin na kaunting panahon na lang ang ilalagi niya. Masayang-masaya siya nang sabihin ko sa kaniya ang plano, na kung papaano mapupunta sa kanya si Ella. Si Ella, ang babaeng mahal ko.

Makalipas ang isang linggo ay isinagawa na namin ang plano. Ang araw na dumurog sa puso ko. Ang araw na ipinamigay ko ang babaeng mahal ko. Mas pinili ko ang kapatid ko kaysa sa kanya. Pero ipinangako ko sa sarili ko na babawiin ko siya at babawi ako sa lahat ng sakit na ibinigay ko sa kanya.

I promise I'll make it up to you. Hindi mo p'wedeng malaman ang katotohanan sa likod ng pakikipaghiwalay ko sa 'yo. Sana magampanan ko ito hanggang sa huli.

I love you Ella, I really do. Sana mapatawad mo ako.


*****

End of Chapter 6

Thanks for reading.

Ate mayAng :)

~edited~

Starting over again [Under Major Editting]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon