Chapter 7 : Impossible

Start from the beginning
                                    



Damn! Kung ganoon, sila pala ang nagtangka sa buhay namin! Mas binigyan lang nila ako ng rason na puksain ang grupo nila! Kahit kailan ay hindi namin ibibigay ang kaibigan namin. Lalo na at nagdadalang tao siya ngayon. Nasa sinapupunan niya ang magiging kinabukasan ng mga Vantress. Hindi namin pwede pahintulutan na masira lamang ang mga pangarap namin para sa kanila. 



Nang marinig ni Fiacre ang balita ay inihagis niya kaagad ang phone na hawak niya at seryoso kaming tiningnan. "So you mean, 'yung mga taong iyon ang nagbigay ng mga pasa ko?!" uh-oh. Hindi niyo alam kung gaano nanggagalaiti 'yang si Fiacre habang pinagmamasdan ang mga sugat at pasa niya. Siya pa naman ang pinakaconscious sa itsura sa aming apat. 



"Naaalala ko rin na may sinabi tungkol sa isang taong nagngangalang Samara. Na kaunting sandali na lang ay makalalabas na siya sa training center at siya na ang magiging bagong laruan ng judge. At kapag nakuha na raw nila si Alex, siya naman ang susunod na laruan." dugtong pa niya. 



Napapaisip kaming apat ngayon. Sino si Samara? Tauhan din ba siya ng judge? Isa ba siyang tauhan na papakawalan din nila para patayin kami at para makuha si Alex sa amin? O isa rin siya sa mga babaeng katulad ni Alex na naapektuhan ng Onyx Blood Disease at may kakaibang kakayahin na rin para makapanakit ng mga tao? Hindi man namin siya kilala sa ngayon ay dapat na kaming maging aware sa existence niya. Na dapat namin siyang layuan dahil nagmula siya sa council na kinamumuhian namin. 



Itutuloy pa sana ni Rennei ang pagmi-meeting namin nang mambulabog sa loob ng kwarto ang malakas na ring tone ng phone ko na nakapatong sa may kama. Mabilis akong tumayo upang maiwasan ang tingin ng tatlo at tinungo ang kinalalagyan nito para damputin. Nang makita ko ang pangalan ng caller ay agad na akong nagpaalam sa kanila na lalabas muna ako para na rin hindi ko maantala ang pagpupulong nila. 



Hindi lang sa labas ng kwarto ako nagpunta kundi sa may bandang hardin ng tita ni Fiacre na nasa likod ng mansion na ako nagpunta para mas makausap ko ng masinsinan ang taong nasa kabilang linya. 



"H-hello?" hingal kong sambit nang makarating na ako sa hardin at natiyak ko ng walang ibang tao sa paligid na maaaring makinig sa usapan namin. 



"Oh? Bakit hingal na hingal ka?" natatawang tugon niya. Itong lalaking ito. Siya na nga ang tumawag, siya pa ang may ganang mag-ganito. Siyempre ayokong malaman ng iba na may lihim kaming pag-uusap. 



"Just state your business and hang up." I said. Ayoko man aminin pero parang nagpapanic ang puso ko. Hindi ko alam kung hinihingal ba ako dahil tinakbo ko papunta rito o dahil sa kausap ko ngayon ang taong matagal ko ng sinusubaybayan ng tingin. 



"Ang sungit mo lagi sa akin! Kinakamusta ka lang naman. Isa pa, ito na lang ang oras na free ako. Madalas kasi akong utusan ng dahil sa paglilihi ni master eh. Grabe, ang weird pala kapag nagbubuntis ang mga babae." kwento niya. Kahit papaano natutuwa akong malaman na maayos ang pagbubuntis ni Alex. Sana maging malusog na bata ang ipapanganak niya nang maging maingay lagi. Hindi na kasi kami madalas bisitahin ni Charlene eh. Busy daw sa school at pamamasyal kasama ang parents niya. 



"Edi paano 'yan kapag nag-asawa ka at na-knock out mo?" biro ko sa kanya. Narinig ko ang pagtawa niya. Pagtawa niya na minsan lang kung aki'y marinig. 



"Ano ka ba! Siyempre magiging masaya ako kapag magkakaanak na ako. Nakakamangha ngang isipin na limang buwan na lang at may ngangawa na sa loob ng mansyon. Tapos kapag dumaan ang ilang taon, may makulit ng makikipaglaro sa aming mga reapers." 



"Ganyan tala----" 



Tila nabato ako sa kinatatayuan ko. Ni hindi ko na nagawang sabihin pa ang itutugon ko kay Dash at nabitawan ko na ang phone ko. Ni hindi ko na nga rin namalayan na napanganga ako sa saglit na nakita ko. 



Hindi ako makapaniwala. Ayokong maniwala. Imposible. Napakaimposible. There's no such way.



Namamalikmata mata lang ba ako? O totoo ang nakita ko? 



Sandali ko lang nasulyapan ang mukha niya noon pero alam ng utak ko kung sino siya. Hinding hindi ko makalilimutan ang mukhang iyon! Pero bakit ganoon? Nag-iba na ang kulay ng mga mata niya. Ang mga mata na noon na lubos kong kinamamanghaan ay hindi na mababakasan ng kahit anong pagningning at pag-asa? Nasaan na ang mga matang nagsasabi sa akin noon na huwag susuko at mabuhay?









"Lorraine ..." nasambit ko na lang at tuluyan ng nanlambot ang mga tuhod ko. Impossible. 




****

A/N: Tadaaaa! Sorry kung late! Sobrang pagod kasi galing sa laban ng school namin eh. Anyway, heto na siya~ hope you enjoy this chapter! Sana'y patuloy niyo pa pong suportahan ang book 2! Dito niyo po malalaman ang ilan pang natitirang misteryo sa book 1 kaya pakitutukan po! Thank you for all the votes, comments, and messages! Hindi ko po alam kung paano ko susuklian ang lahat ng suporta niyo~ Mas lalala pa po ang bawat chapter kaya maghanda handa! God bless everyone! :) Sali kayo sa group namin sa fb! www.facebook.com/groups/ARECamp o kaya'y i-like niyo ang page ko na, 'Alerayve' para matagpuan sa page ang link ng group! 

Mhorfell Academy and The Onyx Blood Disease (Published under PSICOM)Where stories live. Discover now