CHAPTER 1: MISSION

7.8K 179 5
                                    


◾◾👑◾◾

Chapter one: mission
"In order to gain your freedom, you have to lose something."

Limang buwan na ang nakalilipas simula ng nangyaring pagtakas ko. Si chief o ang dating butler ng pamilya namin ang siyang tumulong sa akin, siya ang nagdala sa akin sa Castello at ngayon ang nagbibigay ng proteksyon upang masiguro ang kaligtasan ko.

Umakyat na ako sa aking kwarto upang magpalit ng damit dahil maya-maya lang ay siguradong darating na rin ang aking sundo na si Dan. Saktong pagbaba ko naman ay siyang pagbusina ng kotse kaya mabilis akong tumakbo palabas ng bahay.

"Good evening, young lady." Bati sa akin ni Dan, ngiti lang ang itinugon ko sa kaniya at sumakay na sa likuran ng kotse matapos niya akong pagbuksan.

Tahimik lang ako sa byahe habang nakatingin sa kalsada hanggang sa makarating nga kami sa opisina ni chief. Habang naglalakad ako pagpasok pa lang ng kompaniya niya ay lahat ng taong madadako sa akin ang mata ay bigla na lang umiiwas ng tingin. Isang babae pa ang napatigil sa kaniyang paglalakad at di namalayan ang pagkahulog ng mga papeles na hawak.

"Nahulog ang dala mo." Paalala ko habang dire-diretsong naglalakad.

Sumakay ako ng elevator at lahat ng nakasakay roon ay agad na nagsilabasan kaya ang resulta ay mag-isa lang akong nakasakay ngayon. Hindi ko alam kung ano ang sinabi sa kanila ni chief kung bakit nagkaganiyan sila sa akin ngayon. I hope it isn't some terrifying tales.

"What do you need?" Bungad ko kay chief pagkapasok ng opisina niya.

"And knock before you come in." sarkastiko naman niyang sabi na hindi ko na lang pinansin, naupo ako sa sofa sa tapat ng table niya.

"What do you need?" Walang gana kong ulit.

"Impatient as ever, Sora." Napahalukipkip ako sa narinig.

"Aalis na ako." Bored kong sabi at akmang tatayo na nang pigilan niya ako.

"Alright! You have a mission... Just a simple one."

"What kind?"

"You need to accept it first." Seryosong sabi ni chief na nagpataas ng kilay ko. "You are just going to watch over someone." Dagdag pa niya.

This seems suspicious.

"Okay." May iniabot namang file sa akin si chief na naglalaman nang information tungkol sa lead ko ngayon.

"I'll go." Paalam ko bago tumayo at lumabas na ng opisina.

Hinatid naman ako ni Dan papunta ng Castello kung saan ako nakatira. It was made of marbles and stones at masyado rin malaki ang kastilyong ito para sa akin na nagiisang nakatira dito at sa ibang maids na siyang tagalinis at tagapaghanda ko ng pagkain. Mga maids na hindi ko alam kung nag eexist nga ba talaga dahil hindi ko sila nakikita sa tuwing nasa castello ako.

Hindi ko muna binasa ang files at natulog na lang agad ako pagdating ng kwarto. Hatinggabi na rin at makapaghihintay naman ang misyon na 'to.

***

Kinabukasan, halos manlumo ako sa kinauupuan ko matapos mabasa ang files na binigay ni chief. He outsmarted me and I should have known better! Alam niyang ayokong humaharap sa maraming tao kaya pina-oo niya muna ako sa pagtanggap ng misyon.

Ang lalaking mamanmanan ko ay nag aaral sa SANC UNIVERSITY at kailangan ko rin pumasok sa eskwalahan yun! I flip the pages again up to the last page at nakuha naman ng atensyon ko ang pangalan ng isa pang lalaki.

The Mafia And The Golden Fairy IWhere stories live. Discover now