Chapter 8: Friends?

Magsimula sa umpisa
                                    

"About the deal, dapat sundin mo 'yon dahil ako ang nanalo. We're friends now, kaya dapat maging mabait ka sa akin," wika niya.

Nakikita ko sa peripheral view ko na sobrang lapad ng pagkakangiti niya. She's really into it. Kung alam lang niya na mapapahamak siya sa pakikipaglapit sa 'kin. Mapapadali ang misyon ko kapag naging kaibigan ko siya pero bakit pakiramdam ko ayaw ko siyang mapahamak? Gusto kong lumayo siya sa 'kin para hindi siya madamay. Pero kahit naman layuan niya ako, mapapahamak pa rin siya dahil isa siya sa elemental power users.

What should I do? May pagkatanga pa naman siya. She's so gullible. Hindi ko alam kung bakit napakadali niyang magtiwala sa ibang tao.

XYRA

Napansin ko ang matagal na pananahimik ni Clauss. Mukhang malalim ang iniisip niya. Ayaw ba talaga niya akong maging kaibigan? Halatang nagdadalawang-isip siya.

"Kung ayaw mo talaga akong maging kaibigan, it's fine. Hindi naman kita gustong pilitin. Naiintindihan ko na napilitan ka lang dahil sa deal natin. Just say so," malungkot kong wika.

Gusto ko talagang maging magkaibigan kami ni Clauss pero ayaw naman niya. Lumingon siya sa 'kin. Ngumiti ako sa kanya ng pilit. Bababa na sana ako sa puno pero pinigilan niya ako. Nagtatanong ang mga matang nilingon ko siya.

"Stay. It's not that I don't want to be friends with you... but..." mahinang wika niya.

But? Halatang nag-iisip siya ng magandang sabihin. Kahit naman pagandahin pa niya ang mga salitang gagamitin, tiyak na masasaktan pa rin ako. Sa tingin ko, namimili siya ng salitang hindi masyadong makakasakit sa 'kin. Pampalubag-loob kumbaga.

"It's okay. You don't have to say those excuses. That will be pathetic and will just hurt me more. Sige, alis na ako," wika ko.

Ayaw niyang bitawan ang wrist ko kahit hilahin ko. Sinubukan kong tanggalin ang kamay niya pero lalong humigpit ang pagkakahawak niya na halos masaktan na ako.

"Clauss, it hurts," daing ko. Niluwagan niya ang pagkakahawak sa kamay ko. Naawa siya sa 'kin.

"Damn! Okay! Let's be friends," inis na wika ni Clauss. Napatingin ako sa kanya. Seryoso ba siya? Mukhang napilitan siya.

"You don't have to say that. Sinabi ko naman na okay lang. Hindi naman kita pinipilit," wika ko.

"I mean it. Hindi ako napipilitan lang," seryosong wika niya.

Based on his expression, I could say that he's really serious. Nakatingin siya sa 'kin. Hindi ko alam kung matutuwa ako sa narinig. Hindi ko alam kung ano ba talaga ang iniisip niya. Baka naawa lang siya sa 'kin kaya niya sinabi iyon.

"You really mean it?" I asked.

"Listen when people are talking. I don't want to repeat myself," nakasimangot na wika ni Clauss.

"Say that we are friends already," I commanded, smiling widely.

Lalo siyang napasimangot pero nagsalita rin naman. "We are friends... a-already." Hindi siya makatingin sa 'kin pero sapat na ang sinabi niya. May narinig kaming bulungan mula sa likuran. Napalingon kami sa room namin. Maraming nakikiusyoso. Pinagbubulungan nila ang kamay ni Clauss na nakahawak daw sa kamay ko.

Napatingin ako sa wrist ko. Kamay ba ang tawag dito? Sobrang exaggerated naman. Binitawan ni Clauss ang wrist ko. Bigla niya akong pinaalis.

"Hindi ka ba aattend ng klase? Malapit na matapos ang breaktime," tanong ko.

"Para saan?" balik-tanong niya.

Wonderland Magical Academy: Touch of Fire (Cloak PopFiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon