Bumalatay ang matinding takot sa aking mukha.

"P-please, Kyo, wag mo silang idamay... wala silang kasalanan, ako na lang - " natigilan ako.

Sa isang kurap kasi ay hawak na nya ang leeg ko.

Buong pwersa nya akong ibinarandal sa pader. Napaigik ako sa paghampas ng likuran ko sa matigas na aking kinasadlakan.

Halos hindi ako makahinga dahil sa mahigpit nyang pagkakasakal sa akin.

"Pinatay nyo ang anak ko!" asik nya.

Ang kanyang malamig na mga mata ay nagliliyab sa galit.

Tanging ngayon ko lang siya nakitang naglabas ng ganitong damdamin. Pasalamat na lang ako at bumitiw rin siya sa akin. Dahil kung hindi ay baka nalagutan na ako ng hininga.

Humugot siya ng cellphone sa kanyang bulsa at nagtipa. Saglit lang ay may dumating na mga unipormadong lalaki. Walang kahirap-hirap na dinampot nila ako palayo sa kanya. Sumigaw ako pero walang tunog. Kumawala ako ngunit wala akong lakas.

Kailangan kong masabi kay Kyo. Kailangan kong magmakaawa sa kanya na wag idamay ang pamilya ko. Ang kaso ay huli na ang lahat.

Nang maibaba nila ako sa eroplano ay dali nila akong ipinasok sa itim na SUV. Pinaharurot nila ito hanggang sa makarating sa amin.


...

MATAMAN kong pinagmamasdan itong bull cap na bigay sa akin ni ate Rosenda. According to her, galing ito kay Macoy Sandoval, ang base guitarist ng Black Omega Band, na aking iniidolo.

Sa bandang BOS, si Macoy kasi talaga ang crush ko mula pa noong una. Nagkagusto rin naman ako sa ibang member pero never kay Kyo. Ayaw ko na kay Kyo kahit noong nagsisimula pa lang sumikat ang banda ng Black Omega Society. Umiiwas talaga akong marinig ang boses niya o makita siya kahit sa mga magazines. Lahat kasi ng bagay na asul ang kulay ay iniiwasan ko, katulad ng mga mata niya. Takot ako sa asul dahil ibinabalik niyon ang alaala ni Lord K sa akin. Funny dahil si Kyo rin pala ay si Lord K mismo.

Napabuntonghininga ako habang nakamasid sa bullcap na galing kay Macoy. Nakauwi na kasi si Ate a week ago from Manila. Marami siyang pasalubong na mula sa banda at isa na nga itong bullcap. Dapat masaya ako dahil nagkaroon ako ng souvenir from my idol pero hindi ko magawang magsaya. Hindi kagaya nila Mama, Amang, Dandang at Baby Quiro na masayang-masaya dahil meron din silang natanggap sa mga inuwing souvenir ni Ate Rosenda mula sa mga idol nila sa banda.  

"Sino na naman iyang pinagpapantasyahan mo?" puna sa akin ni Chie-chie. Hindi ko napansin na kanina pa pala sya nakamasid sa akin.

Dinalaw niya raw ako dahil hindi na raw akonagpapakita sa kanya. May isang linggo na rin nang makalabas sya sa hospital matapos ma-confine.

"Wag mong sabihing... in love ka na naman?"

Biglang sumagi sa isip ko si Kyo. It's been a week matapos ang masakit na pagtatagpo namin. Pagkatapos niyon ay hindi na sya nagparamdaman sa akin. Dahil sa mga banta nya sa akin, halos ibuhos ko na ang aking oras sa bintana. Nakaabang ako palagi doon na baka isang gabi ay may umatake na lang sa amin at saktan ang aking pamilya.

He said he will make us suffer. He accused us that we killed his daughter. Anak ko rin ang bata. Namatayan din ako tulad nya. Dapat nga na sisihin ako sa pagkamatay nito pero hindi naman pwede iyong sisihin nya rin ang pamilya ko.

Walang alam ang mga iyon sa nangyari sa amin. Kung mayroon mang dapat parusahan dito ay ako lang iyon at hindi ang mga mahal ko sa buhay.

"Ano, Pabebest? Ganito na lang? Magsasarili ka na naman?!" angil sa akin ni Chie-chie.

Love Me HarderUnde poveștirile trăiesc. Descoperă acum