Chapter 4: Lollipop and Mayree Cyniel Orteza

ابدأ من البداية
                                    

Nung recess, pumunta kami ni May sa caf. "Bes aminin mo nga sa akin kung anong meron sa inyo ni Maffy?" pag usisa niya sa akin habang nakataas ang isang kilay.


"May mata, ilong, teng---" pinutol ni May yung pagsasabi ko ng meron sa amin.


"Ayy, pilosopo mo Bes. Seryoso nga, bakit Lollipop tawag sayo ni Maffy? Endearment? Bes naman!" sabi niya sa malungkot na boses.


Oa naman neto! "Naku hindi no! Alam mo namang iisa lang ang laman ng puso't isipan ko di ba? At sayo si Maf, remember? Kaya hands off ako sa kanya. Sadyang baliw lang ang Loves mo kaya ganun. Di ko magagawa sayo yun Bes!" paliwanag ko sa kanya.


Nag iisang kaibigan ko lang yang si Mayree kaya di ko gagawin ang alam kong makakasira sa friendship naming. Mahal na mahal ko yan. Ayaw ko masaktan yan!


Dahil sa sinabi ko ngumiti siya ng malapad. "I love you talaga Bes! Promise mo yan ha?" paninigurado niya sabay yakap. Tumango tango na lang ako.


Mayree's POV


HI! Alam niyo naman kung sino ako di ba? Ang dakilang best friend ni Strawberry! Nakilala ko siya noong 2nd year kami, loner siya eh. Walang friends kahit ang ganda ganda niya. Nakakahiya siyang lapitan kasi mukhang walang qualified na kausapin ang katulad niya. Mukha siyang dyosa eh. Di naman siya mukhang mataray ah, wala lang talagang malakas ang loob lumapit sa kanya. Kaya dahil makapal ang mukha ko, nilapitan ko siya at niyayang makipagkaibigan and the rest is history.


Speaking of Berry, ayun siya! Mukhang nalate to ng gising, maaga pumasok yan eh. Well,maaga akong nagising ngayon eh.


"Bes!" tawag ko sa kanya pero mukhang di niya ako narinig kasi nagmamadali siya. Dahil tinatamad ako, hindi ko na siya hinabol. Pagdating ko sa seat ko hindi niya pa rin ako napansin. Magsasalita na ako nang---


"Hi, good morning Lollipop," masayang bati ni Maffy my loves kay Bes. HUWAT? Lollipop?! Kay Berry? Bakit di niya ako binati?


Di naman agad napansin ni Bes na siya yung kinakausap ni Maffy, maya tinignan niya si Maffy. Nakita niyang sa kanya nakatingin yun. "Are you referring to me?" sagot ni Bes tas ngiti. Ang ganda ng ngiti niya. *O* ganda niya talaga.


"Yeah. You have a cute name. Strawberry Lollipop," sabi naman ni my Loves. Ang gwapo talaga neto. Kaya inlove na inlove ako dyan h. ^______^


"Why Lollipop?" tanong ni Bes. "Idiot. LOLLIcelle POP," sagot ni Loves tas binigyang diin yung Lolli at Pop. Di ko naisip yun ha! Talino niya talaga no? Mas naiinlove tuloy ako!


"Nice you're good at making nicknames huh? Cute talent," sabi ni Bes. Ano ba iyan? Inglisan sila dyan eh mga Pilipino naman sila. Nosebleed ako ditto oh! Tagalog please?


"No, you're cute," sabi bigla ni Loves. Nanlumo naman ako doon. Type niya ba si Bes? No, hindi pwede. Ako lang dapat!


Namula naman si Bes. Anak ng! Wag mong sabihing type niya din si Maffy ko! Wag naman talo-talo Bes. Alam niya namang akin yan eh---okay, magiging akin!


Tas biglang tumawa si Loves. "You should have seen your face. You're blushing and all. It's priceless. And you did believe me?" sabi niya tas tuloy sa pagtawa. Namumula na siya. Gwapo talaga eh kahit tumatawa. Mali to! Ako lang dapat magpapatawa kay Loves eh. Ako dapat ang dahilan.


Nakita kong pumikit si Bes. Alam kong kinokontrol niyan temper niya. Kelangan ko ng pumasok sa eksena. Nagseselos na ako.


"Hi Maffy! Hi Bes, uy ba't ka natutulog dyan?" nagpacute ako ng konti baka mapansin ni Maffy. "Hindi ako natutulog. Meditate to." Seryosong sabi niya. Ang baliw talaga neto. Nagsisinungaling pa.


Magsasalita na sana ako nang---"Meditate?" sabi ni Loves tas tawa nanaman. Arg. Ba't ba ako nagtanong? "O baka gusto mo lang kalimutan yung kahihiyang ginawa mo Lollipop?" pang aasar niya. Di na tumatawa si Maffy. Yan, very good. Pero pulang pula siya, gwapo talaga neto oh. Papalagpasin ko na yung Lollipop thingy.


"Lollipop? Kahihiyan?" tanga tangahan kong tanong kahit alam ko naman talaga yung dahilan.


"Kas—" kinakausap na ako ni Maffy oh! Dapat it's my time to shine eh. Tignan mo, napapaenglish na ako sa galit. "Bes, wag mong pansinin yan. Baliw yan eh. Kanina pa tumatawa ng walang dahilan," singit ni Bes. Kainis minsan tong babaeng to. Uyyy, mahal ko pa din yan ha. Medyo nakakainis lang talaga minsan.


Biglang nagbell na sabay pasok ni Sir Pogi. I love you Ser! Napunta kasi sa kanya attention ni Bes eh. Good. "Bes tama na titig. Lusaw na," sabi ko after magsnap sa harap niya. Pero syempre meaning ko nyan, 'Sige lang titigan mo yan' Parang hubad na si sir sa titig ni Berry. Naku po.


"Kyaaah~ Ang gwapo niya Bes no?" sabi niya pero nakatitig pa din kay sir.


Oo nga gwapo si sir, kaso di ko siya type. Iisang tao lang nakakuha sa attention ko, si My Loves Maffy lang! Di talaga ako magsasawang titigan siya kahit selos na selos nako sa kanila ni Bes. Alam kong test lang yan ni God para malaman kung gaano ko kalove yun.


Nung recess, tinapat ko si Bes kung ano talaga meron sa kanila ni Maffy. Pilosopo talaga ang gaga, sinabi ba naman ang physical attributes nila. Natuwa ako noong sinabi niyang 'Hands off' daw siya kay Maffy dahil akin daw yun. Awww. Nagiguilty tuloy ako na nagselos ako sa kanila kanina. Pero para sure, pinagpromise ko siya.


Promises aren't meant to be broken dapat eh! Niyakap ko siya tas kakalimutan ko na lang yung selos ko dahil malaki ang tiwala ko sa best friend ko. At alam ko ding ayaw niyang mawala ako sa buhay niya kaya di niya gagawin yun

Let Me Be The Oneحيث تعيش القصص. اكتشف الآن