Chapter 27 - Part 1 of 3

Start from the beginning
                                    

            Panay lang ang hikbi ni Corine sa mga pagkakataong iyon.

            Si Gerald naman ay agad ding lumipat sa katabing upuan ng babae at agad na pinunasan ang mukha ng babae ng sarili niyang panyo.

            “Iiyak mo lang 'yan, nandito lang ako para maging kaibigan mo.”  Mahinang sabi pa nito.

            Nananatiling tahimik lang si Corine sa mga pagkakataong iyon.  Walang ibang nararamdaman ang puso niya kung 'di ang bigat nang pinagdaraanan nila ng nobyo.  Pakiwari ata niya’y kapag nagtagal pa iyon ay bibigay na rin siya.

            Samantala, sa hindi kalayuan ay kunot-noo namang nakatunghay lang si Liam kina Corine at Gerald.  Hindi niya maintindihan ang nararamdaman sa mga pagkakataong iyon, tila nagseselos siyang hindi niya mawari.  Dagdag pa na nami-miss niya ito kahit ano pang iwas ang gawin niya.

            “Are you even listening?!”  Galit na sita pa ni Sarah sa lalaki.

            “Oh…”  Bahagya pa itong nagulat.  “What are you saying?”

            “Space out ka,”  Pigil naman ang inis niya at bumaling sa direction na tinitingnan nito.  “Oh, new boylet ni Corine?  In  fairness, he’s good looking.”  Sarkastiko pa siyang ngumiti sa lalaki.  “Bagay naman sila, right?”

            Sa halip na sumagot ay iwas lang na tumayo si Liam.

            “I’ll just go to the restroom.”  Ni hindi nito tinapunan nang tingin ang babae at diretsong naglakad patungo sa restroom.  Pahapyaw lang niyang dinaanan nang tingin ang kamay ni Gerald na nakahawak sa kamay ni Corine.  Nagpupuyos ang damdamin niyang hindi niya maintindihan.

           

            Nang mga sumunod na araw ay higit na naging malapit sina Corine at Gerald sa isa’t-isa.  Naging instant buddies sila at kahit na sa merienda ay nagsasabay na silang dalawa.  Bagay na tila hindi naman nagustuhan ni Liam.  Kaya naman nang makakuha siya nang pagkakataon ay ipinatawag niya ito sa kanyang opisina.

            “S-sir…”  Alanganin pang bati ni Corine sa nobyo na kung ilang araw na ding may ‘sapi’ at mas nadoble kasi ang kasungitan.

            “Sit down.”  Utos pa nito at hindi man lang ngumingiti.

            Hindi naman tuloy maiwasan ni Corine ang matensyon lalo pa nga’t hindi naman talaga siya sanay sa nobyo na ganoon kasungit.  At kahit naman noong hindi pa man sila, hindi pa rin naman ito ganoon kasungit.

            “Ano ba talagang purpose mo sa pagpasok mo sa company namin?”  Hindi na ito nagpaliguy-ligoy pa.

            “Alam mo naman diba?”  Kinakabahan pang sagot niya.

            “What?  Because I am your boyfriend, is that right?”  Seryosung-seryoso pa rin ang tono nito.

            Tumango lang siya bilang sagot at malamlam ang mga matang tumitig dito.

            “I still don’t understand kung ano ang possible na nagustuhan ko sa’yo?”  Nakasimangot pa ito at sarkastikong nagsalita.  “You’re way too friendly.”

            “M-masama ba 'yun?”

            “When did you met this Gerald guy?”  Pag-iiba pa niya.

            “L-last week lang.”  Matipid na sagot pa niya.  “A-actually, I met him once sa school. Siya 'yung first guy na nagbigay ng roses sa akin nung i-surprise mo ako sa birthday ko. Isa sa mga kakilala mo rin.”

            “You met him once and all of a sudden best friend na kayo?”  Alsa boses na ito.

            “Galit ka ba?”  Kunot-noo pa siyang napatitig sa nobyo.  “Nagseselos ka ba?”

            “Why would I get jealous?  May girlfriend nga ako diba?”  Depensa rin naman niya.  “And her name is Sarah.”

            “Anong problema mo sa akin kung gan'un?”

            “I don’t have a problem with you.  As for me, you were tagged differently because of your behavior.  I am just concerned.”

            “I am tag differently?”  Pigil ang inis niya.

            “You made yourself an easy girl.”

            “Excuse me?”  Agad na nangilid ang luha niya.

            “You told me that you love me and yet, gan'un ka na lang makipag-close agad sa lalaking you just met!”

            “That’s why you’re telling me I’m easy dahil dun?”  Agad na  pumatak ang luha niya.  Hindi siya makapaniwalang maririnig niya iyon sa nobyo.  At kahit pa may amnesia ito, mali pa ring sabihin nito na ‘easy’ siya dahil hindi naman siya nito nakikilala.

            “All I am saying is,”  Hindi na niya naituloy ang sana’y sasabihin dahil agad na tumayo si Corine at nagwalk-out!

            Nagdiretso naman si Corine sa restroom at doon nag-iiyak.  Masakit para sa kanyang masabihan nang ganoon ng nobyo.  Ayaw rin naman sana niyang magpaka-sensitive, pero lahat naman din kasi ay ginagawa niya para sa nobyo kaya’t hindi rin niya maiwasan ang masaktan.

NO ORDINARY LOVEWhere stories live. Discover now