Chapter 6 : Bad & Good News

Magsimula sa umpisa
                                    



Kahit papaano ay nabawasan ang kaba ko kaya naman dumiretso na ako sa bathroom dahil halos walong oras pa ang biyahe namin pabalik sa Pilipinas. Tama, dapat tandaan ko 'yung sinabi ni Liam sa akin. 



Everything will be fine. 







"'Wag kang kabahan. Sandali na lang nandoon na tayo sa ospital." pagcocomfort sa akin ni Liam habang mahigpit niyang hawak ang nanginginig at malalamig kong mga kamay. I look at him, only to see him smiling while looking at me. Hindi ko alam kung bakit pero napangisi na lang ako at napatingin sa may rear mirror ng kotse. "I'm absolutely aware that I'm gorgeous, Mr. Vantress. So stop staring." biglang naalala ko 'yung time na nasa kotse rin kami noon para pumunta sa party kung saan ginawa namin ang misyon namin. Ganitong ganito rin ang sinabi ko sa kanya at ganitong ganito rin ang tono na ginamit ko para magaya siya noon. 



"Heh, that time when we're on our way to the party, am I right? Yes, yes, you are gorgeous, Mrs. Vantress. Wala akong reklamo pagdating diyan." tila pagsuko niya kaagad sa nabuksang usapan. Parang dati lang halos magpatayan na kaming dalawa tapos ngayon katulad na rin kami ng mga mag-asawa na halos puro ka-cheesyhan ang alam. Nakakairita minsan, oo pero on a deeper thought naman, it's still sweet. You read it right, Alexandria Crom--- err, Alexandria Vantress is the one who mentioned it. 



Medyo kinakabahan ako dahil hindi na ako nakatanggap pa ng balita ng simula ng makausap ko si Marc. Malas kasi nuong araw na iyon dahil walang available na flight kaya napilitan kaming maghintay ng tatlo pang araw bago makapagpabook. Tapos pagkarating namin dito, ang dami muna naming inasikasong mga business deals at reports ka inabot iyon ng tatlong araw din. Umaasa ako na sana may resulta na ang mga obserbasyon sa kanila at sana nagpapagaling na sila. 



Nang makarating kami sa ospital, agad naming tinungo ang kwartong kinalalagyan ng tatlo. Ospital ito ng ninong namin kaya naman mapa mula sa janitor, nurse, doktor, o director ay mga agents, reapers, o spies lang na nakaundercover o pumapart time job. In short, ligtas dito dahil balwarte ito ng pamilya namin. 



"Nandito na sila!" malakas na boses na salubong sa amin ni Kia at niyakap ako pagkapasok na pagkapasok ko sa kwarto. Nagsikumpulan din ang iba pa naming kaibigan kaya nagkayakapan na rin kaming lahat na animo'y ilang taon kaming nawala. Kung hindi pa nga inawat ni Juno ay baka hindi sila tumigil sa kakahagkan sa amin. 



Masayang humawi sa harapan namin ang mga kaibigan namin at doon namin nakita na nakakaupo na ng maayos ang tatlo sa kanya-kanya nilang mga kama. "How are you feeling?" tanong ko na siyang nagpahagikgik sa kanila. "Ayos na kami. Salamat sa pagpunta para bisitahin kami. Wala eh, malayo sa bituka ang tama ko." pabirong sagot ni Dereen habang nilalantakan ang mansanas na kakahiwa lang ni Dash na nakaupo sa upuang nasa tabi ng kama niya. 



Lalapit pa nga sana ako kay Dereen kaso bigla na lang ako napatalikod at napatakip ng ilong at bibig. Mabilis namang naalarma ang lahat ng tao na nasa silid na ito at nagsipuntahan sa akin. Nag-aalala ko silang tinignan na parang nanghihingi ng tulong pero hindi ko rin maipaliwanag ang nararamdaman ko. 



Mga ilang segundo pa na nagtitinginan kaming lahat, "Dash, throw these apples and bring the doctor." rinig kong utos ni Dereen kay Dash na sinunod naman nito kaagad. 





"Sabi ko sa'yo Rennei eh. May iuuwi silang pasalubong sa atin na made in Maldives eh hahahaha. I respectfully nominate myself to be one of the godfathers!" hiyaw ni Marc at doon na nagsimula ang walang katapusang kaingayan nilang lahat. 






****

A/N: Grabe, namiss ko 'yung paggawa ng POV ni Alex XD Anyway ito na siya! Sorry sa delay ulit! Dahil puro intense ang recent updates ko dito sa TOC, nilagyan ko muna ng pampagood vibes kaya ayan na! Mga bandang chapter 10 ko na ililipat sa settings ng 17 years after dahil kailangan niyo malaman ang mga nangyari lol. Medyo na-excite ako dun sa role ng judge kaya mas gagawin kong interesting ang character niya kapag pinakilala ko na siya~ Bothered ako ngayon kaya ganito muna kahaba. Next time na lang ako babawi :) About sa 'The Maid's Secret', baka sa Sunday na po ako makapag-update dahil 2 days and 1 night po kami sa Quezon Prov. tapos may practice po kami sa play ng tanghali then dance rehearsal naman sa Monday. Konting tiis lang guys, andami na kasing gustong umangkin kay Derek eh haha. Salamat pa rin po sa patuloy na pagsuporta sa akin! Sa mga votes, comments, at posts sa message board, maraming salamat po talaga! God bless! 

Mhorfell Academy and The Onyx Blood Disease (Published under PSICOM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon