Chapter 26 - Unexpected Visit

3K 104 5
                                    

*knock knock knock*

Nagising ako sa lakas ng pagkakakatok sa pinto ng kwarto. Ang sarap sarap pa naman ng tulog ko. Unang una, dahil mabuti na din ang pakiramdam ko, at katabi ko pa si Rhi.

I slowly moved her hand out of my arm, which made Rhian turn to the other side. "Mhmm," sabi ni Rhian, at bigla din siyang napadilat. "Sino yun? It's like, maaga pa, ah." Tinitigan ko lang siya with a puzzled look. "Hindi ko alam, Rhian." Pabangon na sana ako para i-check kung sino ang kumakatok, pero bumangon siya agad at pinaupo ako ni Rhi, "Lubb, please. Just rest. Ako na lang." Tumayo siya, at hinalikan ang noo ko.

*knock knock knock*

"Wait! Please! Coming!" Napasigaw na si Rhian dahil palakas ng palakas yung pagkatok sa kwarto. Kung tutuusin, oo, nakakainis nga pakinggan. Imagine, 7:37am pa lang.. pwede naman kumatok ng dahan dahan. Hindi din siguro nila naisip na baka tulog pa yung mga tao dito sa loob na dapat-

"Cha?! Anak?!"

Hala. Si Nanay. Paano niya nalaman!?

"Anak!" Patakbo akong sinalubong ni Nanay sa higaan. Nakikita ko na sobra nga ang pag-aalala niya sa akin. Niyakap niya ako ng matagal at mahigpit. Tinitigan ko lang si Rhian, flat, at walang emosyon sa mukha ko. "Anak naman, anong nangyari? Nawalan ka ng malay sabi ni Rhian. Bakit? Nagpalipas ka na naman ba ng gutom?...." Patuloy sa pagtatanong si Nanay sa akin, pero nakatingin lang ako kay Rhian.

Rhian is biting her lower lip, plus her pinky finger. Ang usapan namin ay wag sasabihin kay Nanay o kanino man. Pero bakit? Bakit niya sinabi na naospital ako, at nawalan ako ng malay?

"Anak," hinawakan ni Nanay ang mga pisngi ko, "ano talaga ang nangyari?" Nginitian ko si Nanay, kahit medyo naiinis na ako sa ginawa ni Rhian."Nanay, okay lang po ako. Kumalma ka, okay?" Hinaplos ni Nanay ang mga kamay ko, "Mukhang nakulangan po ako sa pahinga at kain, Nay. Naabutan po ako malapit sa condo ni Rhian. Pero maayos na po ako, Nay." Niyakap ako ni Nanay, at hindi ko pa din tinatanggal ang pagtingin ko kay Rhian.

Tumayo na ulit si Nanay, at nilapitan si Rhi. "Rhian, anak. Salamat, ha? Kung hindi mo sinabi, ano na lang kaya ako? Baka kung ano na mangyari kay Cha." Niyakap din ni Nanay si Rhi. "Wala po yun, Tita. Ayaw ko din naman po na mag-alala kayo. Hindi ko nga din po kinaya yung nangyari dito kay Glaiza."

Sa nakikita ko, mukhang kinakabahan si Rhian dahil alam niyang magagalit ako, sa pag alis ni Nanay. "Cha, Rhian, kumain na ba kayo?" Umiling kami ng sabay ni Rhian. "Ganun ba, o sige. Dito lang kayong dalawa. Bibili lang ako ng pagkain niyo."

Tumango ako kay Nanay, "Thank you, Nanay. Ingat ka."

Lumabas na si Nanay, and Rhian closed the door, silently.

Nilapitan ako ni Rhian, with her sad face. "Lub, babe? Sorry." Nakapout siya, at dahan dahang umupo sa gilid ng higaan. "Sorry na kasi ayoko naman na magworry si Tita sa'yo, okay? Please do-"

"Rhian, alam mong ayaw kong pinag-aalala si Nanay. Alam mo yan. At ilang beses ko din sinabi sa'yo na wag na natin ipaalam sa kanya. Pero sinabi mo pa din. Lubb naman." Yayakapin niya na sana ako, pero hinawi ko ang mga kamay niya. Napatingin na lang si Rhian sa sahig at tumalikod sa akin. At ayun, hindi ko pa din siya natiis.

Niyakap ko si Rhian. "Rhi, I'm sorry. It's just that, alam mong ayaw ko talaga ng ganun. Please? Please forgive me?" I feel her nodding pero hindi siya humaharap sa akin. Hinarap ko siya, and ayun. She is crying nga, hindi ako nagkamali. "Hey, Rhi." Niyakap ko siya ng mahigpit, "Hindi ako galit, okay? Sorry. Please? Uminit lang agad yung ulo ko. Pero patawarin mo ako, please?" Hinalikan ko ang cheeks niya, at pinunasan ang mga luha niya.

"I was just trying to help you with this one. Even Tita, kasi she's really worried na hindi ka nagmemessage sa kanya."

*ring ring ring*

*ring ring ring*

Pinunasan agad ni Rhian ang mukha niya. "Lubb, can you check kung sino?" Tinuro niya yung phone sa may desk.

09178865534
Nadine Calling...

Si Nadine.

"Rhi, si Nadine." Kinuha ko ang phone niya at inabot sa kanya. She inhaled and sinagot ang phone.

"Hello?"

♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥

"Hello?" I answered the phone, nervously.

"Rhi! Hi! Good Morning! Nasan ka? You received naman my message last night, right?" Okay. I almost forgot. No, I clearly and completely forgot! She was asking me out nga pala. "Ate, I'm here sa hospital-"

She interrupted me instantly. "Ha? What!? Why? What happened? Anong ginagawa mo dyan? Send me the address, puntahan kita. Now na!" She panicked mg sobra, and I can hear her breathing over the line. "Please, chill. Please? Hindi ako naconfine or what. I am here with Glaiz. I am here to accompany her. So don't panic too much." I smiled over while I look at Glaiz.

"Aha.. kaya pala. What are you doing there with her? Is she alright? Pwede ba akong, like, magvisit? Please?" I handed the phone over Glaiz. "Lubb, talk to Nadine." I cannot hide the smile in my face kaya napatanong tuloy si Glaiz. "Ha? Bakit?" Glaiza looked puzzled, and I smiled at her lang. "C'mon, Glaiz. Take the call."

"Um, hello? Si Glaiza to." Sagot ni Glaiza with a confusion in her face. "Oh my gosh. Am I really talking to Glaiza? Hi! This is Nadine! Kamusta ka na? How are you? Balita ko nasa hospital ka now," I was observing Glaiza habang kausap si Nadine.

And she was there, smiling like a kid. "Pwede ba akong magvisit? Please?" Glaiza simply laughed over the line and said, "Oo naman, sige. Ipapatext ko na lang kay Rhian yung address ng hospital. By afternoon kasi lalabas na din naman ako. Umm, okay. Sure sure. Bye bye. Ingat ka!"

Glaiza handed me the phone. "Nakakatuwa yang ate mo, ha. She's like you, pero siyempre, you are one of a kind."

Sus. Here she goes again with her ninja moves.

I kissed her cheeks and patiently waited for Tita and Nadine. But, hindi kaya delikado na magkasabay silang pumunta dito at magkita?

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

It's not me who's crying, it's my soulWhere stories live. Discover now