Chapter 22 - All Eyes On You

2.9K 93 21
                                    

Nakita ko na ang pinto ng kwarto ni Cal. Dapat pa ba akong kumatok? I guess no. Medyo nakabukas ang pinto ng kwarto niya, making the light visible sa floor.

Sumilip ako...

Nakahiga sila sa bed ni Cal, na dapat ako ang nakahiga dun. Both of them, naked. Natatakpan lang sila ng blanket, and still, moving in sync. Nakatayo lang ako sa pinto ng kwarto ni Cal, hindi ko alam kung dapat ba akong pumasok sa loob, o umalis na lang bigla. Napupuno na ng luha ang mga mata ko.

Nagkamali ako kay Cal. Ang mas masakit, sila pang dalawa ni Felix. Nagsama pa ang dalawang tao na nanloko, at ngayong, nanakit sa akin. Akala ko nakawala na ako sa sakit na naramdaman ko noon, pero hindi. Sadyang dinagdagan pa ni Cal ang mga pasakit ni Felix sa akin.

At, mukha pala akong tanga. Magkakilala pala sila Cal at Felix, at ako, walang kaalam alam. Anong pahabol ito? Planado ba nila na saktan ako, ganun? Nanghina na ako bigla dahil sa sobrang sakit at galit na nararamdaman ko.

Sinipa ko ang pinto ng kwarto ni Cal. Napatigil silang bigla ni Felix. I stared at them, pero mas tinitigan ko si Felix. It took like three seconds bago tumayo si Cal. May kinuha siyang small blanket para matakpan niya ang sarili niya. She walked quickly towards me. Tumutulo na ang luha ko, hindi ko mapigilan.

"Babe! Let me explain, it's-" Slap. "Babe, please, listen to me. Felix and I are just-" Slap.

Pinahid ko ang mga luha ko. "Ano sa tingin mo, maniniwala ako sa'yo?" Slap. "Pinagkatiwalaan kita, Cal! Alam mo, na ex ko yan si Felix, tapos ano, ganito!?" Slap. "Naglalampungan kayo. Nakakadiri kayo!" Slap.

Cal held my wrist and hugged me, "I'm sorry."

I flinched away from her, now facing Felix. "Ang kapal ng mukha mo. Ang kapal ng mukha niyo parehas!" I looked at Cal, at dahil sa sobrang galit at sakit na nararamdaman ko, nanghihina na ako. Unti unti nitong kinakain ang lakas ko. "At ikaw," tumingin ako kay Cal, "wag mo na ako susundan, itetext, o kahit ano. Magsama kayong dalawa!" Cal decided to stop me, pero masyado na akong galit at pinilit kong makalabas ng bahay niya.

Nagkamali ako.

Nagkamali.

Pinili ko ang taong hindi ko masyadong kilala, kaysa sa taong alam kong higit na nakakakilala at nakakaalam kung ano ako, kung sino ako. I sat down, decided to call Rhian.

Calling Rhian..

Calling Rhian..

Calling Rhian...

Walang sumasagot, mamaya na lang siguro.

Pumasok na ako sa sasakyan, 80km/h, at ngayon, hindi ko alam kung saan ako pupunta, kung saan ako mapapadpad. Gusto ko na lang muna lumayo sa lugar na ito. Kailangan ko ng tahimik na lugar.

At makikita ko lang yun sa lugar ni Rhian. Hinubad ko na ang heels ko, para makapagmaneho ako ng maayos. Unti unting nauubos ang lakas ko. "Malapit na tayo, Glaiz. Few meters away."

Napapreno ako sa may gilid ng lugar ni Rhian. Wala na akong lakas pa para magmaneho. Mas maganda siguro kung tawagan ko na lang si Rhian para masundo niya ako dito. I owe her an apology for earlier. Kinuha ko ang phone ko sa passenger's seat, pinilit ko matawagan si Rhian.

Rhian
09176600848

Calling Rhian..

Calling Rhian..

Calling Rhian..

Calling Rhian..

Calling Rhian..

It's not me who's crying, it's my soulWhere stories live. Discover now