Chapter 3 - Understanding the Misunderstood

4.4K 98 8
                                    

Bumiyahe na kami ng mga staff at ni Chynna sa location ng condo ni Althea. Pinagmadali na kami ni Direk Dom dahil 7 pm na. Natapos ang retouch within 15 minutes. Kinuha na ni Chyn si Miggy at kinuha ko na din ang groceries.

Babalik pa raw kasi ng 12 am para sa Bar Scene. Yung kay David, Althea, at Jade.
"3, 2, 1, Action!" Sigaw ni Direk at kumilos na ang mga cameraman.

Condominium Scene:

Pag pasok ko ng condo, nandun sa loob si Batchi. Nakikipaglaro kay Miggy.

"Tumawag pala si Wila, nagyayaya ng gimik. Tara labas tayo! Sige na payag ka na ano ka ba.", patayong sinabi ni Batchi.

Binaba ko muna ang groceries sa may counter. "Alam mo, ang mga ex, hindi na kinikita yan. Lalo na kung cheater," lumapit ako kay Miggy at binuhat siya, "kaya kayo naghiwalay. At saka, taken na yung gabi ko." Tinignan ko pa ng mas serious si Batchi. "Lalabas ako kasama si Jade at ang boyfriend niya,"

Tinitigan ako ni Batchi, hindi niya ata nagustuhan yung sinabi ko. Bakit? May mali ba sa sinabi ko? "Anong amats yun?", tanong ni Batchi. "Anong gagawin mo? Manonood ka sa kanilang dalawa habang naglalampungan yung dalawang straight na tao?"

Medyo nainis ako sa tanong niya. "Malamang maiinggit. Kung bakit normal sila, at tayo hindi." Sagot ko sa tanong ni Batchi.

"Bakit, may sungay ka ba?", tinignan niya ang ulo ko, "Buntot meron?", at tinignan niya rin ang likod ko. "Parang wala naman, diba? Alam mo," nako eto na, seryoso na si Batchi. "Kahit na yung tinutukoy nila na straight, o kaya katulad nating baluktot, normal lahat yan. Walang diperensya. Wag mo ako paandaran ng ganyan." Sabi ni Batchi habang papuntang lababo.

Sumunod ako sa kanya, buhat ko pa din si Miggy. Sumandal ako sa counter, "Oh, yun na nga, pero kahit alam mo na medyo tolerant na ang Pinas, iba pa rin ang tingin nila sa atin."

Lumapit sa akin si Batchi, kinuha ang bag ko. "Ganun ba? Kaya nga may pa-bag oh, ganda ganda ng bag.", lumingon siya sa akin. "Patingin nga, patingin nga ng itsura mo," pag lingon ko sa kanya, tumawa siya, "kapal ng make up ah! Tsaka, may pa-ruffles pa. Sige, sige yan. Gawin mo yan, tama yan. Magtago ka dyan sa mga damit babae mo! Maganda yan, sobra!"

Inirapan ko si Batchi, at tinitigan, "Uy, correction ha, hindi ako nagtatago! Mahilig lang ako sa mga magagandang damit, sa sapatos," umiling ako ng konti, "iba lang sexual preference ko. Pero, tanggap ko na babae pa din ako," tumawa si Batchi. "Hindi mo ako kagaya no! Mukha kang lalaki!"

Na-alert si Batchi. "Hoy!", sigaw niya sa akin.

"Tomboy! Tomboy!" Hahaha!

Lumapit si Batchi sa gilid ng counter. Nilapitan ko siya. "Teka lang, hindi ako tomboy!", "Oh?", sagot ko kay Batchi.

"Lalaki ako!", tinawanan ko na lang siya. "Bakit? Totoo naman ah! Grabe ka! Lalaki talaga ako! Tagal na natin mag bestfriend! Pero seryoso ah." Ayan na. Nako. Seryoso na nga si Batchi. Nakikita ko.

"Hay nako," sabi ko sabay lapag kay Miggy sa counter. "Makinig ka kasi."

"Nakikinig ako."

"Yung Jade na yan," lumingon siya sa floor saglit, then balik sa akin, "para sa akin, mahihirapan ka dyan eh. Una sa lahat, super rich, tapos meron pang jowa na sabit. Kung ako sayo, yung Wila na lang! Inaabangan yung tawag mo oh diba!" Pataas taas pa ng kilay. Kala mo naman nakakatuwa siya.

Sigh. "Kagaya din natin si Wila, hindi ba? At sinaktan din ako. So ano difderence dun kung makikipagkita ako kay Jade at sa BF niya?" Medyo sarcastic na ako, pero hindi ko pinapahalata.

It's not me who's crying, it's my soulWhere stories live. Discover now