Pagkatapos ng mix ay isa-isa niyang inabot sa mga babae ang mga baso. Sabay-sabay silang tumili at sunod-sunod na humalik sa labi ni Hunter. Napamake face ako. Gross.

Nilibot ko ang paningin sa paligid baka naligaw ang ilan sa Dark Beast pero mukhang wala yata.

"Woah, Second?"

Napabaling ako sa unahan at nakita si Hunter na nakanga-nga na parang hindi mapakaniwala. Inirapan ko siya. Sa pagkakatanda ko ay ang huli naming pagkikita ay noong nasuntok ko ang magpinsan dahil sa...nevermind.

"Long time no see, babe." Anito at nakipagfist bump sakin, pinatong ko sa table stool ang mga siko ko at tiningnan siya, mukhang alam na niya ang order ko dahil nagsimula na siyang magsalin sa baso. "What brought you here? Tagal niyong nawala ah."

"Niyo? Hindi rin sila nagpupunta dito?" Tanong ko. Saan ba talaga naglalagi ang mga taong  yon ngayon?

"Margarita cocktail for you, babe." At ngumiti, kinuha ko ang baso at hinawakan ng mahigpit bago tingnan siya ulit. "Yes actually, pero nandito si Third kahapon. Nagtataka nga ako kung bakit madalang na ng pagpunta niyo rito. Tapos narinig kong may nangyari sa inyong haven." Umiling-iling siya may halong pagkadismaya. "The rumor is true, bumalik na ang Rabia Gang, at mukhang kayo ang dahilan."

Sumimsim ako ng alak at napaisip.

Rabia gang? So, sila yon and that's their name. Naalala ko kung gaano sila ka-eager na makuha ang rank. Na kailangan pa nila akong makuha para gamitin at maipain lang kay Zeign. Hindi ko man maalala halos kalahati ng nangyari nung gabing yon, alam ko sa sarili ko na may nagawa akong sobra.

"I heard, Sun's still hospitalized dahil nabali ang braso at halos hindi makilala ang mukha."

Napapause ako sa pag-inom sa narinig, nakita ko siyang nakatitig sakin habang nakangisi.

"And I heard, it's you who beat him." Naglean siya sakin at pinagmasdan ang mukha ko. Parang may hinahanap na bakas ng kung ano, pagkatapos ay umiling-iling. "Sad truth, you're still the best. Hindi ko na ipapakwento kung anong ginawa mo. It's pretty obvious."

Ngumisi ako. Hindi ko rin naman alam kung paano ikukuwento. Muli akong sumimsim ng alak. Brutal pala masyado ng ginawa ko, pero bakit may pakiramdam koy hindi pa yun sapat? My mind want him dead. Bullets on his head, stabs on his chest and stomach. Dead. Hell, erase!

Muling umalingaw-ngaw ang malakas na tugtog sa buong lugar. Umiindak si Hunter habang nagserserve sa mga bagong dating.

"Hey, one more shot." Tinaas ko ang baso at ibinigay sa kanya, ngumisi lang ito bago kuhain ang baso ko.

"Here you go, babe."

Inabot ko ang baso at bago pa man siya makaalis ay agad akong nagtanong. I need to know.

"Nakita mo na ba si First?" Mabilis kong tanong at pinagdikit ang dalawang labi, that's it, wala ng kasunod.

I hissed when I heard him chuckled.

"Kanina ko pa hinihintay na magtanong ka. Nandito yon kanina lang, maraming ininom. I'll tell you babe, he scared all my customers kaya pinalayas ko na. You should find him bago pa makamurder ng mga tao." Aniya at umuling.

Hindi na ako nagdalawang isip pang umalis. He's freaking mad, that is.

"BABE, BAYAD MO!"

"Utang!"

"What the hell? Malulugi ako sa inyo!"

Nailing nalang ako habang mabilis na lumalabas. Base sa sinabi niya, hindi rin nagbayad si Zeign kanina. Pagkalabas ng club ay tumigil muna ako para makapagtanong sa mga tao doon, and its useless, hindi rin nila alam kung saan pumunta. Saan—oh I think I know where.

The Fearless Angel [Completed]Where stories live. Discover now