Prologue

2.2K 28 4
                                    

"Mommy, I'm scared," bulong ko kay mom na katabi ko ngayon.

Everything I could see now was white... white walls, white lights, white people.

Napatingin ulit ako kay mommy na may kunot ang noo. I knew I had to do this. I've been wanting to do this.

Pero ngayong nakahiga na ako sa kama at ilang minuto nalang ay lalagyan na nila ako ng anesthesia, parang gusto ko nalang mag-back out.

"Ballerine, you can do this," Mommy continued to encourage me, squeezing my hand tight.

"Pero mommy, what if... hindi na ako magising?" That was my worry, first and foremost.

Ayaw ko pang mamatay. I'm only seventeen, for crying out loud.

I heard mom sigh. "Ballerine, think about everything that you've went through... all those people who hurt you..."

And in an instant, a childhood memory flashed in my mind...

"Balyena! Balyena!" nanunuksong tawag ng isang batang lalaki habang tumatawa kasama ang kanyang mga kaibigan.

Tahimik na nakaupo sa lupa ang sampung-taong gulang na batang babae habang natapunan ng ice cream ang kanyang puting uniform.

Alas-kuwatro ng hapon at nasa playground sila ngayon. Dito laging pumupunta ang batang babae sa tuwing natatapos ang kanilang klase para hintayin ang kanyang sundo.

Simula grade one hanggang ngayong nasa grade five na sila, lagi niyang kaklase si Lorenzo Reigan Maxwell o Logan kung tawagin ng karamihan.

At walang ibang ginawa ang lalaki kung hindi ang tuksuhin si Ballerine. Isa lang si Logan sa mga classmates niyang tumutukso sa kanya. Sa puntong ito, sanay na ang batang babae. Ngunit, hindi pa rin niya maiwasang hindi mainis.

"Maxwell, ano ba? Bakit mo ba ako tinulak?" reklamong tanong ni Ballerine habang pinipilit na tumayo mula sa lupa.

Sa taas na apat na talampakan at pitong pulgada, at timbang na forty-five kilos, matatawag na "overweight" si Ballerine sa kanyang murang edad. Kaya naman hirap rin siyang tumayo, lalo na ang tumakbo.

"Tinulak ba kita? Nahulog ka kaya! Ang taba mo kasi! Balyena!" patuloy na panlalait ng lalaki sa kanya.

"Logan, alis na kami!"

"Nandito na sundo namin!"

Nagsialisan na ang mga kaibigan ng lalaki. Habang si Ballerine ay nakaupo pa rin sa lupa.

"Balyena! Habulin mo ako!" Tumatalon ang batang si Logan habang nakatingin kay Ballerine.

Pinilit na tumayo ni Ballerine at nakatayo naman siya. Pero akmang tatakbo na ang batang babae ay bigla siyang nawalan ng balanse at natumba na naman ito.

"Ballerine!"

Agad na napalingon ang batang babae sa pamilyar na boses ng kanyang mommy. Papalapit na ito sa kanya kaya tumayo na ulit siya.

Laking gulat ni Ballerine nang bigla nalang lumapit ang kanyang mommy sa batang lalaki at kinurot ang kamay nito sabay pangaral. Hindi marinig ni Ballerine ang sinasabi ng kanyang mommy kay Logan. Pero sigurado siyang pinapagalitan niya ito ngayon.

"Ahhh! Mommy!" Umiiyak at tumatakbong palayo si Logan hanggang sa maglaho na siya sa paningin ni Ballerine.

"Ballerine, from now on, you're not allowed to play here. Understood?"

"Ballerine, you want to start a new chapter of your life, am I right?"

Those words coming from my own mother motivated me to be here inside the operating room now...

maybe after this, she will finally be proud of me...

she will confidently say that I am her daughter.

Because right now, I can't feel that I am.

The Nutcracker Project [Gen L Society #3]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon